Chel's povPSL Opening Ceremony
"Chel... Kukunan muna kayo bago mag start.." sabi ng crew. "Psl ads natin to... So bale dalawa kayo ni Jovs... Parang mga psl hugot.. So ito yung sasabihin mo. "
Tahimik lang na nakikinig si Jovs sa tabi ko.
"So ilabas nyo lang yung natural nyo... Pwede kayong mag adlib.. So ano okey na?"
Napatingin ako ke Jovs at nakangiting tumango ito.
"Natatawa ako..." sabi ko pagkabasa ng script. "Ito talaga ha..," at pinabasa ko ke Jovs.
"Pick up line lang yan... So kayo na bale bahala kung papano... So.. Take na!" senyas nito sa camera man. Kaya ang ibang nasa paligid ay nakiusyoso narin.
Napangiti nalang ako ng nagsimula ng mag- take.
"Sana bola nalang ako ng volleyball..." sabi ko at napapangiti lang si Jovs sa tabi ko. "Para matawag mo kong mine!"
"Hahaha... " natawa ang lahat.
"Kaloko.. Ang corny!" tawa ko parin..
Nakangiting napalingon si Jovs sa kin.."I'm yours na nga eh..."
"Wooohhh!!!!!" sigaw ng nasa paligid at nagpalakpakan sila.
"Jovs!" napanganga nalang na natatawa ako sa adlib nito. "Cut na diba? Wag na yon..." baling ko sa crew at cameraman.
"Hahaha... Maganda nga..." parang timang lang at kinikilig yung crew."Me isa pa..." at inabot ang papel.
"Last na to ha... Jovs.. Umayos ka ha... " kurot ko rito sa tagiliran at baka humirit na naman.
"Ok... Take na!" sigaw ng crew.
"Ang love parang volleyball... Minsan kelangan mong iblock...para wala ng ibang makascore... " natawa ako na napairap.
Tawang tawa rin si Jovs. "Kaya nga straight sets para matchpoint agad...sa puso mo..."
*Yessss!" at naghiyawan ang mga nanonood..
"That's awesome!" tuwang tuwa ang crew. "The best hugot ever!"
"Ate..." natatawa ako pero.." cut mo yung last part... Loko loko kasi to." turo ko ke Jovs.
"Ha? Yun pa naman ang da best part! Sige edit nalang namin... Salamat sa inyong dalawa..." ngiti nito at nagpaalam na.
"Pangit ba yung sinabi ko?" naguluhan ito.
"Jovs... Hindi... Ganito kasi... Hindi pa kasi open sa public ang relationship natin." paliwanag ko. "Marami kasing nang iintriga at baka maapektuhan kasi career natin... Kaya nag iingat lang tayo."
"Ganon? So all this time... Never tayong nag PDA?"
"Ha?... A eh... Minsan... Sa harap lang ng mga close friends.. "
"Hi sis!... Hi Jovs!" bati ni Aby at sa lahat naman ng pwedeng kasama ay si Wensh pa.
"Hi?" halatang hindi maalala ni Jovs.
"Jovs... Si Aby... Nakita mo na sya nung isang araw... At si wensh.." pakilala ko.
"Ah... Yes.... Nagkita na nga pala tayo." ngiti nito.
"Wait..." taka ni Wensh. "Jovs... You don't remember?"
"Wensh... Hindi naman..." si aby na ang sumagot. "Hindi ganon..."
"Wait... Jovs... Ex mo ko!"
"Wensh ano ba?" sabat ko.
Napangiti lang si Jovs at di nagpahalatang nakalimutan nya. "Yes... Of course..."
"Really... Naalala mo?" nakakalokong ngiti nito. "Just wana make sure you remember di ba... Kaya... Naalala mo ba na minsan kang sinampal ni Chel na kaharap kami ni Aly?"
"Takte!... Wensh ano ba?" napataas ng boses ko.
"Kelangan nyang malaman ang totoo... Sinampal ka nya... Dahil kala nya niloko mo sya? Kala nya two timer ka!... Kasi... Kasi sinakyan ko lang yung pagseselos nya... Pero... Sa totoo lang... Sobrang nagseselos din ako noon... Dahil sobra mo syang minahal Jovs... Well... Tangap ko naman yon..na... You two are meant for each other... " pilit na ngumiti ito.
Napabuntong hininga nalang ako. "Salamat Wensh ha... At balik na kami sa team namin..."
"Sige sis... Later..." inawat na ni Aby si Wensh at baka me masabi pa. Kaya inakay ko ng palayo si Jovs.
Tahimik lang si Jovs habang naglalakad kami. Hirap din ng ganito... Na me makakita sa kanya tapos hindi nya maalala... Kung pano mo pagtatakpan na okey lang ang lahat pero hindi pala... Hindi man sya magsalita, bakas sa mga mata nya ang maraming katanungan.
"Okey ka lang?" baling nito sa kin.
Ako pa talaga ang tinanong nya... "Oo naman... Ikaw... Okey ka lang?" at hinarap ko ito.
"Oo naman... Parang mas gusto kong di maka-alala nalang..."
"Ha? Bakit mo naman nasabi yan?"
"Para makamove on na tayo... " ngiti nito at hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy kaming maglakad.
"Jovs... Sa sinabi mo... Ayaw mo na bang maalala na mahal mo ko?" parang ang bigat lang kasi na gusto nya ng talikuran ang nakaraan.
Napatingin ito sa kin. "Buti nalang at hindi ako bola... Dahil hindi ko magagawang bolahin ka... "
"Jovs...."
"Pero pipilitin kong makagawa ng combination plays.... Makascore lang ulit sa puso mo..."

YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........