Chapter 21: His True Colors

3.4K 103 111
                                    

(Drei)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Drei)

    I can't believe this. Ganito ba talaga nila kamahal ang isa't isa?

    Napapailing-iling na lang si Drei na nakasandal ang isang braso sa malaking puno habang pinagmamasdan mula sa malayo ang masayang pag-uusap ng dalawa.

    "Oh, akala ko ba gusto mong turuan ng leksyon ang isang 'yan? 'Di ba sabi mo malaki ang atraso sa'yo n'yan? Ano pang hinihintay natin dito? Ba't kailangan pa nating magtago na parang mga daga? 'Wag mong sabihing pinapunta mo kami dito para abangan kung paano maglalampungan ang mga 'yan?" sambit ni Grenn na nasa likuran niya. Halatang nauubusan na ito ng pasensya sa kakahintay.

    "Fuck this. Let's go. We're just wasting our time here," usal niya bago inambang ihahakbang na ang mga paa. Agad siyang hinarangan ng malapad na katawan ni Grenn.

    "Wasting our time? Ibig mong sabihin aalis na lang tayo? Fuck that. Nandito na tayo. We've already wasted our time. Isa pa, you said malaki ang atraso sa'yo ng isang yan. You know our ways, Drei. You're one of us and you know very well the rules when you joined us. We have a code to follow. Lintik lang ang walang ganti," seryosong sabi muli nito habang ang ibang kasama naman nila ay tahimik lang na nagmamasid.

    Fuck. Ano bang naisipan ko't tinawagan ko ang psychopath na 'to?

    "Just forget it. Tara na. It's not worth it," sambit niyang muli bago tinignan ng matalim ang kaharap. Hindi naman ito nagpatinag sa ginawa niya, sa halip ay ibinalik sa kanya ang masamang mga tingin.

    "Stop being a pussy Drei. Kanina pa nangangati 'tong kamay 'ko." Tinignan nito ang nakakuyom na kamao. "Kayo ba?" dugtong nito bago tumingin naman sa iba pa nilang kasama.

    Wala ni isa sa mga ito ang nagtangkang sumagot kaya't alam niyang wala na siyang magagawa pa. Gagawin ng mga ito ang kahit anong sabihin ng itinuturing na leader ng grupo na si Grenn. Pasimpleng binangga siya nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

    Shit. I have no other choice.

    "Teka," sambit niya bago madiin na hinawakan ang kanang balikat ni Grenn upang pahintuin ito, "walang gagalaw sa babae. She's mine," sambit niya bago dahan-dahang ibinitaw ang kamay nang pumihit si Grenn upang harapin siya, "malinaw ba?" Matapang na sambit niya sa kabila ng nakakatakot na mga mata nito.

    "Whatever pussy. Just enjoy the show. Believe me, I'm not going to dissapoint you," nakangising sabi nito. Tinapik muna siya nito sa braso ng dalawang beses bago may isinenyas na kung ano sa mga kasama. "Tara. Let's go teach someone a fucking lesson he will never forget."

***

    Habang nananatili sa malayo at pinagmamasdan ang unti-unting paglapit ng mga kasama sa pakay ay bigla na lamang niyang naramdamang lumamig ang mga lumalabas na butil ng pawis mula sa kanya.

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon