(MAICA)
"Scar?" tawag ni Maica sa pinsan habang kinakatok ang pinto ng k'warto nito. Hindi ito sumasagot kaya minabuti niyang buksan na lamang at pasukin na ito, "tutuloy na ako ha."
Madilim sa k'warto ng pinsan kaya't binuksan niya ang switch ng ilaw. Nang bumukas naman ito ay agad niyang nakita ang nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot na pinsan.
"Happy 13th birthday, Scarlett. Teenager ka na finally, halika na sa baba, let's celebrate," puno ng siglang bati niya rito matapos umupo sa gilid ng malambot na kama.
Susubukan niya sanang kalabitin ito subalit laking pagtataka niya nang napakalambot ng kanyang nahawakan. Dali-dali niyang inalis ang kumot at tumambad sa kanya ang pinagsama-samang unan sa loob nito.
Kaya pala akala ko tumaba ng sobra si Scar. Tsk, parang alam ko na kung saan pumunta 'yon.
Sandali siyang naglakad patungo sa personal desk ng pinsan bago nangingiting dinampot ang nakapatong na picture frame. Larawan iyon kung saan yakap-yakap nilang dalawa ni Scar ang kanilang namayapa ng lola.
Tatlong taon pa lamang ang tanda ng larawang iyon pero kapansin-pansin na ang pagbabago sa kanyang pinsang si Scarlett. Kung sa larawan kasi ay hanggang balikat niya lamang ito, ngayon ay mas matangkad na ito ng bahagya sa kanya. Bigla niya tuloy naalala kung paanong palaging ipinagmamalaki ng kanilang lola na balang araw ay magiging isang beauty queen ang paborito nitong apo na si Scarlett. Ni ayaw ngang palabasin ito ng matanda dahil masisira raw ang maganda nitong kutis kaya bihirang-bihira mo itong makikitang lumalabas ng tirahan nung mga panahon na 'yon.
Hindi naman nila kinukuwestiyon ang pangarap ng kanilang lola para sa pinsan dahil totoo namang napakagandang bata talaga nito noon pa man. Lalo na siguro kung makikita ito ng kanilang lola ngayon dahil bukod sa mukhang magiging pang beauty queen nga ang height nito ay talagang dalagang-dalaga na ang dating nito. Marunong na kasi itong mag-ayos ng sarili na parang isang tunay na dalaga. Ito rin ang dahilan kaya hindi niya masisisi si Dante kung bakit inakala nitong kasing edad niya lamang ang pinsan.
Matapos niyang ibalik sa lagayan ang larawan ay marahan siyang lumabas ng kuwarto ng pinsan at isinara ito. Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay agad niyang natanaw si Nigiel na malamang ay inaabangan siya upang kausapin tungkol sa pasaway na pinsan.
"Mai," tawag nito agad sa kanya at mukhang tama nga ang kanyang hinala.
"Magkasama sila noh?"
"Oo e. Pipigilan ko nga sana kaso nakatakbo na e."
Tumango-tango lamang siya sa kaibigan at agad-agad na tinawagan si Dante.
"Hello? 'Dan? Si Maica 'to."
"Ey, Maica, happy new year," tugon ni Dante sa kabilang linya. She can feel the happiness in the tone of his voice. Hindi niya mapigilang matuwa rin dahil alam niya ang mga pinagdaanan ng kababata.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |