Part 18

653 11 0
                                    


 


ATM....

 Simula ng bumalik kami dito sa condo. Natutunan ko ang HALE... High acceptance, lower expectations... Buong puso ko ng tinanggap na nagloko si Jovs bago ang kasal. Na nagawa nyang magmahal ng iba at sinadyang di sumipot. At pag nakaalala na sya, posibleng mag hiwalay kami.

Kaya mas binigyan ko nalang ng maraming oras ang dalawa kong anghel. Kahit pagod na ako sa training, ako na rin ng aasikaso sa gabi hangang sa makatulog ang dalawa. Si Jovs... Madalas gabi ng umuwi or kung maaga man, mas unang natutulog sa kin. At kung sabay man kami umuwi, konting usap lang pero madalas nag-iiwasan. Nakasanayan na nga namin eh.

"Chel... Dumating na pala si Jovs... " bungad ni manang fe ng makapasok sa kwarto. "Ako ng mgbihis dyan sa dalawa... Samahan mo ng kumain yon."

"Ya... Di pa ko gutom... "

"Chel...." sabi ni yaya. "Napapansin ko lang na halos di kayo ng iimikan ni Jovs. Hangang kelan ba matatapos ang awayan nyo?"

"Ya... Di naman po. Marami lang kaming parehong ginagawa..."

"Chel... Matagal kong nakasama si Jovs sa bahay... Kina madam belle pa... Kaya alam kong me dinaramdam sya. Magaling na ba sya? Nakakaalala na ba sya chel?"

Natawa nalang ako. "Ya... Kahit ako hindi ko alam. Ayaw naman nyang aminin kung nakakaalala na sya. Mahirap naman ding ipilit."

"Ganon nalang ba... So balewala nalang... Chel... " nag-aalala na ito na nanghihinayang sa nangyayari sa amin ni Jovs. "Magkasama nga kayo...pero parang walang buhay naman dito sa bahay."

Napapikit nalang ako. "Hindi ko alam ya... Pagod na ko..." tumayo nalang ako. "Sige ya... Susubukan ko.." kumbinsi ko nalang at inabot ko si Pat sa kanya.


Lumabas ako ng kwarto pero wala na si Jovs sa kusina. Kaya dumiretso na ako sa kwarto. Napansin kong nasa veranda ito nakaupo kaya nilapitan ko na rin.

"Jovs..."tawag ko dito at umupo sa tabing upuan. "Kumain ka na daw.." sabi ko habang hinahaplos ang pisngi nya. Ganito naman kami ni Jovs. Minsan pinaparamdam ko parin ng kahit konting lambing. Pero hanggang ganito nalang.

"Jovs...." pansin ko dito."Mainit ka..." kaya dalawang kamay kong hinawakan ang mukha nya. "Jovs me lagnat ka... Masakit ba katawan mo...."

Biglang tumayo ito at hindi ngsalita. Sumunod nalang ako ng pumasok na ito sa loob.

"Jovs... Uminom ka na ba ng gamot?"

"Please stop..." harap nito sa kin. "Stop acting as if you care..."

"Jovs!" diin ko.

"Well... Pareho naman tayo diba?... Magkasama nga tayo sa iisang bahay, natutulog sa iisang kama... Nagkukunwaring masaya sa harap ng iba... Ano pa ba ang di natin kayang gawin? Ang magpanggap na mahal natin ang isa't isa...  Hahaha... Actually... Ginagawa na nga rin natin yon!"

"Jovs... Hindi ako... I still care for you..." sabi ko kahit alam kong ngsisinungaling nga siguro ako.

"Talaga..." nakangiti itong lumapit sa kin. "Sige nga... Kiss me..."

Bigla naman akong kinabahan sa hamon nito. Di na kasi namin ginagawa yun. Hangang sa pisngi nalang kasi humahalik si Jovs.

"O ano..." nakanguso na nangingiti ito. "Sige na... Let's pretend to kiss... Kahit wala ng feelings..." biglang siil nito sa labi ko.

"Hmmmmppp..." ayon ko sa halik nya at napakapit ako sa balikat nya. "Teka jovs... Me lagnat ka talaga.." bigla akong nag-alala dahil sa mainit at tila malamig ang pawis nito.

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now