#ProjectAusten
______________________________________(Dante)
Bulagta na naman pala ang kabiyak ko.
Nangingiting pinagmasdan ni Dante si Scarlett matapos nitong makatulog sa malambot na sofa sa may living room nang dahil kakahintay sa kanya.
Yakap-yakap nito sa pagitan ng mga kamay at hita ang malahiganteng unan habang bahagyang maririnig ang mahinang paghilik.
Alam niyang pagod ito sa halos buong araw na trabaho ngunit heto at nagagawa pa rin siyang puntahan at suportahan. Ganoon ito magpakita ng pagmamahal sa kanya kaya naman kahit gaano pa karami ang babaeng lumalapit sa kanya ay hinding-hindi niya ito magagawang ipagpalit o lokohin.
Sandaling kumuha ng kumot si Dante sa k'warto bago marahan na inayos at ipinatong iyon sa katawan ng himbing na himbing na minamahal.
"Thank you, my Scar," sambit niya matapos yumuko at puno nang pagmamahal na dinampian ito ng halik sa tuktok ng buhok.
****
Habang nagsusulat sa papel matapos tipain ang hawak na kulay pulang electric guitar ay tahimik na pumasok si Scarlett sa noise proof na k'wartong silang dalawa mismo ang nagdisenyo.
"Hindi pa rin tapos?" sambit nitong namumungay pa rin ang mga mata habang may bitbit na tasa ng umuusok na kape. Sandaling inayos muna ng magandang kasintahan ang nagkalat na mga CD, papel at iba pang kalat sa desk (kung saan nakalagay rin ang nakakalito sa daming pindutan ng equalizer) bago nito tuluyang inilagay roon ang dalang inumin.
Dadamputin na sana niya ang kape upang inumin ito ngunit natigilan siya nang maunahan siyang hawakan iyon ni Scar.
"B-bakit?" nagtatakang tanong niya matapos ibaling ang tingin dito. May nagawa ba siyang mali at parang kakainin na naman siya nito ng buhay sa mga titig nito?
"Tsk, pasaway ka talaga eh noh! Bakit tinanggal mo na naman yung ipit mo?" Napapailing na sabi nito habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya. Mas gusto kasi nitong palaging nakikita ang kanyang mga mata kaya lagi nitong iniipitan ang harapang bahagi ng kanyang buhok sa tuwing magkasama sila nito.
Sandali nitong pinitik ang kanyang tenga matapos mapansin ang pagpipigil niya ng tawa, "Aba't tinatawanan mo pa 'ko ha!""Sorry na," sambit ni Dante habang nangingiti pa rin at hinihimas ang namumulang tainga. Isinandal niya sandali sa gilid ng desk ang hawak na gitara bago umayos ng pagkakaupo, "akala ko may nabasa ka na namang kung anong article tungkol sa'kin e. Pinakaba mo 'ko."
"Meron nga," seryosong sabi nito matapos patagilid na kumandong sa kanyang mga hita habang nakabaling ang tingin sa napakalaking larawan na nakapaskil sa dingding ng mala-recording studio na k'warto. Larawan nilang dalawa iyon na kinunan sa gitna ng entablado mahigit isang taon na rin ang nakararaan. Sino nga ba namang makalilimot sa hindi inaasahang eksenang iyon na posibleng magpataob sa napakaraming romantic flicks na mapapanood sa Hollywood?
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |