"MA, bakit naman nangyari ito! Hanggang ngayon wala pa rin yung package na padala ni Dad!" desperadong reklamo ni Diana. Her face was full of anxiety. "Kakaunti na lang ang laman ng bote na ito! Baka hindi kayanin ang buong araw na ito!" Naiiyak na siya sa pagsasalita.
Paalis na siya ng school. Nilagyan niya ng tubig ang chemical compound na nakalagay sa bote na kanyang hawak.
"Limang araw nang delayed 'yung package niya, anong mangyayari na sa akin? May cheer leading praktis pa naman kami ngayon pagkatapos ng aming exam!" habang hawak ang maliit na boteng puti na plastik.
"Alam mo naman ang nangyari Diana. Nagkaroon ng problema sa padalahan ng mga packages, kaya nagkaroon ng delay." Pati mukha ng mama niya ay nabalisa na rin. "Don't worry, once dumating ang package, agad-agad kitang pupuntahan sa skul."
"Gusto ko sanang mag-absent ngayong araw na ito pero reporting namin sa Social Studies, ako pa naman ang leader sa grupo namin!" Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi naman siya puwedeng magtagal pa sa bahay. Mali-late na siya.
"Ma, please pray for me...I really really need it!" Iyon lang at hinalikan niya ang pisngi ng mama niya saka lumabas ng pinto. A gloomy atmosphere seemed to follow her as she left.
Okay naman ang kinalabasan ng reporting niya kanina sa klase. Naging maayos naman din ang daloy ng buong class schedule niya.
Mukhang malakas talaga si mama kay God! Nakahinga siyang mabuti sa naisip. Pero may cheerleading praktis ka pa mamaya! Patay!
It was almost 4:30. Inihahanda na niya ang sarili para sa praktis.
"Huy, ano ka ba?" ani Aimee habang niyuyugyog ang braso niya. Sinamahan siya nito sa sa loob ng CR upang makapagpalit siya ng cheerleading outfit. "Kanina ka pa kaya may dark cloud sa ulo mo? Ano bang problema, ha?"
"Paubos na kasi ang chemical compound na ginagamit ko," malungkot niyang bigkas na pinipilit hindi lamunin ng takot. "Delayed ng five days yung package ni Dad!"
"H-ha? E paano yan?" Naging balisa na rin ito.
"Nilalagyan ko na nga lang ng tubig ang solution para ma-extend 'yung effect ng chemical."
"H-ha? Napatingin itong bigla sa kanyang ulo. E di ba mas lalong bababa ang bisa ng compound pag ganoon?
"Oo pero wala akong magagawa. Okay na 'yung may kaunting kapit kaysa wala.
Agad nitong tinanggal ang suot na elastic three inch headband na may bulaklak sa gilid. "Heto, isuot mo muna," anito sabay lagay noon sa ulo niya. "Medyo masikip iyan sa iyo kaya for sure kakapit iyang mabuti sa anit mo."
Isang kinakabahang tango lang ang kanyang isinagot dito.
"Salamat." Pero hindi pa rin siya makangiti.
"Teka, mag-cancel ka na lang kaya sa praktis niyo ngayon?" nababahala nitong banggit.
"Di puwede, ilang araw na akong nag-cancel dahil nga delayed 'yung pagdating ng package ni dad. Baka magalit na si coach. Ayokong matanggal sa pagiging leader ng grupo namin!" nag-aala niyang bigkas.
"Naku, mukhang mapapa-pray ako nito ng wala sa oras!" kabado nitong sambit.
"Please, do...pray hard Aimee, kasi hindi ko na rin alam kung anong mangyayari pag naulit muli ang nangyari sa akin sa dating highschool ko!" naiiyak na niyang wika.
""Wag ka nang umiyak. Matatapos na ang araw na ito. I'm sure you have a guardian angel protecting you," alo nito. Sabay na silang lumabas ng CR.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili pagpunta sa ka-team mates niya.
BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
Storie d'amoreMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...