Chapter 4: A String of Hope

7.7K 184 328
                                    

(Dante)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Dante)

   Nanglalambot na pumasok si Dante sa kanyang k'warto at agad na ibinagsak ang katawan sa kama. "Tama ba ang ginawa kong hayaan siya?" tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame na halos tuklap-tuklap na dahil sa kalumaan.

  Sinubukan niyang tawagan ang pinsan nitong si Maica subalit nakapatay ang numero nito.

    Nakauwi kaya siya ng maayos?

  Hindi siya mapakali sa kakaisip kay Scar kaya nagdesisyon siyang muling bumangon at puntahan na lamang ito. Hindi kasi siya mapapanatag hanggat hindi niya nalalamang nakauwi ito nang maayos.

  Agad siyang nagtungo sa tirahan nitong ilang lakad lang ang layo mula sa may simbahan. Ayon sa kababata niyang si Maica, magtatatlong buwan pa lang mula nang lumipat ang magkapatid sa kanila. Sa isang subdivision sa Montella ito nakatira noon kasama ng kanilang lola subalit nang namayapa ito'y napagdesisyunang palipatin na lamang ang mga pinsan sa kanila.

  Pareho kasing nag-aaral pa ang magkapatid at hindi maaaring walang gagabay--lalong-lalo na sa nagdadalagang si Scar--dahil ilang taon na ring sa Amerika naninirahan ang nanay ng mga ito.

  Nang makarating ssa destinasyon ay tila walang katao-tao sa bahay. Lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala.

  Kinatok-katok niya ang gate ng paulit-ulit ngunit wala talagang sumasagot. Ni ang asong nasa doghouse nito ay walang pakialam sa kanya at hindi man lang siya magawang kahulan. Ilang minuto rin siyang naghintay ngunit talagang walang senyales na may nakaririnig ng tawag niya.

   San ka na ba nagpunta Scar?

  Biglang pumasok sa isip niya na baka kasama ulit nito ang mga kaibigan kaya dali-dali niyang ihinakbang ang mga paa. Mabilis din naman siyang napahinto matapos marinig ang hinahanap na boses.

  "Dante," mahinang sabi nito na pumawi sa pag-aalala niya. Lumabas ito ng pintuan at naglakad patungo sa harap ng gate.

  "Kanina pa 'ko rito. Bakit hindi ka man lang sumasagot?" nag-aalalang sabi niya nang makita si Scar. Namumula-mula pa rin ang mga mata nito.

  "Alam ko."

  "Eh, bakit--"

  "Naiinis kasi ako sa'yo," sambit nito bago humaba ng bahagya ang nguso.

  "Hindi ko naman sinasadya." Tinignan niya nang diretso sa mata si Scar nang sabihin niya iyon. Ito rin ang unang pagkakataon na nagawa niyang makipagtitigan dito nang hindi niya inilalayo ang kanyang paningin.

      Siguro panaginip lang ang lahat ng 'to. Naaalala ko pa rin no'ng una ko siyang makita. Hindi pa rin ako makapaniwala na yung mga matang 'yon ay nakatitig sa akin sa mga oras na 'to. N'ong una, hinihiling ko lang na sana mapansin niya rin ako. Na sana tumingin rin siya siya sa direksyon ko. Na sana...

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon