PARANG WALA si Ruvick sa sarili habang nagsusuot ng school uniform nang umagang iyon. Wala ang dating sigla sa kanyang mukha tulad ng dati sa tuwing papasok siya sa kanilang school. Today his handsome face had a very dark cloud hovering over it. Para nga siyang robot kung kumilos. Walang emosyon, walang feelings.
Nag-replay ang lahat ng mga nangyari noong nakaraang Sabado, sa may pool nila. Parang isang horror movie na nag-flash ang bawat eksena na ayaw na niyang balikan. Ang pagsagip niya sa walang malay na katawan ng minamahal na kasintahan, ang pabalikbalik na pagbuga ng hangin sa bibig nito, lalo na ang maalala ang matinding usal n ginawa ng kanyang mama sa Diyos dahil sa matinding takot.
Oo, sinagot mo an gaming dalangin, pero ano ang inaasahan mong gagawin ko matapos kong malaman ang katotohanan? Tahimik siyang nakatitig sa may kisama na akala mo ay langit ang nakikita. May tono ng panunumbat ang kanyang kaisipan na mayamaya ay sinundan ng kalituhan.
"Anon a ang sasabihin ng mga kakilala ko, ng mga kaibigan ko? Ng buong school pag nalaman nilang kalbo ang babaeng iniibig ko!" Mabigat niyang bulong. Kalbo? It sounds so funny, gusto niyang matawa sa sarili at mainis. Ang akala niya totoo na ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay Diana, pero sa isang pagsubok lamang ay nahayag ang lahat.
"Mahina lang pala ang pundasyon ng pagmamahal ko sa iy Di, and I am so sorry for that..." Nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay habang nakatitig sa kawalan. Normal naman talaga ang love at first sight.
Actually it should be called attraction at frist sight. Pero di kalaunan dapat lumalalim din ang standards ng isang tao, hindi lang panlabas na kaanyuan ang dapat magusutuhan kundi pati na ang personality at pag-uugali nito.
Pero nakalampas ka naman Ruvick sa attraction stage hindi ba? Pilit na lubag ng kaisipan niya sa sarili. Natuklasan mong matalino rin pala si Diana, kahit na mayaman ay simpleng tao rin, mapagbiro, sweet at charming. At iyon ang dahilan kaya tuluyan ka nang nabihag niya! sigaw ng kanyang konsensya.
Totoo naman, pero iba na ang sitwasyon ngayon kasi. She's bald! How can I handle it? Sa naisip siya ay napapikit at naikuyom ang dalawang mga kamay. I'm sorry Di, kung naging duwag ako, pero hindi ko kayang maging hypocrite. I am not the prince I thought would come to your rescue.
Pinilit niyang lumabas sa napaka-emosyonal na sitwasyong kinakaharap. Hindi kasi makakatulong. May exam pa naman sila ngayong Thursday, bago mag-Christmas vacation. Dalawang araw lang ang kanyang titiisin at matatapos din an lahat dahil magbabakasyon na pansamantala.
Dalawang araw lang ang titiisin mo sa school upang iwasang makipagkita sa kanya. Upang hindi siya makasama sa lunch...ni hindi makasama ng ilang minuto sa may bench upang magbiruan. Hindi mo rin siya kailangang ihatid na sa bahay nila.
Maganda ang sunod-sunod na ideya na pumasok sa kanyang isipan. Madali nga niyang maiiwasan at makakalimutan ng tuluyan si Diana. Sa school naman sila nagkita di ba? E magbabakasyon na, so no memories of that place for a while, which means no more memories of her and their sweet old activities there together.
Isang ngiti ang kumwala sa kanyang mga labing mapupula. Ang problema na lang niya ngayon ay kung may maisasagot siya sa exam. Magmula noong Sabado hindi na siya nakapag-review, kahit hindi siya pumasok sa klase magmula noong Lunes. Malaki ang naging epekto ang katotohanang kalbo si Diana. Puwes ngayon hindi na siya magpapaapekto. Tulad ng sinabi niya rati, hinid niya hahayaang masira ulit ng kahit anuman o ng kung sinuman ang kanyang pag-aaral. Not this time, especially now that he is already in college.
BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
Storie d'amoreMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...