IV. Staring off into space

23 2 0
                                    


HI guys, please don't forget to vote and share this to your friends if you like the story, thanks!

"ANG LAYO ng tingin, saan ka na nga ba nakarating?" awit ni Jed kay Ruvick habang na nananghalian sila sa may canteen. Paano nakatulala lang siya, malalim ang iniisip. Kinuha niya ang iced tea na nasa harap ng mesa nila at ininom iyon.

"Ruvick, 'wag mo nga akong titigan ng ganyan, akala mo papatay ka!" natatawa nitong wika sabay siko sa braso niya bago sumubo ng kanin.

Hindi na ito nagsawa sa katutukso sa kanya kay Diana magmula noong mabunggo niya ang dalaga. Sa unang pagkakataon kasi, wa effect ang kanyang magnetic charms. Ang problema, magmula noong nakilala niya ang babae dalawang linggo na ang nakakaraan ay madalas na siyang mahuli nitong nakatulala.

"So kinain mo rin 'yung statement mo sa wakas." Humawak pa nga ito sa balikat niya dahil magkatabi lang silang kumain. "Mukhang ipinanganak na ang babaeng sisira sa iyong College life, pare. At take note hindi na siya fetus stage!" joke nito.

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Sumeryoso ang aura ng mukha niya sa narinig. Muli siyang uminom ng tea at kahit nasa mesa na ang hawak niyang baso, nakaipit pa rin ang mapupula niyang mga labi. Sa seryosong ekspresyon ng kanyang mukha, mas lalo tuloy siyang naging kaakit-akit tingnan. His cheeks seemed rough, in fact he looked kind of rouge, pero still malakas pa rin ang dating sa mga babae.

"Hi Ruvick!" tili ng tatlong highschoolers na dumaan sa may harapan nila. May canteen doon sa College campus, pero mas malaki 'yung sa highschool kaya doon na sila nagpunta dahil puno na 'yung sa kanila. Kulang na lang ay maglitawan ang mga heart-shaped designs sa harap ng mga mata nitong nagkikislapan sa sobrang kilig. Yep, he was the 20 year old crush of the campus.

"Puwede bang magpa-autograph?" atat na wika ng isang dalagita na naka-pony tail sabay abot ng isang magandang notebook at ballpen.

Basketball team player kasi siya last year noong siya ay nasa highschool. Ang galing niya sa sports na ito ang lalong nagbigay ng strong edge para sa kanya, bukod sa high grades, good looks at strong charms.

"Sa akin, ayaw niyo?" sabat naman ni Jed na nagpa-charming bigla. "Maaaring hindi ninyo alam pero I was the second best in our Taekwondo Class last year." Nagtaas-baba pa nga ito ng kilay.

"Oo, second best kasi si Ruvick ang first," bulong nung isang estudyante na naka-pony tail sa katabi na kaklase. "Bilisan mo na kasi, ibigay mo na ang pen at notebook para mapirmahan na niya," insist naman nung isa sa kasama nilang nakatulala with a dreamy-eyed look habang pinagmamasdan ang kanyang ilong at mata.

Hindi aware ang mga ito na rinig nilang dalawa ang mga pagbubulungan ng mga ito.

Hindi na niya pinahirapan ang mga ito. Ilang saglit lang ay ibinigay na niya pabalik ang notebook na may kasamang autograph niya. Tumayo na siya pagkatapos at iniwan ang kaibigan. 1:30 pa naman ang next class nila. It was only 12:30. Dadaan muna siya saglit sa salon ng kanyang mama.

"O saan ka pupunta?" anito nang makita na iiwan na niya ito sa may canteen. "Ah alam ko na!" Naging pilyo bigla ang itsura ni Jed. "Sa wakas, you came to your senses. Kakausapin mo na siyang muli?"

"Sino?" A question mark marked his handsome face. Tumayo si Jed at sumunod sa kanya papalabas ng canteen.

"Si Diana, sino pa ba? 'Yung babaeng madalas magpatulala sa iyo sa klase," isang halakhak ang sumunod. "Totoo yata ang sabi nila, bawat antas ng pag-aaral ay may pagsubok. Kung noong nasa highschool ka, computer games ang naging pagsubok mo, puwes ngayon mukhang babae naman ang magiging katapat mo. Naku, ingat-ingat. For sure ayaw mo namang mag-repeat ng semester, right?"

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon