V. The Hurt Prince

25 2 0
                                    


"AND A 1,2,3 and...4!" Bago niya mabanggit ang huling number ay nagback-flip si Diana. Walang kahirap-hirap ang paggawa niya nito. Her strong yet shapely legs were in the right position when she landed. Muli siyang sumigaw at pinadyak niya ng tatlong beses ang kanyang mga paa. Panay naman ang talbog ng kanyang pony tail na mukhang nag-eenjoy sa cheerleading praktis na ginagawa niya habang kasama ang ilang mga team mates. Natapos ang ensayo sa pamamagitan ng pagpatong niya sa kanang hita ng kasama gamit ang kanang paa at sa pagtaas ng kaliwang paa habang naka-90 degree angle ito, habang ang kanyang dalawang slender arms naman ay nakataas na parang naka-victory position.

"Okay, practice is over!" sigaw ng pinaka-head coach nila. Matapos nilang pumalakpak sa tuwa ay nagkalasan na sila. Mula sa may bench ay agad siyang nilapitan naman ng classmate at kaibigan niyang chubby na si Aimee.

"Hay naku, how I wish kasing sexy at sporty kita. Gusto ko rin kayang mag-try-out sana bilang cheerleader. When kaya mangyayari iyon?" anitong napabuntong-hininga. Iniabot nito pagkatapos ang ilang sketch papers na dala nito. Lahat ng iyon ay mga iginuhit na manga at anime characters. Bukod kasi sa pagiging cheerleader at top sa academic class nila, magaling din siya sa pagdi-drawing ng mga cartoons or action figures or in this case mga anime at manga figures na napili niyang gawing design para sa bulletin board na nasa loob ng gym nila.

At dahil president siya ng arts club nila, hinikayat niya ang ibang mga estudyante na magpakitang gilas sa pamamagitan ng mga drawings nila. At 'yung pinakamaganda, iyon yung nilalagay niya sa may bulletin board para i-advertise ang iba pang mga sports events ng kanilang school.

"Alam mo Aimee, dapat makuntento ka kung ano ang ibinigay na talent ni God para sa iyo," aniya dito habang pinagmamasdan isa-isa ang mga hawak na papel. "Look, magaling ka sa grammar and composition, find your joy there." Isang ngiti ang sumunod dahil may napili na siyang ilalagay na drawing sa may board.

"Well, wala naman sigurong masama kung mangarap ako di ba? Tulad na lang ng pagpapantasya ko na maging boyfriend someday si Ruvick Ferrer."

"H-ha? Si R-ruvick, type mo?" aniyang nanlaki ang mga mata.

"E sino bang hindi, halos lahat ng babae dito sa school patay na patay sa kanya. Bakit? Hindi mo pa ba siya nakikita? Ay oo nga pala, this year ka lang pala pumasok sa school na ito kaya marahil hindi mo pa siya kilala. Di bale, one of these days, malay mo makabunggo mo siya, I'm sure it will be an encounter you will not forget!" tuloy-tuloy nitong wika na halos di huminga.

Kung alam mo lang... Ewan niya kung ba't siya namula bigla. Well, of course, every scene of their first encounter at the school gate suddenly replayed in her mind. Ang titig nitong napaka-gentle at ang boses nitong hindi agad-agad mabura sa pandinig. Plus ang kamay nitong nilalabasan ng kuryente kung humawak.

"Daina, ok ka lang? Ba't biglang nagkulay makopa ka? Tsaka anong nginingiti-ngiti mo riyan?"

Na-conscious siyang bigla. "A-ah wala. Natutuwa lang kasi ako. Gumagaling na yung mga freshmen artists natin kasi. Tingnan mo o, di ba?" alibi niya sabay kuha ng isang papel na maganda ang pagkaka-drawing ng isang cheerleader anime.

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila, dahil may kanya-kanya pa silang gagawin. Matapos magpaalam ni Aimee ay tumungo na siya sa may bulletin upang ikabit ang mga papers na hawak.

Diana, hindi ka dapat naglilihim kay Aimee, sita niya sa sarili. Hindi ba't bestfriend mo siya? If it were not so, hindi mo sasabihin sa kanya ang sikreto mo. Tapos ngayon maglilihim ka pa sa kanya na di mo kilala si Ruvick?

Dahil sa guilt ay inilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bag. Itinext niya si Aimee upang sabihin na nakilala niya na si Ruvick. Pero bukas na siya magi-explain.

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon