Part 6

755 15 0
                                    


 


Chel's pov

"Yes tita... Thank you po talaga... Di ko lang maiwan si Jovs... Diretso na po kami dyan.... Opo... Bye..." pagtatapos ko.

"O... Napano si baby pat?" usisa ni Tin habang nagpapahinga kami matapos ang isang oras na work out.

"Nasa hospital... Buti na nga lang at sinundo ni Tita belle sa daycare.... Nagsuka daw kasi... Itatawag pa ulit ni tita mamya..." kwento ko.

"Naku baka me nakain lang yun at di natunawan..." nag-alala narin ito. "Ate pano mo nakakayanan?... Lalo na ngayon... Pabalik balik ang sakit ni Jovs..."

"Hindi ko nalang masyado iniisip... Nagpapakabusy... Nagpapakapagod...  Sa umaga kelangan kong intindihan yung dalawa bago pumasok... Tapos buong araw na training at paminsang photoshoot... At sa gabi kelangan nakakausap ko yung mga bata bago matulog... At pag...pag nakakalimot si Jovs... Lalong bumibigat responsibilidad ko sa dalawa... Kasi hindi pa namin pinapaalam sa kanila ang kalagayan ni Jovs... Kasi dapat normal parin ang sitwasyon... Mahirap... Oo... Minsan nagtataka sila kung bakit ayaw makipaglaro sa kanila si Jovs... So dapat magdahilan... " napabuntong hininga nalang ako.

"Ate bilib ako at nakakayanan mo lahat yan... " napangiti ito para mabuhayan ako. "Hindi rin magtatagal at gagaling din si Jovs."

Napayuko nalang ako. Sana nga... Sana nga...

"Chel?" boses ni Jovs at pumasok sa gym.

"Oh... Tapos ng presscon... Nagustuhan mo ba bagong uniform?"pilit akong ngumiti.

"Ano to?" inis nitong inilapag sa lamesa ang magazine.

"Ay... Nakabili ka?" sabat ni Tin at kinuha ito. "Di ko pa to nakita."

"Bakit ka nagpose ng ganyan? Pumayag ba ako?" napataas ng boses nito.

"Jovs..."

"Jovs..." tumayo na si tin at hinawakan braso nito. "Jovs... Kalma ka lang"

"Bakit hindi ka makasagot?"

"Jovs... Napag-usapan na natin to okey... Wag naman dito..."

"Napag-usapan? Malamang nakalimot na naman ako ano? Oo kasalanan ko at nakakalimot ako!" sigaw nito kaya napalapit na si ate tina at M9.

"Jovs... Tama na... " awat ni ate tina.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ha? Dahil kahit kelan kung tayo nga... Hindi ako papayag sa ginawa mo... At mahirap nga ng paulit ulit mong ipapaliwanag yan pag nakakalimot ako... Tama ba? Tama di ba!"

Matalim ko syang tiningnan. "Jovs naman... Nasa ospital si Pat ngayon... Gusto mo pa bang sagutin kita ha? Ni hindi pa nga ako mapalagay kung ano na ngyari sa anak natin dahil hinihintay kita... "

"Chel... Puntahan mo na muna si Pat... Kami na bahala ke Jovs..." sabi ni M9 at inakay na ko palabas. "sige na.."

----
Jov's pov
"Relax... Kung alam ko lang na magagalit ka... Hindi ko na sana binigay yan sayo..." sabi ni ate tina."Wala namang mali sa ginawa nya... Hindi naman sya nakahubad... Konting tela nga lang ang takip... Pero...pero...art yon!"

"Ate... Bakit ba kasi ako nagagalit?" taka ko sa inasal ko. "Di ba hindi ko nga maalala kung minahal ko sya...pero ...pero..."

"Pero kung makareact ka wagas... Parang pag mamay-ari mo sya... Tama?" segunda ni tin at nakapamewang pa.

"So ibig sabihin hindi mo parin sya naaalala... Tama ba?... Hindi kaya... Feeling mo attached ka na kasi... you are falling for her... Not as the old Jovs ha...  But as you... Yung Jovs na nakalimot..." sabi ni ate tina at napaupo nalang. "Interesting... "

"Hah? Hindi maaari...kasi d ko nga maalala..."

"Hindi mo nga kelangang maalala pa... Kasi you are getting there pa... Unti unti kang nahuhulog sa kanya na hindi mo namamalayan..." sabi ni tin.

"Aba... Ikaw ay isang henyo Tin!" tuwa ni ate tina. "So ibig sabihin... Wala ka ng problema... Hindi mo na kelangan pilitin pa na maalala kung bakit mo sya minahal..."

"Ha?" taka ko.

"Parang.... First time mo?" tawa ni tin at nakipag apir ke ate tina.

"Hahaha... Oo nga... First time mo?"


-----

Sa bahay na ni Papa ako hinatid ni Ate tina kasi dito narin tumuloy sina chel pagkagaling sa ospital.

Tulog na ang mga bata ng makarating ako. Di ko magawang umuwi kaya nakipagkwentuhan muna ako kina ate tina at nahihiya pa akong humarap ke Chel... Pero ngayon... Kelangan ko na syang harapin..


Naabutan ko syang nagpapahangin sa veranda.

"Kamusta si Pat..." tanong ko kahit hindi ko pa gaanong maalala kung san nagmula ang batang yon...

"Okey na... Me konting sinat nalang.." sagot nito at nakatanaw parin sa malayo.

"Bakit pala umuwi tayo rito?... Sinosoli mo na ba ako?"

"Jovs... "

"Hehe... Joke lang..." at lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. "Sorry ha.. Kung madalas na... Alam ko mahirap sayo..."

Pilit parin syang tumingin sa malayo. "Chel..." kaya dalawang kamay kong hinawakan ang mukha nya para masilayan sya. Bakat na ang luhang tumulo sa pisngi nya. "Chel... Hindi ko alam kung pano...pano ko mapapagaan ang bigat ng nararamdaman mo... " kaya mahigpit ko nalang syang niyakap.

Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Nararamdaman kaya nya?

Kaya agad akong bumitaw. "Ah... Hehe... " Shocks... Jovs.. Wag kang kenkoy..."Chel... Matulog na tayo?" Tama ba? Hindi kaya parang nag-aaya ako?

Ngumiti narin ito..."Maligo na muna tayo... Ang init eh..." sabi nito at nauna ng pumasok.

"Ah..." palinga linga ako. "Una ka na..."

Napalingon ito... "Halika na... Sige na... Hindi kita rereypin... "biro nito.

"Ah... Hindi naman yon... Ano ba? Haha... " tawa ko. Shocks... Kami ulit sa shower???

"Jovs... Halika na..." tawag nito mula sa banyo.

Haist... Ano ba jovs? "A-andyan n..naa.." at sumunod nalang ako sa loob. Pero sa totoo lang... Nanginginig tuhod ko.

Naabutan ko syang nasa likuran na ng shower curtain at nagsisimula ng maligo. "Jovs... " at hinawi nito ang curtain.

Napanganga nalang ako sa bumungad sa kin. Shocks! Kahit nakita ko na ito kanina, nakakatulo laway talaga.

"O... Tatayo ka nalang ba dyan?" ngiting ngiti ito.

"A eh... " hiyang hiya parin ako.

Kaya lumapit ito sa kin at sapilitang inalis ang tshirt ko. Gusto ko sanang magpumiglas kaso napako ang tingin ko sa dibdib nya.

"Jovs..." at hinawakan ang baba ko." San ka nakatingin?" loko nito at tawang tawa.

"Pinagtritripan mo ba ako? Bakit parang tuwang tuwa ka pa ha?" alma ko.

"Para kasing... first time mo..."


 

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now