Minsan hindi ko alam kung pano sisimulan. Lalo na sa mga bagay na minsan hindi ko inakalang magagawa ko pala. Kadalasan me pag-aalinlangan.... At ngayon puro takot ang bumabalot sa isipan ko. Ano nga ba talagang nagawa ko?Simula ng marinig ko ang pag-uusap nila, di na ko mapalagay. At simula ng araw na yon, iba ng tingin nya sa kin. Na para bang me gusto syang itanong, pero di nya magawa. At unti unti syang lumalayo....
"Jovs...." tawag ni ate tina. "Tara na... Magstart na game natin."
Napalingon nalang ako. Dati rati, sya ang tumatawag sa kin. "Sige ate... Sunod na ako..."
"Jovs okey ka lang?" tanong ni Royce habang nakatayo kami sa gitna ng court. Ngayon kasi iaannounce ang unang dalawang players na makakasama sa magnificent 7.
"Ha? Okey lang ako..." sabi ko nalang. Kung ang iba kinakabahan sa paghihintay kung kaninong pangalan ang tatawagin, ako naman di mapalagay sa nararamdaman ko. Kung kelan unti unti na akong nahuhulog sa kanya, sya naman ang lumalayo.
"The first player who will be joining the PSL all star team is no other than..... Jovelyn Gonzaga!"
"Jovs ikaw!" tuwa ni Royce at iba pang kasamahan namin. Ano nga bang dapat kong maramdaman?
Lumapit nalang ako ke sir Tats at coach sammy para abutin ang golden ticket. "Thank you po... "
"And our second player who will join Gonzaga this October Fivb tournament....is from RC Cola... Rachel Anne Daquis!"
Tumigil ang mundo ko ng mapatingin sa kanya. Halos ayaw nyang kumilos ng marinig nyang tinawag ang pangalan nya. Hindi mapinta sa mga mata nya ang saya...kundi lungkot ang bumalot sa mukha nya.
"Bakit...bakit po ako, Sir..." rinig ko rito na tinanong si sir Tats.
"You deserve this chel!" ngiti nito at pinasuot na ang golden yellow jacket.
Di narin magkamayaw ang mga photographer at sunod sunod na kami kinuhaan ng picture.
Napatingin sya sakin na nakangiti. At bigla akong niyakap ng mahigpit....
-----
Matapos naming talunin ang Standard insurance, ininterview kami ng mga press kasama si coach kungfu. Nakatingin lang ako sa kanya habang naiiyak syang nakikipag-usap sa mga press. Hindi ko akalain na sobrang tindi na pala ang pangbabash sa kanya ng mga bitter na fans at kinukwestion ang pagkakapili sa kanya para makasama sa magnificent 7. At heto ako, dagdag pa sa problema nya.
"Chel..." at hinawakan ko ang kamay nya ng makaalis na ang mga press. "Wag ka ng mag-alala, papatunayan natin na mali sila.."
Papatunayan ko rin sayo....na..na...shocks! Bakit parang nanghihina ako...
"Jovs... Oo naman.." at tumayo na ito.
"Chel..." pigil ko ng paalis na sana ito. "I... I.... Lov...."
"Jovvvss!"
At nagdilim na ang lahat....

YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........