Chapter 13: Someone Elses Arms

4.7K 115 177
                                    

(Dante)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Dante)

    Kasalukuyang naglalaban ang matinding antok na nararamdam at kagustuhang mapag-aralan ang nilalaman ng hawak niyang mga papel.

    Kanina niya pa pinagmamasdan ito ngunit wala talagang pumapasok sa kanyang isipan. Mahalaga pa naman na mapag-aralan niya ang nilalaman nito dahil maaaring tuluyang lumagpak ang kanyang hinahabol na grado kapag hindi niya naipasa ang nakatakdang pagsusulit.

    Kaasar. Ang hirap talaga ng walang tulog. Tsk.

    Ilang beses na niyang ipinalipat-lipat at pinagbali-baligtad ang limang pahina nito ngunit talagang hindi niya maalalang itinuro ito ng kanilang propesor. Marahil ay natutulog siya ng mga sandaling 'yon tulad ng madalas niyang ginagawa o 'di kaya'y iba ang iniisip kung kaya't kahit anong gawin niya ay hindi niya maintindihan ang laman ng hiniram na reviewer mula sa kaklase. Bahala na. 'Yon na lamang ang kanyang nasabi sa sarili bago 'di namalayang naipikit na pala ang mga mata.

    ...

    "Hoy! Mag-rereview ka ba talaga o matutulog?" pasigaw na sabi ng isa sa kanyang mga kaklase matapos siyang pitikin nito sa kaliwang tenga. Sa lakas nito ay agad siyang napamulat na para bang binuhusan siya ng mainit na kape, "mag-rereview ka o gusto mong pitikin ko din yung kanang tenga mo para pantay?" sabing muli nito na kung umasta'y parang mas malaki pa ito sa kanya.

    "Naku, andyan na naman yung bully, at as usual, si Aidan na naman ang napag-tripan," singit naman ng kaklase nilang pinakamataba na nakaupo sa may bandang likuran. Bahagyang nagtawanan ang mga ito kasabay ng iba pa.

    Hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Dante, sa halip ay nginitian lamang ito at muling nag-focus sa pinag-aaralan.

    "Seriously?" tanong muli ng 'bully' na nasa kanyang harapan bago nito kinuha mula sa kanyang palad ang hawak na papel, "hirap talaga siguro maging working student 'no?" dugtong nito bago inayos at inilapit ang isang armchair sa tabi ng kinauupuan ni Dante bago ito naupo roon.

     "Oo e," tipid na sagot niya rito matapos ay hindi na napigilang mapahikab.

    "I'll help you then," sabi nito bago muling ibinalik ang reviewer sa kanya, "papakopyahin na lang kita mamaya."

    "Talaga?" Seryosong reaksyon niya sa alok nito.

    "Oo naman," nakangiting sagot ng kaklase na nakatalumbaba sa armchair at nakatitig sa kanya.

    Nangigiting inangat naman ni Dante ang kanang kamay at mahinang pinitik ito sa ilong.

    "Ouch!" anito habang hinihimas ang maliit ngunit magandang hugis na ilong nito, "why did you do that?"

    "Pa'no mo naman ako papakopyahin e ang layo ng upuan mo sa'kin?" paliwanag ni Dante. Dalawang rows kasi ang pagitan nila kung kaya't imposibleng mangyari ang minungkahi nito. Isa pa, wala din naman siyang balak na mangopya dito kahit pa mangyaring magkalapit sila ng upuan. "Bumalik ka na nga d'on at magrereview pa 'ko. Nahihirapan lang talaga 'kong basahin 'tong sulat mo kaya 'di ako makapag-concentrate," pabirong dugtong pa niya.

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon