"ANAK, WALA naman akong against kay Diana, kaya lang..." Tumigil saglit ang kanyang ina sa pagsasalita, na para bang sinusuring mabuti kung ano ang ilalabas sa bibig. Nakatalikod kasi siya rito at halatang naaaburido na sa naririnig mula dito.
Pareho silang nasa loob ng Hair Salon shop, sa loob ng maliit nitong private room.
"Anak, ang sa akin lang, kung talagang mahal ka niya, hindi ba't dapat papayag siya sa gusto mo na maipakilala siya sa akin?" anito sabay lapit sa kanya at hawak sa kanyang broad shoulders. Nakakailang promise na kasi siya sa kanyang mama, pero laging nauunsyami.
"Ma, sabi ko sa iyo masyadong hectic ang schedule ni Diana," pinilit niyang maging mahinahon pero ang totoo, naaapektuhan siya ng sobra dahil parang lumalabas, wala ang pabor ng mama niya sa kasintahan.
Hinawakan ng mama niya ang balikat niya at dahan-dahan siyang ipinihit paharap dito. His handsome face was very serious and gloomy. Maski ang buhok niyang malago at makintab ay nagmukhang dry at dull. Lumapat ang palad ng kanyang ina sa kanyang jaw na kanina pa naninigas dahil sa tension.
"Anak, damang-dama ko na malalim ang iyong pagmamahal kay Diana. Sa totoo lang nakakaramdam ako ng kaunting selos sa kanya."
Nagulat siya sa narinig at itinutok ang tingin sa kanyang mama. Mukha itong malungkot at nasasaktan.
"Magmula noong naging kayo ni Diana, halos wala ka nang panahon bumisita sa shop. Dati-rati, almost every lunch time nandirito ka para sabayan akong kumain. Tapos pag-Friday nights tayo ang madalas lumabas, pero ngayon hindi na kasi nasa kanya na ang iyong atensyon. Hindi mo na rin ako pinapasalubungan ng rosas tulad ng ginagawa mo dati kahit walang okasyon..."
Hindi na nagtuloy ito sa pagsasalita. Ramdam niya ang panliliit nitong bigla, na para bang nagse-self-pity.
Nakonsensya siyang bigla. Ruvick, nakakalimutan mo na ba ang pangako mo sa iyong mama? panunumbat pa ng kanyang budhi. "M-ma...I'm sorry...hindi ko na napansin ang mga pagkukulang ko sa iyo..." Niyakap niya itong bigla. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang kanyang mama, at mas lalong masakit para sa kanya na siya na ang nagiging dahilan ng kapighatian nito ngayon.
Matapos malubag ang loob ng kanyang mama muli itong nagsalita. "Anak, ayokong maging hadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa ni Diana. Pero may pakiramdam kasi akong baka may pagka-matapobre siya. Kaya siguro ayaw niyang magpunta rito...d-dahil isang hair stylist lang ako. Hindi ba't sabi mo mayaman ang kanyang pamilya at isang chemist pa sa Norway ang kanyang ama?"
"No ma, hindi ganoon si Diana," mabilis niyang sabat. "Oo mayaman siya pero down-to-earth naman. Don't worry, this time I will convince her to come and visit. And I promise, mapapapayag ko pa siyang magpa-hair-style sa inyo," aniya na pilit pinapa-gaan ang damdamin nito.
"Ma'am Aragon, may client po na naghahanap sa inyo," magalang na singit ni Rose, isa sa mga empleyado ng kanyang ina. Nagpaalam na rin siya dahil may pupuntahan pa siya.
Diana, hindi ko maunawaan kung ba't lagi mong iniiwasan ang pagpunta sa salon ni mama, naguguluhan niyang isip sabay bukas ng glass door at lakad papalabas ng shop. Alam niyang walang dapat ikahiya ang kanyang mama dahil napakaganda tingnan ng malawak na salon na pag-aari nito. Modern din ang mga equipments at mamahalin ang mga ginagamit na products doon.
I need to know the truth why you are acting this way, Di. Kung talagang mahal mo ako, sasabihin mo ang lahat sa akin... Pilit niyang pinipigilan ang pagkalito at pagkainis na kanina pa nais sumakop sa pag-iisip niya. E paano kung hindi siya mag-open-up? balik ng kabilang utak niya. Who could ever remain silent after an unexpected kiss? Sa naisip na iyon ay biglang umaliwalas ang kanyang mukha. At tumaas ng kaunti ang kaliwang sulok ng kanyang mga labi. It was a sexy grin that could make any girl divulge an important secret.
U<

BINABASA MO ANG
BAD HAIR DAY
RomansaMaayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. ...