III. The I.D.

32 5 0
                                    


HI guys, please vote if you like the story, thanks!

MASAMA ANG gising ni Diana kaninang umaga. Paano, na-realize niyang nahulog ang kanyang I.D. noong mabunggo siya ni Ruvick.

"Paano ko ngayon hahanapin iyon? No I. D. no entrance pa naman sa school." Napabuntong-hininga siya ng mabigat. Pero ilang saglit ay lumiwanag ang maganda niyang mukha. "Alam ko na, pupunta ako ng maaga sa may gate ng school. Baka sakaling may nakapulot ng I.D ko at iniabot iyon sa guard!"

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang sarili sa malaki niyang oval mirror. Maayos ang lapat ng white collared blouse sa kanyang slender body. Maliit naman tingnan ang waistline niya dahil sa navy blue skirt na suot. With a satisfied look, she finally said goodbye to her mom and left.

Thirty minutes na ang nakakalipas pero wala pa ring sign kung may nakapulot ng I.D. niya. Thirty minutes na lang at malapit na silang mag-flag ceremony. Napausal siya ng isang panalangin ng wala sa oras.

"Miss, I think this is yours," kasunod ng magandang boses na iyon ay isang light tap sa kanyang balikat. Nanigas siyang bigla at di makagalaw. Alanganin siyang humarap sa nagsasalita. Hindi niya puwedeng makalimutan ang boses na iyon, na sa unang raw pa lang ay nagpabilis ng pagpintig ng kanyang pulso, ni ang mapupulang mga labi na pinagmulan ng boses. Pero kailangan, dahil wala pa rin siyang I.D. at mali-late na siya.

"Salamat," aniya sabay kuha niyon. Tumalikod na siya agad-agad. Pero natigilan din dahil may pumigil sa braso niya.

"Grabe ka naman. Para akong may ketong kung makalayo ka." Hindi naman ito galit. In fact he was smiling, a sweet smile that made her heartbeat irregular when she had faced him. Pinilit niyang manatiling kalmado. Pero sa totoo lang nagwawala na ang sistema niya dahil nakahawak pa rin ito sa kanya. His touch was electrifying to her skin. Binitiwan na lang siya nito nang titigan niya ng seryoso ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.

"I'm sorry nagmamadali ako," mabilis niyang tugon sabay iwas sa mga titig nitong nakaka-rattle. "Thank you nga pala sa pag sauli nito," aniya sabay tingin sa kanyang I.D. "I can't stay long, may gagawin pa kasi ako sa loob ng classroom." Agad na siyang tumalikod.

"Diana wait."

Huh? He knows my name? Kinakabahan niyang tanong sa sarili. Hello! Napulot niya ang I.D. mo 'di ba? Nakakapagtaka pa ba iyon? Gusto niyang maasar sa pagsingit ng kabilang utak niya. Patay, I will be easy to trace! Reasonable ang kanyang reaksyon dahil siguradong alam na nito kung saan ang classroom niya. Nainis tuloy siya.

"Wala sa itsura mo ang kokopya ng assignment mula sa classmate mo. Plus, you don't look like one who will do cram reviews for an exam, pero sige. Kung anuman 'yung kailangan mong gawin baka importante nga. Kasi hindi ka naman sisimangot ng ganyan. So I will let you go now, pero not until you give me your cell number."

Hindi demanding ang pagkakasabi ni Ruvick ng statement na iyon pero napaka-persuasive, or maybe authoritative? Ang hirap i-spelling-in actually.

Ano ka ba Diana, don't fall in the trap of his stare! sita niya sa sarili.

"Sorry pero wala akong cellphone. Kailangan ko na talagang umalis, mali-late na ako." Bago niya nagawa ang kanyang Cinderella exit, rumehistro ang guwapo nitong mukha na nakasimangot. Sa pagsalubong ng makakapal nitong mga kilay, wala siyang pagdududa bago matapos ang araw na iyon ay makikita niya itong nakaharang sa may labas ng pinto ng classroom nila.

Pero natapos ang araw na iyon na hindi iyon nangyari. Ganoon din noong sumunod na mga araw.

Di ba dapat natutuwa ka dahil wala kang stalker? nasabi niya sa sarili minsan habang kasama si Aimee na nagri-recess. Di niya mawari ang sarili kasi ang totoo, medyo nadi-disappoint siya.

And that was definitely not a good sign!

Please vote if you like the story and please comment or share too! thanks! 

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon