"Pa, kung makikilala mo si Ruvick sigurado ako, mawawala lahat ng iyong agam-agam," ani Diana over the phone. Kanina pa sila nag-uusap ng kanyang papa at kanina pa niya ipinaglalaban na mabuting tao si Ruvick at hinding-hindi siya nito sasaktan tulad ni Caleb, ang dati niyang nobyo.
"I understand Diana, pero ang tanong, paano kung malaman niya ang totoo tungkol sa naging health situation mo dati? Magiging mabuti pa rin ba siya sa iyo once he finds out that your hair is fake, that it's a wig? Would he still feel the same towards you?" Mababakas sa boses nito ang matinding pag-aalala.
May point naman ang kanyang Papa. Sinasabi lang naman nito ang nararamdaman dahil sa sobrang pag-aalala. Ito ang higit na naapektuhan noong mag-sink in siya sa depression. He almost lost it when he saw that his bubbly little girl had an emotional breakdown in highshool.
"Diana, alam mo kung gaano kahirap kong ni-research ang mga chemical compounds na ginagamit mo upang maisuot mo ng maayos ang wig. I wish I could do more, kaso hindi ako Diyos. Sana nga Diyos na lang ako, para maibalik ko ulit ang lahat ng buhok mo na nawala pero hindi ko kaya..."
Naiiyak na siya dahil gumagaralgal na kasi ang boses nito. Pati rin siya nahihirapan na sa takbo ng pag-uusap nila.
"Di, if I could only undergo surgery para ilipat ang lahat ng buhok ko sa iyo, I would, to make you happy..."
Pinilit niyang magsalita sa kabila ng nararamdamang paghihirap ng emosyon dahil sa nararamdaman ng Papa niya.
"Pa, sabi ni mama, malaki ang nagagawa ng panalangin. Let's just pray...at sana bigyan mo ng chance si Ruvick, please...don't judge him like Caleb. Pa, magkaibang-magkaiba sila..." insist niya dito.
"Sige..." anito na parang talunan na ang boses. Ramdam na kasi nito na hindi na magbabago ang pagtingin niya kay Ruvick kahit ano pa ang sabihin nito. "Sweetie, please always remember, alam kong mahal na mahal mo si Ruvick, pero 'wag mo sanang kalilimutan na ang chemical compound ay mawawalan ng epekto ka---"
"Kapag nabasa ng acid rain or chlorine or sea water," dugtong niya rito. "Pa, don't worry, It's etched in my memory forever." Kasi doon nakasalalay ang buhay ko...
"Di, no matter what happens, tandaan mo, kami lang ng mama mo ang tatanggap sa iyo, anuman ang mangyari o maging failures mo... We are the only ones who will accept you for who you are and what you are..."
"I know Pa, pero alam kong ganoon din si Ruvick."
Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap nila. Magtatrabaho na raw kasi ito.
Pa, alam kong pinutol mo lang ang usapan natin dahil nahihirapan kang tanggapin na nagpapasok na naman ako ng isang lalaki sa buhay ko. Mabigat na paghinga ang pinakawalan niya. Alam kong nagkakamali ka Pa. I know Ruvick can love me the same way how you and mom loves me, confident niyang isip.
Pero ilang saglit din ay parang biglang nawalan ng tibay ang lahat ng tinatayuan niya. Ilang saglit ay tinira ang kanyang kaisipan ng takot, nerbiyos at kaguluhan. And suddenly her mind became a battle ground.
Wala tuloy siyang magawa kundi tumakbo sa kanyang mama at humagulhol na tila ba namatayan.
Or was she just having a premonition about the coming death of her relationship with Ruvick?

BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
RomanceMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...