"YEAH Ma, magpi-print na lang ako mamaya ng mga copies, then ipapamigay ko sa mga classmates ko and friends. Don't worry, I'm sure magiging successful ang plano mo lalo pa't marami kang mga kaibigan na nagba-back-up sa panalangin." Matapos ng ilang minuto ay nagpaalam na si Ruvick sa kanyang mama sa phone. Humarap siya kay Diana. Kasalukuyang nagpapalipas sila ng oras sa may park na malapit sa kanilang school. They were both sitting on a metal faded bench.
"Pasensya na Di, mukhang nangawit ka na sa haba ng pag-uusap namin ni mama," aniya dito sabay kuha ng chocolate ice cream cone na hawak nito. "Importanteng-importante kasi, next week na kasi gaganapin 'yung big promo sa hair salon niya. May libre kayang manicure and pedicure, baka gusto mong sumama."
"H-ha? E kasi marami akong gagawin sa araw na iyon," alanganin nitong wika sabay tikim ng vanilla ice cream na hawak nito.
Ayaan ka na naman. Kanina lang ang saya-saya nating mag-usap tapos ngayon nabanggit lang yung Salon ni mama, biglang lumamig bigla ang mood mo. Napabuntong-hininga siya ng malalim saka tumikim ng ice cream na hawak. Di ko naman maintindihan kung ba't ka ganyan? Vey healthy tingnan ang buhok mo. Wala ngang split ends tsaka parang laging shiny tingnan. Very unusual nga e, pero ba't ganoon, parang bigla kang nai-insecure pag 'yun na' yung topic? naguguluhan niyang isip. Siguro tama nga 'yung kasabihan na ang mga babae, kay hirap is-spelling-in! Nagsalubong ang mga kilay niya habang inilalapit muli ang ice cream sa kanyang bibig.
Timing naman na nagsalita si Diana.
"Hey, nakasimangot ka na diyan. Hala sige ka, mawawala 'yang kapogian mo," biro nito na inaabot ang kanyang pisngi upang ito ay pisilin para mapangiti habang hawak-hawak ang isang panyo na kulay puti. Pero dahil umiwas siya, nasagi ng ice cream niya ang panyo nitong puti at namantsahan.
"Naku, namantsahan na 'yung panyo mo," ani Ruvick na seryoso na ngayon ang mukha.
"Okay lang. Ikaw kasi ang emo mo masyado," anito na very light ang mood sabay pisil ng matangos niyang ilong.
"E paanong hindi ako mag-e-emo, matagal ka nang gustong makita ni mama. Lagi kitang niyayaya, pero lagi kang may excuse para hindi makapunta sa salon niya. Ba't parang takot na takot kang pumunta doon, ha?" anito habang pinagmamasdan itong tumitikim ng ice cream. Kahit naiinis di pa rin niya kayang manatiling ganoon ang mood kasi napaka-cute nitong tingnan. Parang isang nene. Ang pinagkaiba lang maganda ang hubog ng katawan nito at may kaunting make-up. And her hair? Well, flowing gently yet carelessly with the gentle breeze.
Habang hinihintay niya ang tugon nito, nilabas niyang saglit ang cellphone.
"Don't move okay." Isang click sound ang tumunog pagkatapos.
"Huuy, ang daya, kinuhaan mo ako ng picture. Ang sagwa kaya ng itsura ko!" protesta nitong bigla. Dahil gusto nitong agawin ang cellphone niya namanstahan tuloy ng chocolate ice cream ang white uniform blouse nito.
"Ayan kasi, ang likot-likot mo!" sita niya rito habang ina-attempt na linisin 'yung mantsa sa mangas nito at kuwelyo. "Ba't ka ba nagrereklamo e maganda ka namang tingnan!"
"Anong maganda?" anito habang hinahayaang linisin niya ang gilid ng manggas nito. E baka mamaya nakalabas 'yung dila ko sa picture. Ang sagwa kaya!" nakanguso nitong banggit.
"Hala sige nene ipagpatuloy mo pa 'yang pagnguso mo, mas lalo kang gumaganda ng husto," pang-aasar niya rito nang mapansing medyo natanggal na ng kaunti ang mantsa.
Makalipas ang ilang saglit...
"Alam mo walang masagwa kung labas ang dila mo pag kumakain ka ng ice cream, kasi normal lang iyon," paliwanag ni Ruvick sa kanya. "Ang masagwa e kung nakakakita ka ng mga estudyanteng highschool na nagfi-french kiss. Nang-agawin niya ang puting panyo mula sa kasintahan muli itong nagsalita.
"O ba't ka nakatulala diyan at namumula ang mukha?" wika nito habang nakatitig sa kanya.
"W-wala..." aniya saka muling tumikim ng hawak niyang ice cream. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha sa pinag-uusapan nila.
"Ikaw ha, may iba kang iniisip," biro nitong bigla.
"Hoy, ikaw 'yung nagsimula ng green jokes ha, kaya 'wag mong ipasa iyon sa akin!" aniya sabay kurot sa well defined nitong braso.
"Aray ko!" hiyaw nito. Mas naiinis siyang lalo dahil ang cute nitong tingnan pala pag nasasaktan. Namumula kasi ang mga pisngi. "Ah basta, maghunos-dili ka sa iyong sarili. No rated "R" kissing for us. Pang-cheeks lang ako at noo. Saka na sa lips, pag- engaged na tayo," nanunuksong wika ni Ruvick.
"Hoy hindi ako kiss-hungry girl ano! May delekadesa kaya ako!" malaking kagat na ang ginawa niya sa kanyang ice-cream ngayon.
"Teka balik tayo ulit sa issue kanina. Ba't pakiramdam ko parang takot kang pumasok sa loob ng salon? Takot ka bang makalbo?"
Naubo siyang bigla sa narinig.
"Hey okay ka lang ba?' anito sabay himas ng kanyang likod.
"A-ah okay lang, nasamid lang ng kaunti." Napatingin siya sa wristwatch niya. "Naku, malapit na pala ang class time. We better go!"
Mabilis silang bumalik sa school at inihatid siya sa kanyang classroom.
Bago ito umalis sa harap ng kanyang classroom, may inabot ito. "Ingatan mo itong panyo ko ha. Amina yung sa iyo na may mantsa."
"Bakit?"
"Ayokong isipin kaya ng mga tao na dugyot ang girlfriend ko."
"Sowwws! Ang sweet ha!" simpleng wika niya. Pero deep inside, sobra siyang ma-feeling talaga.
"O ba't ayaw mo pang umalis?" aniyang napataas ang kilay.
"Wala bang kiss?"
Gusto niyang matawa ng wagas. Paano para itong isang aso na nagmamakaawa na bigyan ng isang super laking buto.
"Mahiya ka nga Ruvick! Ang dami kayang tao dito sa hallway! Tsaka ilang buwan pa lang tayo kaya. Marami ka pang kailangang patunayan sa akin, before you get my awesome kiss! Sige na, umalis ka na at darating na 'yung teacher ko," taboy niya rito.
"Siurado ka ha, kung hindi malalagas lahat ng buhok mo."
Natigilan siyang bigla sa joke nito. Hindi nakakatawa kaya 'yung sinabi mo!
"Relax, I was just kidding." Pinisil pa nito ang kamay niya at seryosong tumingin. Paano, nawalan talaga ng kulay ang kanyang mukha,
"Okay, see you..."
Bago pa siya tumalikod ay nagsalita itong muli.
"By the way, hindi ko na pala mapapanood ang pag-eensayo ninyo mamaya. I have to meet with my old friends from highschool. Biglaan kasi."
"Ah okay... see you tomorrow na lang pala."
Hinintay niyang mawala ng tuluyan ang anino nito sa kanilang hallway.
Napabuntong-hininga siya ng mabigat sabay hawi ng sariling dark brown hair patalikod.
"Wala pa ngang ilang minuto, na-mi-miss na kita Ruvick," bulong ng puso niyang nangungulila.
^Յ2'-
BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
RomanceMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...