(Scar)
Hi... Dante!?
One word and a name. Would you believe that it actually took her half an hour bago niya nagawang pindutin ang send button sa kakapirasong mensahe na 'yon? Ni hindi nga siya sigurado sa ginawa dahil maaaring pinagti-tripan lamang siya ni Nigiel dahil sa walang tigil niyang pangungulit dito upang tuluyang sabihin ang ginagamit na account ng dating kasintahan.
Lagot ka talaga sa'kin, Nigiel, kapag niloloko mo lang ako. Hmp. But knowing, Dante, it kind of makes sense.
Peklat. Something about that name is strange and unusual to use, but if it's really him who's behind that account, the name or word itself gives her a glimmer of hope.
Nanatili siyang nakatingin sa screen ng ilang segundo habang inaabangan kung anong isasagot o kung sasagot man ito sa kanya.
...
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumabas ang gumagalaw na tatlong tuldok. Ibig sabihin kasi n'on ay kung sino mang nasa likod ng account na 'yon ay nabasa na ang message niya at ngayon nga'y kasalukuyan ng nagta-type ng isasagot sa kanya. Umayos siya ng pagkakaupo habang nananatiling nakatutok ang mga mata sa screen. It feels weird dahil bigla na lamang siyang kinabahan hahang pinagmamasdan niya ang patuloy na pag-galaw ng mga ito.
...
Is this really Dante? What if it's not him? Anong gagawin ko? At kung totoo namang siya nga talaga 'to tulad ng sabi ni Nigiel, what am I going to tell him? Should I tell him right away how much I miss him? How much I longed for him? For sure, my 13 year old self will do that without even giving it a single thought. But I'm not that little girl anymore, I have to be more patient this time, so what am I going to do?
...
It took more than 5 minutes bago tumigil at mawala ng tuluyan ang mga gumagalaw na tuldok sa chatbox. Guni-guni niya lamang ba iyon? It can't be dahil siguradong sigurado siya sa nakita, she saw it, at lalo niya pa itong napatunayan nang makitang may naka-mark na 'seen' sa kanyang isi-nend na message. Sinubukan niya muling mag-type sa keyboard ngunit agad niya ring pinindot ang backspace upang burahin ito. Napabuntong hininga na lamang siya matapos mag-antay ng halos kalahating oras pa. Ngunit wala na talagang kahit anong senyales na magre-reply pa 'to sa kanya kaya't nagdesisyon na siyang tuluyang isara ang laptop.
Maybe it's not Dante after all.
Alas onse na ng umaga ngunit masarap pa rin sa pakiramdam ang pahapyaw-hapyaw na pagdampi ng sikat ng araw sa kanyang balat habang naglalakad siya patungo sa duyan na nakasabit sa pinakamataas na puno sa kanilang bakuran.
Hinawakan niya muna ang tila marupok na na tali nito bago hinila-hila upang siguraduhing hindi ito bibigay kapag sinakyan niya. Nang kumportable na siyang makaupo sa duyan ay marahan niya itong inuugoy-ugoy gamit ang mga paa. Somehow, just sitting here while looking at how the wind forces the leaves on the trees to move makes her smile. Naisip niya kasing bilog ang mundo at hindi imposibleng naglakbay pa ang hangin na 'yon mula sa lugar kung saan naroon ang pinakamamahal na si Dante.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |