Chapter 14: Reflections

4.4K 124 269
                                    

(Scar)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Scar)

   "S-Scar?" bungad ng kanyang pinsan matapos nitong mabuksan ang pinto ng kanyang k'warto.

   Nanlaki ang mga mata nito nang madako ang tingin sa kanya, "Scaar! Anong ginawa mo? What the hell are you thinking? Nababaliw ka na ba?" Itinuon nito ang pansin sa mga hibla ng ginupit na buhok na nagkalat malapit sa kanyang paanan. "Anong kalokohan 'to? What's next? You're going to cut your wrist? Oh my god! Scar! Akala ko ba sabi mo hindi ka na bata? Why are you acting like one now?" pagpapatuloy nito matapos hablutin ang gunting na nasa kanyang kamay pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya.

   Wala siyang magawa noon ku'ndi mapaupo na lamang sa sahig at humagulgol habang nakatakip ang mga braso sa mukha na para bang katapusan na ng lahat.

   Hindi man muling nagsalita agad ang pinsan ay ramdam niyang naroon pa rin ito at pinagmamasdan siya.

   "I'm sorry, hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Nag-alala lang ako sa'yo," sambit nito matapos ang ilang segundong katahimikan, mahinahon na ang boses nito bago marahang naupo rin sa sahig upang tabihan siya, "now, tell me, what happened? Is it... D-Drei? I told you to stay away from that guy pero hindi ka nakinig sa'kin."

   Inangat niya ng bahagya ang kanyang ulo at humihikbing tumingin sa pinsan bago niya mapansin na may namumuo ding luha sa mga mata nito.

   "N-no," napilitang pagsagot niya, ayaw niya sanang aminin ang dahilan pero ano pa nga ba namang rason para maglihim siya rito? "It's not him."

   "Kung hindi siya, eh sino? Why did you do this?" madiing tanong nito matapos dumampot sa nakakalat na buhok sa sahig at pahapyaw na ipinakita sa kanya.

   "N-nakita ko siya," nangingilid luhang pag-amin niya habang pilit na pinipigilan ang sariling muling mapahagulgol.

   "If he's not the reason, then who? Sabihin mo lang sakin at makakatikim talaga 'yon."

   Agad na pinunasan ni Maica ang luhang kumawala sa kanyang mata.

   "Please, Scar, Tell me."

   "I... I saw him."

   "Sino nga?" nagtatakang sambit nito. Hindi niya nagawang sagutin agad ang tanong na 'yon kung kaya't muli itong nagsalita at may pag-aalinlangang sinabing, "si Dante?"

   Tumango-tango na lamang siya bilang sagot bago huminga ng malalim at marahang pinahiran ng palad ang dumadaloy na luha sa magkabilang pisngi. Kailangan niya nang sabihin dito ang totoong dahilan.

    "Nakita ko siya. It's been 2 years since the last time I got a glimpse of him and God knows kung gaano ako kasaya n'ong makita ko siya," may luha ngunit nangingiting pagkukwento niya.

   "O yun naman pala e. Besides, I don't think Dante will ever hurt you, so how come you're telling me na siya ang dahilan? What exactly happened?" nagtatakang tanong ng pinsan na titig na titig sa kanya at hindi maitatago ang kagustuhang malaman ang buong pangyayari.

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon