"Oy.... Naligaw kayong dalawa...." rinig kong bati ni Aby sa bisita nya. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko sa loob ng resto ni Aby."Kelangan kasi ng pampalamig nitong isa...yung super daming yelo..." tawa ng pamilyar na boses.
Si Aly ba yun? Kaya sumilip ako... Shocks si Aly at... Jovs????
"Hindi... Nauuhaw lang..." agad na sagot ni Jovs.
"Saan ba kasi kayo nanggaling?" usisa ni Aby at di sinasabing narito lang din ako.
"Hay naku... Back to the past kami... Hehe..."
"Tumigil ka nga..." siko ni Jovs ke Aly at mukhang seryoso ito.
"San nga yon?" pilit ni Aby.
"A.... Eh..." naiiling si Jovs."Kinausap ko lang si Charo..."
Ano????? Nakipagkita sya ke....
"Anong sinabi mo?" di ko na napigilan sarili ko at nagpakita narin ako.
Gulat na gulat ang dalawa.
"A-anong... Bakit ka andito?" taka ni Jovs.
"Sagutin mo muna ako? Bakit mo pinuntahan si Charo? Naalala mo na sya?"
Nakatingin lang ito at di malaman kung ano ang isasagot.
"Ate... Di ba tumawag kanina si Jovs sayo?" singit ni Aly.
"Anong tumawag?"
"Haist Jovs!" naimbyerna si Aly.
"Jovs ano ba?" pilit ko.
"Teka nga..." lapit nito at niyakap ako. Di ko rin maintindihan kung bakit sobrang higpit ng yakap ni Jovs at bigla akong kinabahan. Ito na ba yung araw na sasabihin nyang naaalala na nya at si...si Charo ang mahal nya... Na iiwan na nya ako.... Kami ng mga anak ko... Hindi ako handa...
"Chel.... Uhmmmm.... Baby..."
"Jovs... Ayaw kong marinig... Please... Pwedeng postpone mo muna... Hindi ako ready..." iyak ko.
"Baby..." agad nitong pinahiran ang luha ko. "Baby...ano bang sinasabi mo..."
"Jovs... Teka..." tinakpan ko nalang ang mukha ko at di ko na napigilan ang iyak ko. "Jovs... "
"Shhh...sshhhh... Baby ... Tahan... Hindi kita maintindihan..." alo nito at niyakap ako.
"Shet Jovs..." naiiyak na singit ni Aby."Wag na wag mong iiwan si Ate chel!"sigaw nito.
"Ano?" gulat nito. "Sinong me sabing iiwan kita?"
"Jovs.... Hindi ba?" taka ko.
"Sinabi ko bang iiwan kita?" napataas ng boses nito. "Kaya ka ba umiiyak? Dahil iniisip mong iiwan kita?"
"Ay... Hahaha... Si Aby nagsabi! Best supporting ka teh!" tawa ni Aly.
"Wala ah... " tangi nito at natawa narin.
"Hindi mo ko iiwan?" napangiti narin ako.
"Never...." at hinalikan ako sa noo. "Hmmmnnn... Best actress ka talaga... Kasama mo pa supporting actress mo... Hehe.."
"Hindi naman....E bakit ka nakipagkita ke Charo?"
"Nakipagkita ako para tuldukan na ang past. Sa... Para nga sa kanya yung necklace na nakita mo sa cabinet... " napayuko lang ito na napapailing "Hindi ko parin maalalang binili ko yun para sa kanya... Hindi rin ako mapakali kung di ko rin malalaman.... Kahit anong iwas ko sa nakaraan... Patuloy parin itong bumabalik... Kaya hinarap ko na... "
"Pero Jovs... Di mo parin naaalala si Charo... E... Anong naramdaman mo kanina ng makita sya?" singit ni Aby.
"Oo nga Jovs... Parang seeing her the first time..." dugtong ni Aly.
Walastik din itong dalawa kung makatanong...
"Ha.... " napatitig lang ito sa kin. "Syempre... Me kaba... Lalo na nung sinabi nyang... "
"Anong sinabi nya, Jovs?" haplos ko sa pisngi nya.
"Haha!... Pwede bang umorder ng Miloshake?"
"Jovs!"
"Sige na... Kanina pa ko nauuhaw..." at pumuwesto na ito sa me dulong table.
Nahihirapan ba syang sabihin ang napag-usapan nila ni Charo... Habang pinagmamasdan ko sya, alam kong pilit lang syang ngumingiti pero dama ko na naguguluhan parin sya. Naguguluhan sya sa ngyayari... Naguguluhan sya sa nararamdaman nya... Ang hirap... Ang hirap na nakalutang ka lang... Umaasang sa kin parin ang puso nya...
"O... Heto na ang Milo milk nyo..." ngiti ni Aby at sya na ang nagserve. "Hmmnnn... Pampalamig ng ulo..."
"Lalamig ba talaga ulo ko..." tawa ni Aly.
Bigla kong naramdaman ang hawak ni Jovs sa kamay ko at nakatingin nakangiti ito. "I love you babe..." bulong nito.
Ako nga lang ba? O paranoid lang ako... Bakit ako kinakabahan? Hindi ko maintindihan ang mga senyales ni Jovs.... Bakit feeling ko.... Feeling ko... Nakakaalala na sya... Pero ayaw nya lang aminin... Dahil ba ayaw nya lang akong saktan?....
"So Jovs... Balik tayo... Nu sinabi ni Charo sayo..."tanong ni Aby.
"Ahhhh... Eh hibang daw ako... Binigay ko yung necklace pero di nya tinangap... Matagal na yun... Bago yung sa Moa... Hindi na kami... So yun... So hindi kami... Sandali lang yon... Siguro... Lam mo yung nalingat lang... Kala mo inlove ka... Hindi pala... So parang ganun lang yung ngyari..." kwento nito."Nothing serious..."
Hindi ko magawang umimik... Dahil alam kong hindi nagsasabi ng totoo si Jovs...
"So... Ibig sabihin... Hindi ka na inlove sa kanya?" singit ni Aly.
"Hindi no!" diin nito."Showbiz ba to ha? Boy ikaw ba yan ha?" natawa nalang ito.
"Naniniguro lang no... Kasi baka saktan mo na naman si sistah!" irap ni Aby.
Napahinga ito ng malalim. "Hinding hindi na mangyayari yon...."
Sinungaling ka Jovs.....

YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........