(SCAR)
Patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan dahil kalagitnaan na ng buwan ng Hulyo. Madalas na ganito na ang lagay ng panahon kaya't madalas din na hindi sila nakakapagsama nang matagal nang kasintahan.
Pitong buwan na pala kami, it's amazing how fast the time flies. It seems like it was just yesterday.
Nagsawa na si Scar na pagmasdan ang mga patak ng ulan mula sa bintana ng kanyang k'warto kung kaya't kinuha na lamang niya ang kanyang marker at sticky note na iba-iba ang kulay. Kulay red ang dinampot niya bago sinimulang mag sulat dito; 'It's raining again, I really miss you na Dante ko.' Hinalikan niya muna ang papel bago ito idinikit sa pader kasama ng mga unang naisulat na niya.
She's been writing atleast one note everyday simula nang maging sila ni Dante. Color coded pa ang mga ito na nakadepende sa araw kung kailan niya ito isinulat upang madali niyang matandaan ang nangyari sa araw na 'yon.
Araw ng linggo kung kaya't kulay pula ang pinagsulatan niya. It doesn't matter kung maiksi o mahaba ang nailalagay niya dito. Ang mahalaga ay may maisulat siya. Kung bibilangin ay mahigit kumulang tatlong-daan na siguro ang lahat ng nakadikit sa pader ng kanyang k'warto. Lahat tungkol sa kanila Dante.
Paulit-ulit at walang sawang binabasa niya ang mga ito sa tuwing nami-miss niya ang kasintahan.
'I love you Dante! Best birthday gift ever!' Pinatungan niya ito ng isa pang sticky note, 'Note to self: Magsulat araw-araw tungkol sa kanya.'
'Aidan Stephan Lustre, 'yan ang full name ng mahal ko.'
'Tinawag niya 'kong prinsesa! Kilig much!'
'Valentines day. NO DATE? NO PROBLEM! Kunteto na 'kong nakasama ko siya.'
'Umutot siya, sabi niya ako daw 'yon, e kaming dalawa lang naman magkasama. EW'
'He gaved me flowers again, and for the first time, tunay na bulaklak na. Pero tingin ko pinitas niya lang 'to sa garden namin e. Haay.'
'I hate you Dante, hindi mo 'ko sinundo!'
'Pangarap niya daw maging sikat na rockstar paglaki niya. Wow ha. May balak pa siyang lumaki?'
'Last day of school, nag-date kami. Treat niya daw sa pagiging top 3 ko. So, happy!'
'Our first kiss! He kissed me. . . on my forehead.'
Reading all this makes her miss Dante even more. Matapos niyang mabasa ang lahat ng ito'y kinuha niya ang gitara at inspired na tumugtog. Maya-maya pa'y tumunog ang kanyang cellphone na excited naman niyang dinampot.
Please! I know it's you!
"Hi, Prinsesa ko. Musta ka na?"
Mabilis niya itong ni-replayan, "'Di masyadong okay. Hindi kita nakikita e."
BINABASA MO ANG
Scarred
Romance[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay ilang salitang isinulat sa isang gitara? | Romance | Drama | Coming-of-Age |