Prologue:
Ilang taon na nga ba ang nagdaan? Mahirap mang paniwalaan pero napakatagal niyang hinintay na muling masilayan ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon.
Maaaring hindi kapani-paniwala para sa iba subalit nagawa niya iyon sa kabila nang napakalaking posibilidad na naghihintay at umaasa lamang siya sa wala. Ni hindi niya nga maipaliwanag nang maayos kung bakit ni minsan ay hindi niya naisipang sumuko gayong wala naman talaga siyang pinanghahawakang kahit ano maliban sa mga ala-ala at kaisa-isang bagay na iniwan nito sa kanya.
Maaaring nasisiraan na nga siya ng bait sa mata ng iba pero gano'n mismo ang ginawa ni Aidan.
Nagawa niyang maghintay kahit pa sabihing hindi niya naman talaga alam kung ilang araw, buwan o taon ang kailangan niyang gugulin. Basta ang alam niya lang ay dapat niyang kayanin. Kahit gaano pa katagal. Kahit gaano pa kahirap. Kahit gaano pa kasakit. Kahit gaano pa ka-imposible.
Halos hindi na mabilang na araw at gabi ang hinintay niyang magdaan para makasama niyang muli ito at walang kahit anong salitang makapagpapaliwanag kung gaano siya kasaya ng mga sandaling iyon.
...hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan.
Napakabilis ng mga pangyayari at ngayon nga'y duguang nakadapa na siya sa sahig habang pilit na inaabot ang isang uri ng token.
"S-Scar..." nanghihinang tawag niya sa pangalan nito bago tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |