#ProjectAusten
(Scar)
Pagkaparadang-pagkaparada pa lang ni Nina ng kotse ay agad nang bumaba si Scar at hinawakan ang suot na sumbrero para hindi iyon liparin ng malakas na hangin. Nakangiting pumikit siya bago sinamyo ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat.
Ang tagal na rin ng huli syang makapunta sa tabing-dagat. Nagmulat s'ya ng mata at agad na yumuko para tanggalin ang sintas ng suot na sapatos.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Nina matapos nitong isara ang pinto ng asul na sasakyan.
Ngumiti lang si Scar at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nang mahubad ang sapatos ay binitbit nya 'yon at parang bata na ngayon lang nakatapak sa buhangin kaya agad syang humakbang. Pumapaypay ang palda ng suot nyang bestida na naging dahilan para humagikhik sya. Malawak ang ngiti na humarap sya kay Nina na ngayon ay excited na nagtatanggal na rin ng sapatos.
(Murky)
"I LOVE YOU, AIDAN!"
Napangiwi si Mumoy nang tumili ang babaeng nasa kanyang kaliwa na sinabayan pa ng nasa kanan at tinuldukan ng tulak ng nasa kanyang likuran.
Ganito na ba talaga kasikat ang bestfriend niya?
Naiiling at natatawang pinilit na lang niyang makausad sa paghakbang sa dagat ng mga tumitili at nagkakagulong mga babae na nag-aabang sa may pinto papunta sa backstage ng Red Serenade.
Bawat hakbang na ginagawa ay sinasabayan niya ng, "Excuse me. Makikiraan lang. Coming through. Yep, wait lang miss beautiful padaan."
Pawisan na siya at tila umuugong na ang tainga bago siya nakarating sa may pintuan. Tinanguan niya ang dalawang naglalakihang bodyguard na nakaposisyon doon at saka niya kinuha sa bulsa ang backstage pass na ibinigay sa kanya ni Dante.
Nang maipakita ay agad na inalis ng isa sa guwardiya ang pulang tali at binuksan ang pinto. Agad siyang humakbang sa likod at napangiti pa nang makarinig sa kanyang likuran ng, 'Kasama niya ko. Boyfriend ko 'yong pumasok.'
Naiiling na humakbang siya papasok.
"Si Dante lang pala ang makakapagbigay sakin ng girlfriend." Bubulong-bulong na aniya habang binabaybay ang makipot na daan.
Huminto siya sa tapat ng pinto kung saan may nakasulat na "AIDAN". Hindi na siya nag-abalang kumatok at agad nang pinihit ang seradura at itinulak ng bahagya ang pinto.
Sumandal siya sa hamba ng pintuan nang makita ang kaibigan na nakaupo sa harap ng salamin at nakapikit.
"Ganito ka na pala kahirap makita ngayon, P're." Aniya at isinuksok ang hinlilit sa kanyang tenga. "Nabasag yata ng mga fans mo ang eardrums ko."
Nagmulat ng mata si Dante at napabalikwas ng tayo nang makita siya. Tinanggal nito ang suot na earpiece at malawak ang ngiti na lumapit sa kanya.
"Moy." Anito at ibinangga ang balikat sa kanya, binigyan nang malakas na dagok sa likod saka siya niyakap. "Salamat para dun sa kanina ha. You just save my ass again."
Ngumisi sya, "May bayad 'yon no. Hindi yata biro ang sumagot sa sandamakmak na tanong ng mga paparazzi mo."
Namilog ang mata ni Dante at agad syang binanatan ng pabirong suntok sa braso. "Loko ka, anong mga sinabi mo 'don?
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |