Maraming nagsasabi na head over heels inlove daw ako ke chel. Kung isusulat nga ang buhay ko, puro si chel ang magiging bida sa puso ko. Talaga lang ha?Di ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si chel na nakasalang para sa PSL Fivb tryout. Sobrang kalog pala nito at nakakatuwang maglaro. Sobrang ingay at laging nakangiti. Sino ba nga ang di mabibihag sa kanya? Pati ako? Kaso....kaso pano ngyari yon?
Ngayon ko lang sya napagmasdan na me halong...halong pagnanasa? Hindi ah! Wala akong gusto sa kanya ano! Kaso kaloko pala ito at naghohop bago magspike. At kung mablock man, keme lang at nakangiti parin.
' Hay....bakit ang ganda mo???'"Uyyyy.... Tulo laway ..." biro ni royse at umupo sa tabi ko.
"Hindi ah..."
"Aysus... Sino ba kasing tinititigan mo dyan?...hmmmnnn... Si kim... Si mika.... Si aiza... "sabi nito na napapailing."Si Chel?"
"Nanonood ako...yun lang yun..."
"Pero nakangiti ka oh"
"Alangan naman nakasimangot ako!"
"Uyyyy....inlove na sya..." tukso nito at kinurot pa ako.
"Tantanan!"
"Yung ganyan...ganyang ganyan ang inlove!"
"Sinong inlove?" boses ni ate tina sa likuran namin.
"Hahaha... E di si Jovs!" tawa ni royce.
"Teka...kanino ka naman inlove? E me rachel ka nga!"
"Ate naman.... SL... E di ba ..."
"Ohhhh....OMG.... So it's like the first time....hahaha!" lakas ng tawa nito at napalakpak pa.
"Lam nyo kayo...lakas ng hinithit nyo...para kayong nakadrugs!" alma ko.
"Ayyy... Bakit ako kinikilig!" tili ni Royce.
"Break muna...." sigaw ni coach sammy sa mga players na nakasalang.Pawis ito ng napalingon sa min kaya agad na lumapit. "Ang ingay nyo..." tawa ni chel habang kinukuha ang towel nya sa bag nya.
"Alam mo na ba?" tanong ni royce ke chel.
"Ang alin?" ngiti nito.
"Si Jovs.... Si Jovs..." at bigla ko tong inakbayan sabay takip sa bibig nya.
"Hehehe... Wala... Loko to eh..." dahilan ko.
"Ano nga?" napamewang ito sa harapan namin.
"Si Jovs inlove!...Hahaha!" lakas ng tawa ni ate tina.
Napakamot nalang ako sa ulo."Ate tina naman eh..."
"Oh..." biglang taas ng kilay nito. "So inlove ka pala?"
Napalunok naman ako sa tono ng boses nya na parang galit.
"Oo... Nagdadalaga na si Jovs! Woot woot!" sabi ni royce sabay taas ng dalawang kamay nya.
"Hindi lang basta inlababo... May halong kilig pa!" biro ni ate tina at sabay hinawakan balikat ko.
"Hi-hinde....nagloloko lang sila..." at hinawakan ko kamay ni chel at parang... Ewan at nagseselos ba sya?
Biglang kalas nito sa kamay ko. "Umayos ka...." diin nito.
Di mapigilan ni royce ang tawa nya. "Hahaha.... Kinikilig talaga ako!"
"Chel.... Nagseselos ka ba?" nakakalokong tanong ni ate tina at halatang matalim na kasi ang tingin ni chel sa akin.
"Hinde!" tangi nito pero halatang galit na.

YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........