(Dante)
Dozens of people formed a circle around them like they are filming some kind of a promising movie.
Kalalabas lamang nila sa luma ngunit makasaysayang simbahan ng Montella ngunit heto at bigla na lamang nanapak ng kung sino ang isa sa mga kaibigan ni Dante. Napakaganda pa man din sanang pagmasdan ng kulay pongkan na kalangitan dahil sa papalubog na araw.
"Anong problema mo?" Dumuduro na tanong ng hindi kilalang lalaki. May bakas pa ng dugo sa gilid ng labi nito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng sariling mga kasama.
Hindi naman sumasagot ang kaibigan niyang si Drei na masama lang ang tingin at nakakuyom ang kamao. Hindi nito magawang makaalis sa puwesto gawa nang mahigpit ang pagkakahawak nila ng dalawa pang kaibigan sa magkabilang braso nito.
"What the hell are you thinking?" tanong ng kababata nilang si Maica matapos nitong lumapit kay Drei at binigyan ito ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Napakalakas no'n na halos mapatahimik ang mga taong nakapalibot sa kanila at nakiki-usyoso sa nangyayari.
Bago ang insidente ay nakita nilang kasama ng kababatang si Maica ang lalaking sinuntok ni Drei at alam nilang iyon ang dahilan nang bigla na lamang nitong pag-a-amok. Kung pagbabasehan ang ekspresyon sa mukha ng dating magkasintahan ay halatang pareho pa rin nitong hindi nalilimutan ang nangyari noon.
Habang patuloy ang tensyon sa magkabilang panig ay parang wala naman sa huwisyong napatulala si Dante matapos mapansin ang biglang pagsulpot ng napakagandang babae sa kanilang harapan. Agad itong lumapit sa lalaki at halatang-halata sa mukha ang pag-aalala. Malayong-malayo iyon sa nakita niyang nakatutunaw na ngiti nito kanina sa loob ng simbahan kung saan niya ito unang nasilayan.
Hindi siya sigurado kung bakit nandito ito at kung anong kuneksyon nito sa lalaking sinapak ng kaibigan ngunit parang bigla na lamang siyang nawala sa katinuan nang unti-unting maihakbang ang mga paa patungo sa direksyon ng magandang dalaga.
Isa lang ang nasa isip niya nang mga sandaling 'yon. Ang tanungin ang pangalan ng babaeng agad na bumihag sa kanyang puso.
Dante felt weird because he's usually shy and never had the confidence to approach any girls before. It's just not on his nature. Heck, nobody in their right mind would try to approach a girl in this kind of situation. It's crazy.
But then, who really cares? This could be his only chance and he's more than willing to know the outcome. No matter how embarassing it might end up for him.
Gusto ko lang malaman ang pangalan niya.
Bago pa man niya maibuka ang bibig upang magtanong ay bigla na lamang may tumamang kamao sa kanyang kaliwang panga. Nagawa niya pang ngumiti nang mapansing tumingin sa kanya ang babae ngunit parang pinutol na puno na bumagsak siya sa kunkretong sahig at tuluyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |