(Scar)
Trenta minuto bago mag alas-k'watro. Kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan si Scar sa kanilang kanto nang biglang may humintong itim na motorbike sa kanyang harapan.
"W-What the hell?" nagulat na sambit niya sa ginawa nitong biglaang pagpreno. Halos bumakat pa ang bakas ng gulong nito sa kalsada dahil sa ginawa. Ikinagulat niya man ay agad niyang nakilala kung sino ito.
"C'mon now, ganyan ka na ba ngayon bumati sa dating kaibigan? Really? Hindi mo man lang ako na-miss? That's really dissapointing," mahanging sabi nito bago tuluyang tinanggal ang suot na helmet.
"H-How?" buong pagtatakang tanong niya. Hindi niya kasi maisip kung paano nitong nalaman ang pagbabalik niya gayong wala naman siyang contact na rito.
"How did I know that you're here? That you're back? Well, I just did." Tumawa ito sandali kahit wala namang nakakatawa sa sinabi. "Okay. Maybe that's a lie. Gusto mong malaman ang totoo? Sure, here it goes. Hinihintay kasi kita. There. I said it. That's the truth. I'm waiting for you since the moment you left without even saying anything," sambit nito. Inayos nito ang stand ng motorsiklo bago humakbang pababa. Matapos ipatong ang helmet sa side mirror ay sandaling sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri bago sumandal sa upuan nito. Tinitigan siya nito bago nagsalita. "Mas lalo kang gumanda ngayon, Scarlett."
"And so? At p'wede ba, umalis ka na rito, hindi mo ba alam na bawal mag-parking sa lugar na 'to?" pataray na sabi niya. She's not even sure why she's still talking to him after what he did to her and her brother more than three years ago.
"I see, so hindi ka pa rin nagbabago, huh? Akala ko talaga mapapatawad mo na 'ko oras na bumalik ka. You know, It's been what? Three years? P'wede na ba nating kalimutan 'yon? Magsimula ulit tayo, Scar. Patawarin mo na ko. I'll do everything, basta patawarin mo lang ako. I swear, nagbago na ko. Kung meron mang hindi nagbago, yun ay ang nararamdaman ko para sa'yo. So please, papatawarin mo na ba 'ko? O gusto mong lumuhod pa 'ko sa harap mo?" seryoso ngunit hindi pa rin kapani-paniwalang litanya nito.
Kanina pa siya naiirita sa kaharap lalo na't nagmamadali siyang umalis ngunit wala naman siyang magawa upang matakasan ito.
"Please, Scar? Do you really want me to kneel just to prove it?" nagmamakaawa pa ring sambit nito habang patuloy siyang hinaharangan sa tuwing may daraan na masasakyan.
"Drei, please. Stop this. Kahit ano pang gawin mo, kahit maglupasay ka pa d'yan, hindi na 'ko sasama sa'yo kahit kailan. I've already made that mistake before. I won't do it again. So will you please get out of my way? May mahalagang taong naghihintay sa'kin ngayon," sambit niya na agad niyang pinagsisihan.
"So you're going to meet Dante, eh?" nakangising sabi nito, "do you really think I will allow that? Kung hindi ka mapapasa'kin, mas maigi nang hindi ka rin mapasakanya. I won't fucking allow that. I will never fucking allow that." Kitang-kita niya kung paanong kinuyom nito ang mga kamao.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |