Part 19

728 13 0
                                    


 


"Baby pat... Wag na sakay sa likod ni Mama... Sasakit likod ni mama..." saway ko ke Pat na nakikipaglaro ke Jovs.

"Hayaan mo lang..."sabi nito na nakaupo sa tabi ko.

"Mama... Mama... Supergirl lipad!" tili ni Pat.

"Pat... Tama na... Jovs ano ba! Tama na yan... Kagabi nga aaray-aray ka!" saway ko ulit.

"Ibang aray naman yun babe..."ngiti nito sabay hinila na nito si Pat at kinarga nalang. "Punta ka na ke ate Jaz o... Play ka with ate Tin dali..." at sumunod naman ang bubwit at nakipaglaro sa mga teammates namin habang nakaupo sa gitna ng court.

"Jovs... Wag ka nga laging nagpapasakay sa likod mo... Me pasa ka pa nga sa tagiliran." sabi ko at hinimas ang likod nito.

"Hmnnn... Baby ko..." at humarap ito. "Pakiss nga.." biglang nakaw halik ito.

"Jovs..." pigil ko rito ng hahalik ulit.

"Sweet nina mommy o!" ngiti ni Tin at hawak hawak ang dalawang bubwit. Bigla naman nagpakarga si Pat ke Jovs. "Totoo na ba yan."

"Ang alin?"

"Mommy... Where's my doll... Si Sloan?" singit ni Jazz.

"Yan sweetness nyo..." tukso ni Tin.

"Totoo to no... Ano ka ba?" agad na sagot ni Jovs.

"Hmmnnn... Buti naman... Hahaha.. Kaya pala halatang halata sa mukha ni ate chel.."

"Halata sa mukha ko pala ha!" kurot ko rito.

"Mommy... Where's my toy!" kulit ni Jaz.

"Jovs... Nadala mo ba yung toy nyan?"

"Jaz... Di natin nadala... "sagot nito.

"Why! I told you to bring it!" sigaw nito.

"Pssstt... Stop it!" inis ni Jovs.

"Shhh... Shhh... Tama na..." at hinila ko nalang si Jaz at kinandong ito. "Baby... Nakalimutan lang... Mamya ka nalang maglaro sa bahay ha."

"But mommy I want my toy!"

"Shhh.... Uuwi na naman na tayo..." alo ko dito.

"I want my toy now!"

"Stop it Jazz... Sa susunod di ka na talaga isasama dito." biglang uminit ulo ni Jovs. "Tara na nga... Uwi na tayo." agad tumayo ito.

"Jovs...." hila ko sa kamay nito. "Okey na..." mahinang umiiyak na si Jazz sa balikat ko. "Hindi na galit si mama."

Ganito si Jovs ngayon, mabilis uminit ang ulo sa mga bata lalo na pag pagod.

"Ito naman si Jovs oh.." biro ni Tin at hinampas si Jovs. "Halika na nga muna Jaz... Pinaiyak ka ni Mama..." at kinarga nito si Jaz at inilayo muna.

"Jovs... Wag naman ganon... Natatakot sayo yung bata..." hawak ko sa balikat nito.

"Chel... Binibaby mo pa kasi kaya tigas ng ulo..."

"Jovs... Baby pa naman si Jazz..."inakbayan ko na ito at mukhang lalo pa atang uminit ang ulo. "Baby ko talaga... Hmnnn... Humanda ka sakin mamya..." bulong ko dito.

Napangiti ko rin ito. "Tara uwi na tayo..."

"Ikaw ha... Kunin mo muna si Jazz... Lagi na yun nagtatampo sa yo." sabi ko dito habang nilalaro si Pat. "Sige na..." at hinalikan ko ito sa pisngi para sumunod na.

-----

"Ya.... Si Jovs?" hanap ko rito matapos kong maligo.

"Lumabas... Me bibilhin daw sa 711... " sagot ni manang fe.

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now