Part 26

666 15 2
                                    


 


"Tita belle..." bungad ko ng madatnan ito sa sala. "Kanina pa po ba kayo... Mejo natraffic din kasi ako.."

"Okey lang iha... Natutuwa naman ako dito sa dalawang apo ko... Chel... Napadaan ako dahil di na kayo bumibisita sa bahay... Laging dahilan ni Jovs ay busy daw sya..."

"Busy nga tita... Cencya na po.. Magsisimula narin kasi training namin sa FIVB. " sabi ko at inaya sya sa me kusina. "Coffee po tita..."

"Nag-aalala na kasi kami ng Papa nya. Di pa kasi maituloy ang check up nya sa states... Naiirita na nga ako minsan ke Jovs kasi parang umiiwas na sa mga tanong namin ng papa nya... Ni hindi sya pumunta sa clinic para sa regular check up nya..."

"Po? Ang sabi nya nun, dadaan sya... Haist nakalimutan ko rin itanong kung ano na..."

"Chel... Kilala mo naman si Jovs... Puro dahilan nalang at minsan di na ginagawa... E kamusta naman kayo... Hindi parin ba sya nakakaalala... Yun lagi nyang sinasabi... Pero chel kinausap ko doctor nya... Sabi nga ni Doc... Posibleng hindi pa lahat... Pero dapat marami na syang naaalala ngayon... Hindi naman perwisyo si Jovs gawa nito pero iha... Ang inaalala ko... Ang pagsasama nyo... "

"Tita... Okey lang naman po kami..."sabi ko nalang at pinagsalin sya ng kape.

"Ayaw ko sanang sabihin ito... At last month pa kasi ngyari to... Pero... Di kasi ako mapakali... Kakaalis nyo lang sa bahay nun... Me pumunta na babae at hinahanap si Jovs.... Ano na nga bang pangalan non?" napaisip ito. "Ah... Si... Charo?"

"Si Charo po?" gulat ko sa kwento ni tita.

"Oo... Kilala mo ba sya Chel... Player din daw sya.... Tapos... " napapailing ito. "Alam nya ang sitwasyon ni Jovs na me memory loss ito... At sabi nya... Once bumalik ang alaala ni Jovs... Magkakabalikan sila! Susme... Nagalit talaga ako... Sabi ko di pwedeng mgyari yan... Kasi kasal na nga kayo!"

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit siguro ilihim pa namin, malalaman at malalaman rin nila.

"Chel... Sino ba yung babaeng yun... Di kaya naka drugs yon!"

"Tita...." sasabihin ko na ba?

"Chel.... Me alam ka ba? Kung hindi mo sasabihin, pano ka namin matutulungan... Hindi naman ako papayag na maging dehado ka porke't sa amin si Jovs... Pamilya na tayo... Kung nagloloko si Jovs... Hindi namim kukunsintihin..."

"Wala pa naman po kasing problema tita..."

"Wala pa ngayon? Pero me parating na problema? Tama ba? Gawa ito ng nakaraan ni Jovs!"

"A... Eh..." napapailing nalang ako.

"Sabi ko na nga ba! Nagloko na naman ang batang yon!"

"Ay tita... Hindi po..."

"Wag mo ng pagtakpan si Jovs... Masyado talagang malihim ang batang yan... Kahit noong una pa... Biruin mo... Di ko akalain kung sinong karibal ni Chris dati sayo... Hay! Si Jovs lang pala!"

 Aray ko po... Kelangan bang ibalik ang nakaraan?... Natawa nalang ako sa asta ni Tita.

"So ngayon... Sasabihin nyang wala... Pero meron pala... Bakit naman din sisipot ang babaeng yun sa bahay... Di naman sya mukhang kaladkarin at mukhang galing pa sa desenteng pamilya... Maganda rin... At possible ngang.... Naging sila ni Jovs?"

Bigla itong nanghina kaya napahawak sa ulo.

"Chel... Hindi ako papayag na... Na magkakahiwalay kayo ni Jovs ng dahil sa magandang babaeng yon!...oo... Di ko rin maitatangi na maganda sya... At me dating...pero... Me mga anak kayo... Wag na wag kang papayag!"

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now