IX. REWARDED

18 2 0
                                    


"ALAM MO pare, dapat kino-confront mo si Diana with a kiss. Sigurado ako pag ganoon ang ginawa mo, booom! Agad-agad sasagutin ka nun at di mo na kakailanganing maghintay ng isang buwan pa," ani Jed minsan isang hapon habang nagba-basketball sa may basketball court malapit sa bahay nila. It was a Saturday.

"Ikaw talaga kung anu-ano ang mga pinapasok mo sa utak ko. Gusto kong mahulog ang loob niya sa akin, and not the opposite. Kissing a person na hindi mo pa nobya is like harassment already," aniya sabay shoot ng bola sa ring. He missed.

"See, pati pag-shoot mo palpak, tulad ng panliligaw mo sa kanya," pang-aasar ni Jed sabay shoot ng bola. Pumasok iyon at maangas itong ngumiti sa kanya.

"Alam mo pare, ang tao pagmahal mo, handa kang magtiis, magtiyaga hanggang sa makuha mo ang bunga ng iyong panalangin," aniya sabay dribble ng bola. Hindi sila aware na ilang dalagita ang nagkumpulan sa may di kalayuan upang pagmasdan ang paglalaro nila. Well actually makatawag pansin talaga ang physique ni Ruvick. Litaw ang magaganda niyang mga muscles sa braso na di naman kalakihan pero well defined. Pati ang bilis niyang kumilos at pag-dribble ng bola ay nakakabato-balani. Lalo na ang buhok nitong medyo basa sa pawis dahil sa kalalaro nilang dalawa. His wet wild hair looked so sexy, hindi man lang niya namalayang nakakahakot na pala siya ng mga admirers.

"Alam mo, pinag-aralan ko ang sinabi ni mama. Kung ano ang hilig ng babae iyon ang pag-aralan mo at madalas na iprisinta sa kanya. Kaya tuloy nag-saulo ako ng mga memory verses. Madalas kasi siyang magbanggit. Relihiyoso kasi ang mama niya."

"Naku, may mararating naman kaya iyang pagtitiis mo?" anitong di kumbinsido.

"Don't worry problema ko na iyon at hindi sa iyo," natatawa niyang wika sabay shoot ng bola. At kung paano na-strike ni Diana ang kanyang puso dahil sa angking kagandahan nito, iyon din ang nangyari sa bola, na-shoot sa ring.

And by that he had the hope that soon things would change for the best. Nagpatuloy naman siya sa pagpapadala ng mga sweet text messages na may lamang prayer at verses na madalas magpa-inspire sa dalaga. Patuloy din niya itong niyayang mag-lunch kapag school days at masipag din siyang ihatid ito sa bahay kung wala naman siyang mga research papers na gagawin pagkatapos ng klase niya.

Pati nga sa mga projects ng dalaga na medyo mahirap ay naglalaan siya ng oras upang tulungan ito. Finally after a month, his labor was rewarded. Sinagot siya ng dalaga. And that was the most unforgettable day of his life, ang araw na una siyang nagkaroon ng girlfriend. At minarkahan pa nga niya ang kalendaryo na nasa loob ng kanyang kuwarto.

hi guys pls dont forget and share the story to your friends!

BAD HAIR DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon