"MA, salamat sa matinding prayers. Hindi na sa Hair Salon ng mama ni Ruvick kami magkikita kundi sa house nila. Makikilala na ako saw akas ng kanyang mama," masayang bigkas niya nang umaga na iyon. Doon na siya manananghalian. First time rin kasi siya nitong dadalhin doon. Sinadya ng mama ni Ruvick na mag-absent muna sa trabaho nito.
"God is good!" sambit naman ng kanyang ina habang nakayakap siya ng mahigpit. Pagkalas niya rito ay muli itong nagsalita habang hinahaplos ang malago niyang buhok.
"Anak, remember what your dad said okay? 'Yung chemical na gamit sa scalp mo, para dumikit ang iyong buhok ay nawawalan ng bisa kung ito ay matamaan ng acid rain or anumang bagay na may chlorine."
"Ma, 'wag kang mag-alala masyado. Tatanda ka niyan ng wala sa oras. You don't have to worry, we're not going to the beach. And it's not raining naman," natatawa nitong bigkas.
Ilang saglit lang ay natapos din ang conversation nila. Maya-maya ay sinundo na siya ni Ruvick.
"Ruvick, alagaan mo ang anak ko kung hindi lagot ka sa akin," pabiro na banta ng mama niya.
Hinawakan nitong mabuti ang kanyang kamay at pinisil na sinabayan pa ng isang tingin na tila ba nagsasabing, "I'm so blessed to have a beautiful girlfriend like you!"
"'Wag kayong mag-alala po, iingatan ko siyang mabuti. Bago pa may mangyaring masama sa kanya, ako muna ang unang masasakatan. At kung hindi totoo ang sasabihin ko, puwede ninyo po akong kalbuhin."
Parang may bomba na sumabog bigla sa kalagitnaan nila na ang dala ay katahimikan. Nagkatinginan lang sila ng kanyang mama.
"Tara na," wika naman ng binata na tila ba hindi napansin ang bagsik ng mga katagang binitiwan.
facebo<&
BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
RomantikMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...
