4 months ago..."Babe... Mauna na kayo nila papa at mga bata sa batangas... Di ko nagawang tumangi sa last minute invitation ng BVR..." sabi ni Jovs ng naabutan ako sa banyo.
"Pero Jovs... Kala ko tinawagan mo sila kagabi?" alma ko.
"Ginawa ko yon... Kaso mapilit sila at di daw ako pwedeng mawala sa exhibition game... Di ko naman masabi na kasal nga natin ngayon at baka maintriga na naman tayo." paliwanag nito.
"E di sasamahan nalang kita... Mauna nalang sina tita belle dun..."
"Chel naman... Kelangan mong nandon... Para macheck mo yung venue at baka me kulang pa... Tutal gabi pa naman yung kasal natin... Umaga lang naman kami sa MOA, makakarating ako kagad... Kasabay ko naman sina Aby at Steph..."
"Tingnan mo... Kasabay mo pa yang ex mo!" inis ko.
"Ayan ka na naman..." kapit nito sa beywang ko. "Di ba sabi ko wag mo ng pagselosan mga exes ko... Mga abay natin sila..."
"Kasi naman eh..." ewan ko ba. Bakit ayaw kong mawalay sa kanya lalo na ngayon at ikakasal na kami mamyang gabi. "Jovs... Mag-iingat ka ha.. "
Siniil ako ng halik sa labi. "I love you baby... And I'm so excited na... Dala mo ba yung susuutin natin sa gabi ng pulot gata natin?" ngiti nito.
"Jovs naman... Yung wedding dress natin ready... Wag ka ng magdamit sa gabi..." at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Hahaha... Chel... Ito na talaga... My wife..."
------Biglang gumuho ang mundo ko ng tumawag si Aby at pinapapunta kami sa St. Patrick Hospital dito sa batangas. Kasama ko sina Papa at tita belle. Nakasunod naman sina ate tina at M9.
"Chel...." humahagulgol na si Aby ng maabutan namin sa ospital.
Mas tumindi pa tuloy ang kaba ko. "Nasan si Jovs... Ano bang ngyari...?"
"Nabangga yung sasakyan nya... " iyak parin nito.
Di ko na ito pinatapos at agad na kong pumasok sa kwarto. Naabutan namin ang nurse na ginagamot ang mga sugat nya at ang doctor na patuloy syang inoobserbahan. Andun rin si Steph.
"Doc anung ngyari sa anak ko?" tanong ng papa ni Jovs.
"Huminahon po muna kayo..." magalang na sabi nito. "Wag sana kayong mabibigla... Pero temporary lang naman ito... Wala kasi syang maalala... "
"Ano?" agad kong nilapitan si Jovs. Me bandage sya sa ulo at pasa sa braso. "Jovs... Jovs... " at niyakap ko sya.
"Anong ginagawa ko rito.. " mahinang sabi ni Jovs.
"Naaksidente ka..." sagot ng doctor. "Nakikilala mo ba sila..."
Tumango ito. Pero bigla syang natigilan ng matingnan ako. "Na-nakita na kita pero...pero..." napailing ito.
"Anak... Hindi mo ba sya maalala..." tukoy ni tita belle sa kin.
Naguguluhan ito. Kaya umiling nalang ito.
"You don't have to worry... Normal lang naman na nagkakamemory loss after an accident."
"Doc... Hindi ito ang unang pagkakataon na ngyari ito... " sabi ng Papa ni Jovs. "I hope you can run MRI and other tests necessary, or else ililipat ko na sya sa manila o kahit sa states pa. This is not happening again... I want results now.... " diin nito.
"Yes sir... Gagawin po namin lahat.."
-----
7pm.... Ito na sana ang gabi namin ni Jovs.. Pero heto kami... Nasa isang kwarto ng ospital. Wala akong magawa kundi pagmasdan sya habang natutulog.
"Jovs... " bulong ko dito at nilabas ko ang wedding ring namin. "Jovs... Sana bukas pagdilat mo... Maalala mo na kasal natin ngayon... Kahit tulog ka... Buong puso kong tinatanggap ang pag-ibig mo. Hinding hindi ako bibitaw... Til death do us part.... " at isinuot ko ang singsing sa daliri nito. At isinuot ko rin ang sa kin. "Jovs... Mahal kita... Mahal na mahal..."

YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........