(Scar)
5 years later.
Hinihingal ngunit nakangiting huminto si Scar sa pagpidal sa kanyang sinasakyang bisikleta bago nilingon sa likuran ang naunahan niyang kaibigan na si Steph.
"Finally! After years of trying, I've finally got here first!" Tuwang-tuwang pagmamalaki ni Scar sa kaibigan na kararating pa lamang sa itinuturing nilang finish line, ang isang mataas at mahabang tulay kung saan tanaw na tanaw ang nagtataasang gusali sa siyudad ng Boston.
"Y-Yeah. But you got lucky," habol hiningang sambit nito. "Look," nangingiting dugtong pa ni Steph bago itinuro ang gulong ng itinutulak na nitong bike.
"Oh," napapangusong sambit niya matapos makita na na-flat-an pala ng gulong ang kaibigan kaya't nagawa niya itong unahan sa lugar na ito sa kauna-unahang pagkakataon. "I really thought I've got you this time."
"Never. I want you to work hard for it," seryosong tugon ng kaibigan bago nito isinandal ang bike sa pinakagilid ng kalsada.
Nakasanayan na nilang gawin ang pagba-bike ng magkasama tuwing weekend simula noong araw na nag-comment si Dante sa picture na ipinost niya sa Facebook ilang taon na rin ang nakararaan. She took that comment seriously and never missed a week doing this workout with Steph since then.
Sabihan ba naman akong ang taba-taba ko na raw? Hmp. Kung alam niya lang kung ilang araw akong hindi pinatulog ng biro niyang 'yon. Huh! I can take any joke from anyone that I'm gaining weight pero pag galing na mismo sa kanya? No, I can't just take that, kaya "Who you?" talaga siya sa'kin pagkauwi ko sa Pilipinas.
"I bet you're going to miss this place," seryosong sambit ni Steph bago nito maingat na ipinuwesto ang sarili upang makaupo sa bukana ng tulay.
"I will surely have," tugon niya naman bago inayos ang nagulong buhok dahil sa lakas ng ihip ng hangin sa lugar.
"'Wag moe akow kalimotawn, okay?" seryosong sambit ni Steph habang nakalingon sa kanya at iginagalaw-galaw ang nakalawit na mga paa sa tulay.
"Of course not. You're like a brother to me. How could I possibly forget you?"
"Brother?" Pinaikot pa nito ang mga mata bago itinama ang sinabi niya, "Don't you mean... Sister?"
"Oh. Right. My bad," napahagikgik na tugon naman ni Scar bago naupo sa tabi ng kaibigan at inilawit din ang paa sa matayog na tulay.
Nakakalula man ang p'westo dahil sa taas nito mula sa malalim na tubig na posibleng pagbagsakan nila sa ibaba ay nasanay na siyang ginagawa ito.
Kasabay nang masayang huni ng malayang mga ibon na lumilipad sa itaas at ilalim ng tulay ay kitang-kita niya ang pagdaan ng mga nag-gagandahang yate sa ibaba kung saan dumadaloy ang kalmadong tubig ng napakahabang ilog ng Massachusetts.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |