XIV. Doreen

15 1 0
                                    


ILANG ARAW niyang gustong maka-usap si Diana pero dahil busy ito lagi, hindi sila magtagpo ng schedule. Ngayon namang hapon, may research work na kailangan siyang tapusin sa Anatomy class nila kaya wala siyang oras upang mapanood ang cheerleading practice nito. The problem was he was missing her presence badly, like a lovesick puppy is for his owner.

Sa harap ng anatomy class ay nakikinig siya sa kanyang professor na isang matandang lalaki habang nagli-lecture.

"The skeletal system includes all of the bones and joints in the body. Each bone is a complex living organ that is made up of many cells, protein fibers, and minerals..."

Sa harap ng class ay may isang malaking skeletal system chart na kanilang pinag-aaralan. Dahil matindi yata ang pagka-miss niya sa kasintahan, sa 'di niya maipaliwanag na dahilan ay naglaro bigla ang kanyang imahinasyon. Bigla na lang unti-unting nabalutan ang mga skeletal legs ng laman. Nabalot ito ng makinis na balat at naging mahugis ang porma ng mga legs, na may kasama pa ngang medyas at rubber shoes. Pati ang tuhod makinis at walang marka.

Sumunod namang unti-unting nabalutan ng laman ay ang mga braso at kamay nito. At may suot pa ngang cute heart shaped gemstone bracelate sa kanang kamay, ang bracelate na balak niyang iregalo sa kanilang third month anniversary.

Ilang saglit ay nabuo ang magandang image ng mukha ni Diana sa mukha ng skeleton. Sa ganda ng ngiti ng mapupulang mga labi nito siya ay nabighani. At heto pa, kumikislap ang mga mata nitong kulay cinnamon habang nakatitig sa kanya.

And out of nowhere he heard his name mentioned.

"Ruvick!... Ruvick! Pare, gising ka ba?" Boses iyon ni Jed na katabi lang niya. Kasabay ng statement na iyon ay ang pagkalabit nito ng bisig niya. Hindi na pala niya namalayan na malayo na ang narating ng kanyang kaisipan. Kanina pa pala tinatawag ng professor nila ang kanyang pangalan.

Kung puwede lang siyang maglaho sa oras na iyon, ay hiniling na sana niya.

"Okay lang hindi makasagot sa klase, at least guwapo pa rin siya," ani ng babaeng kaklase niya sa katabi nitong babae. Napahagikhik tuloy ang mga ito.

Pero para sa kanya walang nakakatawa doon. Nangako siyang hindi magiging distraction si Diana sa pag-aaral niya. He has to keep that promise to himself.

Pero ang hirap! angal niya sa sarili.

Kaya naman noong hapon ay nagtungo siya sa gym upang manood ng cheerleading praktis nito, pero sa kasamaang-palad hindi na niya ito naabutan. Nag-pa-excuse raw ng maaga si Diana. Uuwi na sana siya pero bigla siyang nilapitan ni Reen.

"Hey handsome! Looking for me?" very flirty nitong wika, na may kasama pang batting of the eyes.

Ang papansin na Dalmatian na naman. Sumimangot ang kanyang mukha. Natigilan tuloy siyang lumakad papalayo. Si Reen ay ang highschool girl na tinuro ni Jed sa may campus gate ilang buwan na ang nakakaraan, ang babaeng puro nunal sa leeg. Kailan lang ay sinagot na nito ang panliligaw ni Jed kaya nagtataka siya kung bakit panay pa rin ang pagpapapansin nito sa kanya.

"Wala rito ang taong hinahanap ko kaya aalis na ako," aniya saka tumalikod.

"Who? 'Yung classmate kong mas maganda pa ang hair kaysa sa manika?" sarcastic nitong tugon.

Parang biglang umusok ang ilong niya sa galit. Pero balewala lang iyon sa babaeng kausap. Dumaldal pa nga lalo lang ito.

"Alam mo, mas bagay tayo. Look at me." Parang nang-aakit pa ang pagkumbinsi nito. Maganda rin naman si Reen, or mas kilala sa tunay nitong pangalan na Doreen. May dibdib na maipagmamalaki at balakang na mala-sirena ang itsura. Makinis din ang kutis, 'yun nga lang puro nunal sa leeg. Maaaring sa iba mas magandang tingnan pa nga si Doreen kaysa kay Diana, 'yun nga lang bagsak ito dahil sa masama nitong pag-uugali. Mayabang kasi ito, mahilig makipagkumpetisyon at hindi loyal sa sariling boyfriend.

Hindi siya bobo para hindi maramdaman na may matinding pagtingin ito sa kanya. Ayaw lang niyang sabihin ang ginagawa nitong pagpapapansin sa kanya, kay Jed dahil baka magkaroon lang sila ng conflict. Nangyari na kasi ito noon sa isang babae na nagustuhan din ni Jed. At hindi naging maganda ang kinalabasan. Sumama ang loob nito sa kanya at napuno ng insecurity. Alam kasi nito, na kailanman ay hindi nito kaya siyang higitan.

But he was a guy who valued friendship very much.

"Sorry, but I am in love with someone else, and I plan to stay loyal to her." Tinalikruan na niya ito pagkatapos.

"Hey suplado, huwag mo nga akong talikuran agad-agad!"

Jed ano ba talaga ang nakita mo sa babaeng ito! Marahas tuloy siyang napailing saka humarap dito.

"Alam mo..." anito sabay laro ng ilang hibla ng sarili nitong buhok. "Maganda naman si Diana. But you know what, parang may iba sa kanya?"

"Anong ibig mong sabihin?" Medyo defensive mode na ang itusra niya. Nagsalubong na ang makakapal niyang mga kilay. Matalim din na ang kanyang pagtitig sa kausap. Ang hindi niya alam mas lalo tuloy siyang naging guwapo dito, sa halip na maging intimidating ang dating.

"Alam mo, hair kind of girl din kasi ako," anito sabay hawi ng makapal nitong buhok na mahaba papunta sa kaliwang shoulders nito. "Pero 'yung sa kanya, ba't ganoon? Parang walang split ends, tsaka parang laging shiny naman...at pa—"

"Marunong lang siyang mag-alaga sa buhok niya, plus she likes to go to my mom's hair salon kaya ganoon.Kaya kung wala ka nang sasabihin na maganda, aalis na ako."

His hands formed into a fist while walking away. Napahiya ka na kanina sa klase mo dahil sa kaiisip kay Diana, tapos ngayon naman nakapagsinungaling ka! Ayaw niyang isipin na 'di maganda ang epekto ni Diana sa kanya. But somehow, all Doreen's words came back to him like arrows attacking his mind.

At dahil dito masyado siyang nabagabag.


BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon