HI readers, don't forget to vote if you like the story, hehehe! It gives me ganda points kasi! Thanks!
"MA, bakit naman nangyari ito! Hanggang ngayon wala pa rin yung package na padala ni Dad!" ani Diana. Her face was full of anxiety. "Kakaunti na lang ang laman ng bote na ito. Baka hindi kayanin ang buong araw na ito!" Naiiyak na siya sa pagsasalita.
Paalis na siya ng school. Nilagyan niya ng tubig ang chemical compound na nakalagay sa bote na kanyang hawak.
"Limang araw nang delayed yung package niya, anong mangyayari na sa akin? Kailangan ko pa namang mag-cheer leading praktis ngayon dahil tapos na ang mga exams namin!" panic niyang wika habang masyadong disappointed na tinitngnan ang hawak na plastic white bottle.
"Alam mo naman ang nangyari Diana. Nagkaroon ng problema sa routa na pinadadalhan ng mga package, kaya nagkaroon ng delay." Pati mukha ng mama niya, sobrang balisa. "Don't worry, once dumating ang package, agad-agad kitang pupuntahan sa skul."
"Gusto ko sanang mag-absent ngayong araw na ito pero reporting namin sa Social Studies, ako pa naman ang leader sa grupo namin!" Mabigat na buntong-hinginga ang sumunod. Hindi na siya puwedeng magtagal pa sa bahay. Mali-late na siya.
"Ma, please pray for me...I really really need it!" Iyon lang at hinalikan niya ang pisngi ng mama niya saka lumabas ng pinto. A gloomy atmosphere seemed to follow her as she left.
Okay naman ang kinalabasan ng reporting niya kanina sa klase. Naging maayos naman din ang daloy ng buong class schedule niya.
Mukhang malakas talaga si mama kay God, nakahinga siyang mabuti sa naisip. Pero may cheerleading praktis ka pa mamaya! Patay!
It was almost 4:30. Inihahanda na niya ang sarili para sa praktis.
"Huy, ano ka ba?" ani Aimee sa kanya na hinawakan ang braso niya paglabas niya ng Cr upang makapagpalit ng cheerleading attire. "Kanina ka pa kaya may dark cloud sa ulo mo? Ano bang problema,ha?"
"Paubos na kasi yung chemical compound na ginagamit ko," malungkot niyang bigkas na pinipilit hindi lamunin ng takot. "Delayed ng five days yung package ni Dad."
"H-ha? E paano yan?" Naging balisa na rin ito.
"Nilalagyan ko na nga lang ng tubig para ma-extend yung effect ng chemical."
"H-ha? Napatingin itong bigla sa kanyang ulo. E di ba mas lalong bababa ang bisa ng compound pag ganoon?
"Oo pero wala akong magagawa. Okay na yung may kaunting kapit kaysa wala.
Agad nitong tinanggal ang suot na elastic three inch headband na may bulaklak sa gilid. "Heto, isuot mo muna," anito sabay lagay noon sa ulo niya. "Medyo masikip iyan sa iyo kaya for sure kakapit iyang mabuti sa anit mo."
Isang kinakabahang tango lang ang kanyang isinagot dito.
"Teka, mag-cancel ka na lang kaya sa praktis niyo ngayon?" nababahala nitong banggit.
"Di puwede, ilang araw na kaong nag-cancel dahil nga delayed yung package ni dad. Baka magalit na si coach."
"Naku, mukhang mapapa-pray ako nito ng wala sa oras."
"Please, do...pray hard Aimee, kasi hindi ko na rin alam kung anong mangyayari kung maulit muli ang nangyari sa akin sa dating highschool ko!"
""Wag ka nang umiyak. Matatapos na ang araw na ito. I'm sure you have a guardian angel protecting you," alo nito. Sabay na silang lumabas ng CR.

BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
RomanceMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...