Willav You Always, Anne Margaret.

424 10 3
                                    

This page is a tribute to a friend of mine who recently passed away. I only met her here on Wattpad but you have no idea how the news of her death affects me. I'll try to tell you how.

"I am wonderfully made by God. And my outlook in life is that I have to serve the people wholeheartedly. I will make my life productive. I will inspire many lives and become a magic stone to some who are hopeless and on the verge of giving up. When I return this life I borrowed from our Father in Heaven, He'll be proud of me. And He'll hug me tight. This is my dream." -Anne Margaret Junio

*Sigh*

Dear, Anne.

(Deym, I'm literally staring at the screen for a few moments now. This is really hard. I have lots of things on my mind before I decided to do this, but for some reasons, I can't find the words to say.)

*Sigh*

Dear, Anne.

*Sigh*

Kaasar. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan 'to. Parang umaasa pa rin kasi ako na hindi naman totoo na nangyari 'yon. Na bigla ka na lang ulit susulpot at magme-message sa'ming lahat ng "I'm back! Na-miss niyo ba 'ko? <3"

...pero alam naman naming lahat na hindi na mangyayari 'yon kahit kailan. Na totoong wala ka na talaga. Na kinuha ka na sa amin.

Sa totoo lang, nung nalaman ko yung balita, hindi talaga nag-sink in agad sa akin yung salitang "wala na si ate Anne." Iniisip ko na baka ang ibig sabihin lang no'n ay umalis ka na sa bahay natin. Sa GC natin kung saan natin talaga nabuo yung pagkakaibigan nating lima. Pero nung nakumpirma ko kung anong totoong ibig sabihin no'n, hindi talaga ako makapaniwala. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Nakapag-usap usap pa kasi tayo nung gabi bago ka mawala. Hinihintay mo pa ngang matapos yung ini-install ko sa computer dahil sinabihan kitang gagawan ko ng Sims version yung dalawang isinulat mong character. Tapos 'yon na nga, kinabukasan, ginawa ko 'yon tulad ng sinabi ko sa'yo. Excited pa nga 'kong malaman ang magiging reaksyon mo, e. Pero hindi dumating. Hindi ka na sumilip pa ulit sa "bahay." Kasi 'yon pala, no'ng oras na ipi-ost ko 'yon, huli na pala ang lahat. Wala ka na. Napagod ka na pala. Namahinga ka na.

Alam mo bang lahat kaming mga kasama mo sa HouseAusten ay sobrang naapektuhan sa biglaang pagkawala mo? Ilang araw ka na naming pinag uusapan pero hindi maubos ubos ang mga p'wede naming pag usapan tungkol sa'yo at kung paanong naging bahagi ka ng araw araw naming buhay kahit sabihing milya-milya ang pagitan natin sa isa't isa. Gano'n ka kahalaga para samin na para bang nawalan kami ng isang malapit na kaanak. Some people will never understand how it could possibly happen but that's the truth. Your sudden departure left a big hole in our hearts. Gano'n ka naging isang mabuting kaibigan para sa amin at sobrang nakakapanghinayang na sa isang iglap, nawala ka na lang bigla...

Sayang. Sayang, dahil hindi na natin matutupad pa yung mga plano nating lima. Hindi na natin makikita ang isa't isa ng magkakasama. Madaya ka kasi. Hindi ka na nakapaghintay. Pero ayos lang, nagawa naman natin nang matagumpay na mapagsama-sama ang mga isinulat nating mga karakter katulad ng sa iplinano mo. You made it all happen, at sobrang nakaka-proud na nagawa nating lima 'yon. Hindi lang basta nagawa. Natapos natin at napakaganda ng kinalabasan. Dahil sa'yo. Dahil sinuportahan mo 'yon mula sa pinaka-umpisa.

Nakakapanghinayang lang na hindi ko na kailanman malalaman kung anong plano mo para kay Noah. Kay Zia. Kay Sean, kay Therese at sa lahat ng character na isinusulat mo at maisusulat pa sana kung nananatili ka pang buhay. Tulad ng nabasa kong sinabi ng isang kaibigan mo, "Wattpad will never be the same again without you." Sobrang totoo nito para sa aming lahat na nakakakilala sa'yo bilang manunulat. At bilang kaibigan. It will never be the same here. It will never be the same.

Marami pa akong gustong sabihin but I guess this is it. I'll just keep the rest for myself. Maaaring wala ka na pero mananatiling buhay para amin ang mga isinulat mo. We're gonna miss you, Anne. Willav you. We love you truly, and always. Farewell, Lady in Red. Maraming salamat sa pagdaan sa mga buhay namin, Anne Margaret B. Junio.

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon