#ProjectAusten
(First Draft. Might need some editing)
(Dante)
Katatapos lamang ng matagumpay na performance nila at ngayon nga'y magkakasamang nagpapahinga sa backstage.
"'Wag mong alalahanin 'yan si Scar. She will be fine. Tyaka naayos ko na naman ang tutuluyan nila ni Nina sa hotel. Baka nando'n na 'yon at humihilik na. Here. Check 'em." Inabot ni Jayden kay Dante ang numero ng kuwartong tutuluyan ng kapatid nito sa gabing 'yon. Kanina niya pa kasi sinusubukang tawagan ito subalit hindi niya talaga ma-contact. Hindi niya mapigilang mag-alala lalo na't hindi niya pa ito nakikita mula nang malamang naroon pala ito.
"W-what? Nandito si Nina-babe ko? What the fuck? Bakit 'di niyo sinabi sa'kin? Panay pa naman ang pagpapa-cute ko kanina doon sa isang babae sa harapan. Tsk. Baka nakita ako no'n. May pagkaselosa pa naman 'yon, damn!" usal naman ni Dylan. Tumayo ito bago problemadong naglakad ng nakahawak ang dalawang kamay sa buhok.
"Ayan ang sinasabi namin sa'yo e. Magpakatino ka kasi. Kaya hindi ka sinasagot e," tugon naman ni Jy bago nakangising tumingin sa katabi sa upuan at inakbayan ito, "'Di ba, Noah? Kamusta naman kayo ni Zia? Siya na naman dahilan kaya na-late ka kanina noh?"
"Fuck off!" pikon na sagot ni Noah habang pilit na inaalis ang braso ni Jylon sa balikat. Hindi naman basta inalis ng huli ang kamay kaya't halos mag-wrestling na ang dalawa habang tinatawanan ito ng mga kabanda.
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan ng k'wartong inu-okupa nila. Sandali silang natahimik at napatayo nang makita kung sino iyon... Si Sebastian Alegre. Ang istriktong bossing ng MSE na nag-organize ng matagumpay na event.
"What are you still doing here? Fans paid for your time so give them what they deserve. Nakatambay lang pala kayo rito. Go outside," ma-otoridad na sabi nito habang nakakunot ang noo.
"Oy, huwag muna. Ako muna. Sa akin muna sila, Sean," apila naman ng babaeng kasama nito. Maganda ito at mukhang Koreana. Kung hindi nagkakamali si Dante ay nakita niya itong nanonood habang nagpe-perform sila sa stage. Nakakamangha rin kung paano nitong nakakausap ng ganoon ang palaging nakasimangot na may-ari ng music label.
Nanatili namang nakatayo ang magkakabanda habang nagpapakiramdaman.
"Ano pa'ng hinihintay niyo? Get moving," ani Sean bago ibinaling ang tingin kay Dante. "Except you, Aidan. Stay."
Agad namang sinunod ito ng apat matapos sumaludo at nagbubulungang naglakad patungo sa pintuan. Pero bago pa tuluyang makalabas ang mga ito ay muling nagsalita si Sebastian.
Tulad nang palaging nangyayari, ang pinakabatang miyembro na naman ng banda ang nakita nito.
"Noah, that would be the last time you wink at her. She's my bestfriend's girl and if ever I'll catch you doing the same again, I'll wring your neck in front of your bandmates." Humarap ito sa kanila habang tinitignan sila isa-isa sa mata. "This is not for Noah alone. Kahit sino sa inyo, if I catch you doing any gesture similar to what Noah did, you're in trouble. Not to Willa, this girl. Not to my sister, Lily. Not to any girl in my circle. You can wink at fans outside but never more than that. Am I making myself clear?"
Sabay-sabay na tumango muli ang mga miyembro ng Red Serenade bago muling sumaludo at nagmamadaling lumabas. Muli namang ibinalik ni Sean ang atensyon kay Aidan na ngayon ay iniisip pa rin kung nasaan si Scarlett.
*****
As it turns out, gusto lang naman palang magpa-picture kasama niya ng kasama nitong dalaga. Kinabahan pa man din siya nang siya lamang ang pinaiwan nito dahil baka may hindi ito nagustuhan sa naging performance niya sa stage.
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |