Chapter 16: Spring in Winter

4.2K 119 121
                                    

(Scar)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Scar)

"I can't believe I got lost again."

Dalawang taon na siyang naninirahan sa Boston ngunit hanggang ngayon ay may mga pagkakataon pa rin na naliligaw siya lalong-lalo na kapag napapadpad sa isang lugar na hindi pa niya napupuntahan. Masyado kasing nakakalito ang mga daanan sa Boston kung ikukumpara sa ibang siyudad sa Amerika kung kaya't mahirap talagang tandaan ang mga pasikot-sikot dito.

"I'm home 'Ma," sambit niya nang makapasok siya sa pintuan ng kanilang simple ngunit may kalakihang bahay. Purong puti lamang ang pintura ng kabuuan ng mga dingding nito habang kulay navy blue naman ang makintab na sahig na gawa sa marmol.

"Saan ka galing anak, bakit ginabi ka na ata," nakangiting salubong nito sa kanya. Nilapitan siya nito, niyakap sandali at magiliw na hinalikan sa pisngi.

"Sa classmate ko 'Ma. We had to finish our group project, tyaka birthday ni Lindsey, you already met her, right? She treat us kaya medyo late na kami nakauwi."

"Are you sure?" binigyan siya nito ng isang makahulugang tingin. Alam na agad ni Scar ang gusto nitong ipahiwatig kaya't agad siyang nagpaliwanag.

"Mom, I told you, you don't have to worry. I'm not dating anyone," siya naman ang humalik sa pinsgi nito bago siya humakbang upang isukbit sa sabitan ang kahuhubad lamang niyang two-layered jacket. Kasagsagan kasi ng winter sa Boston at napakalamig talaga ng temperatura sa labas.

"So how's your day honey?" muling tanong ng kanyang ina na nagtungo sa kusina at kasalukuyang ipinagtitimpla siya ng maiinom. Agad niyang nalamang chocolate coffee ang itinitimpla nito dahil na rin sa mabango nitong amoy.

"Nothing special, really. Natapos namin yung project, we need to submit it tomorrow so we had to rush it. Thankfully, everyone cooperated, so it went well," sagot niya. Nagtungo siya sa kanilang resting area at hinawi ang kulay abong kurtina na nakatakip sa isang malaking salamin na bintana. Sa tapat naman nito ay nakapuwesto ang isang kulay itim na malambot na sofa bed. Naupo siya roon at kuntentong pinagmasdan ang unti-unting pagbagsak ng maliliit na butil ng nyebe sa bintana na tumatama rito. Ito ang pinaka paboritong puntahan niya sa loob ng kanilang tahanan lalong-lalo na kapag nakakaramdam siya ng pagkalungkot, o kapag nami-miss niyang umuwi ng Pilipinas.

"You're the group leader, right? I'm proud of you, honey," iniabot nito sa kanya ang itinimplang inumin bago siya nito tinabihan sa pagkakaupo. "How 'bout your classmate's birthday? Ilang taon na siya ngayon? Siya ba yung isinama mo last month dito sa bahay?"

"No, mom. That's Daisy," hinalo niya sandali ang hawak na tasa ng tsokolate, "you met Lindsey nung umattend ka ng meeting sa school, yung nagsabing magkamukha tayo."

"Oh, the blonde one, right?"

"No, Ma. That's someone else."

"I see. Ang dami mo naman kasing kaibigan, okay, so how was it? Nag-enjoy ka ba?"

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon