Kanina pa siya nakikipaglaban sa tubig. Paulit-ulit na sumisipa upang umangat ang kanyang katawan, habang pilit na ikinakampay-kampay ang mga kamay para makasagap ng oxygen. Pero walang nangyayari, mas lalo lang siyang lumulubog dahil sa kanyang bigat.
God help me! I want to live! Iyon ang huli niyang nabigkas bago tuluyang naramdaman ang pag-ubos ng natitira niyang hininga sa baga. Sunod-sunod nang lumabas mula sa ilong at bibig niya ang mga bula, habang unti-unti siyang bumagsak sa may tiled floor ng pool. Pakiramdam niya isang oras siyang nakipagbunong-braso para lang mabuhay. Parang nagmistulang mahahabang mga seaweeds ang kanyang buhok na nagbuhol-buhol bigla sa kanyang leeg at mukha. Unti-unti nang pumikit ang talukap niya na mabigat.
M-ma, I l-love you...R-ruvick...I-I'm s-so sorr...
A faint hearftbeat was left, and then there was none.
Hindi na niya namalayan ang pagsunggab ni Ruvick sa baywang niya. Ni ang paulit-ulit nitong sigaw sa pangalan niya. Panic was written all over his face while doing mouth-to-mouth rescusitation. Pati ang paulit-ulit na pagtawag ng mama nito sa Diyos upang maibalik lang ang buhay niya.
She wasn't able to hear the prayers of his mom, but God heard!
Parang may hangin na pumasok sa kanyang baga bigla. Nagbalik ang tibok ng puso niya. Pati ang pulso niya ay pumintig na rin. Mahina man iyon, tanda pa rin na siya ay pinagkalooban ng panibagong buhay.
Ilang beses din siyang pumikit para maalis ang tubig na may chlorine sa mga pilikmata niyang mahahaba.
"Buhay ka!" ani Ruvick. Kasunod niyon ay ang mahigpit na yakap ng kanyang kasintahan na tila ba madudurog na ang mga buto niya.
"R-ruvick...salamat sa Diyos!" naiiyak niyang sambit.
Maya-maya ay inalalayan siya ng mga ito upang makaupo ng maayos. Basang-basa siya. Pakiramdam nga niya pati lungs niya ay nabasa din. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok na tumakip sa kanyang maliit na mukha, leeg at mga braso.
Di niya mawari kung bakit, bigla na lang tinakpan ng mama ni Ruvick ang sariling bibig. Si Ruvick naman ay napaurong. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito. Mali, kitang-kita niya ang pandidiri sa mga mata nito.
Nang ma-realize kung ano ang nangyari, parang tinakasan siya ng lakas bigla. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang kamay at ipinatong sa kanyang ulo. Wala siyang nakapang buhok, at siya'y nanlamig bigla. Nothing was there except her bald head!
Pakiramdam niya ay sinaksak siya ng ilang beses sa dibdib at likuran sa sobrang kahihiyan. Pero dapat nalubag ang loob niya dahil may biglang yumakap sa kanya na punong-puno ng pang-unawa at pagmamahal. Hinagod pa nga ang kanyang likod upang patahanin siya sa pag-iyak.
Pero paano siya mapapatahan kung hindi naman si Ruvick iyon kundi ang mama nito at si Tapyas?
"God! Ba't hindi mo na lang ako hinayaang malunod! Dapat Hinayaan mo na lang akong mamatay!" sigaw niya. Nagliparan ang lahat ng ibon na nakapatong sa may puno dahil sa matinding kirot na dala ng alingangaw ng sigaw na iyon.

BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
Roman d'amourMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...