XI. Tapyas, Sinko at Dos

17 1 0
                                    


"TRUST ME, hinding-hindi ako mapapahiya sa ganda ng girlfriend ko. Baka balakin pa nga ninyong iwanan ang mga girlfriend ninyo pag pinakilala ko sa inyo si Diana," punong-puno ng pagmamalaki niyang wika. Katatapos lang nilang kumain sa isang kilalang restaurant. Sina Tapyas, Sinko at Dos kasama si Jed ang mga kasama niya. Ilang oras din silang masayang nagkuwentuhan tungkol sa mga kalokohan nila noong nakaraan.

Ang tatlo ang dahilan kung bakit natuto siyang mag-skip ng klase. Sa kanila rin niya natutuhan ang magbabad at magpuyat sa paglalaro ng computer games.

"Bakit nga ba ako nakipagkita sa inyo ulit? E good boy na ako ngayon," biro niya matapos magkuwento ng isang nakakatuwang joke si Tapyas.

"Naku, maniwala kaming hindi mo kami na-miss," banat naman ni Tapyas sabay gulo ng buhok niyang makapal. Siguradong basa lagi ang unan mo dahil masyado mo kaming na-miss," biro naman ni Dos, ang kaibigan niyang payatot na mahaba ang buhok.

"Lagi akong grounded dahil sa inyo, tapos laging napapadala sa principal's office. Tapos sasabihin ninyo na na-miss ko kayo?" Isang halakhak ang lumabas sa mapupula niyang mga labi, na sinabayan na rin ng mga ito ng tawa.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Kailangan na nilang maghiwalay kaya nagpaalam na sila sa isa't-isa.

"Ruvick, 'wag mong kalilimutang ipakilala si Diana sa amin ha!" ani Tapyas pagkatapos.

"Oo nga," sagot naman ni Singko, ang may beer-belly niyang kaibigan na maraming tattoo ang katawan. "Kailangang mamangha talaga kami sa kagandahan niya tulad ng ipinagyayabang mo ha!"

"Tsaka siguraduhin mong mas maganda pa talaga sa shine ng buhok ko ang buhok niya," ani Dos, ang kaibigan niyang mahaba ang buhok.

"Oo ba, 'wag kayong mag-alala, as soon as magkaroon siya ng vacant time na lumabas, iko-contact ko kayo agad!"

Matapos nilang magpaalam ay nagsimula na silang maglakad. At sa di mawaring dahilan biglang na-miss niya ang kasintahan. Palibhasa, madami itong mga projects na inaasikaso lately kaya saglit lang silang nakakapag-usap. Marami rin kasi siyang inaasikasong mga research papers kaya ang hirap pagtagpuin ng mga schedules nila.

Sandali niyang inilabas ang kanyang cellphone.

Been missing you dearly, love... Lalo na yung pagkiliti ng buhok mo sa leeg ko sa tuwing magkatabi tayo. Hope you text me before the day ends... type niya sa screen.

"Huuuy, sino 'yang ka-text mo ha?" Nabigla siya sa paglapat ng braso ni Jed sa balikat niya. Na-wrong send tuloy siya.

"Ruvick, ayus-ayusin mo sarili mo ha, baka maupakan kita!" singhal ni Jed sa kanya. Paano, kay Jed napunta tuloy ang text message niya. "Pa-missing-missing ka pa at pa-dearly-dearly..." anitong nakasimangot. "Gusto mo sabihin ko kay Diana na may affair tayo?"

Siniko niya sa dibdib ang kaibigan. "Ang OA mo! Teka nga, kailangan kong i-send 'yung message sa kanya."

Pagkalipas ng ilang saglit ay tumunog ang cellphone niya.

"Aysus! Mukhang nag-reply na ang kanyang beauty queen!" ani Jed na napa-eye roll na lang ang mga mata habang nakatingin sa magandang kalangitan. "Nagmumukha na naman siyang eng-eng na nakangisi!" anito na marahas na napailing.

Di na niya namalayan na iniwan na siya nito dahil panay ang titig niya sa text ni Diana na akala mo ay any minute now ay lalabas sa screen ang maganda nitong mukha na mamula-mula ang pisngi, kasabay ng text message na ni-reply nito.

Maya-maya ay pinasok na niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Hindi maikubli ng kanyang mga labi ang nadaramang saya sa reply nito. Haaay! I really miss seeing the way you blush, Di...

Pag-angat niya ng kanyang mukha napanganga siya. "Jed? Jed?..." aniyang napasulyap-sulyap. "Anak ng pating na guwapo..." aniyang napakamot ng ulo saka nagsimulang habulin ang kaibigan na mabilis na naglalakad sa may di kalayuan. Wala na pala siyang kasama.

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon