Part 9

728 16 1
                                    


 


Chel's pov

Ako nga lang ba? O talagang hibang lang ako para isipin na ibang iba si Jovs ngayon. Oo... Sobrang miss ko ang dating jovs... Ang Jovs na malandi pag kami lang dalawa... Medyo bastos pero super lambing... At hindi humihiwalay sa kin pag natutulog kami...kahit pa minsan nagkatampuhan kami pero paggising ko, nakayakap na sa kin.

Si Jovs ngayon.... Si Jovs... Ibang iba. Matapos naming magsex kagabi, agad akong kinumutan at madaliang nagsuot ng damit. Ni hindi man lang ako niyakap kagabi. At ngayon tulog parin pero nakatalikod sa kin. Si Jovs nga ba ang katabi ko? Ang pinakamamahal kong Jovs....

Bumangon nalang ako kesa hintayin pa syang magising. Wala naman akong mapapala... Kahit man lang sana yakap pero asa ka pa.

"Hi babies..." bungad ko sa dalawa na kasamang kumakain nila tita belle at papa. "Morning po."

"Halika na at saluhan mo kami..." aya ni tita belle. "Musta naman tryout nyo kagabi? Sobrang pagod kaya ba tulog pa si Jovs?"

"Ah... Opo..." sabi ko nalang. Hindi naman kami napuyat at parang first time kagabi ni Jovs.

"Iha... " baling ni papa."Si Jovs... Kamusta naman... Kelangan na pala natin dalhin si Jovs sa states...para gumaling na sya... Siguro naman ngayon marami na syang naaalala di ba?"

"Po?... Hindi ko po masabi kung me naaalala na nga sya... Minsan kasi.." napayuko nalang ako."Sinabi nyang ayaw nya ng maalala yung nakaraan..."

"Ano?... Ayaw na ba nyang gumaling? ..." pag-aalala ni tita belle. "Hindi kaya malala ng lagay ng anak natin papa?"

"Hindi naman siguro..." sabi ni papa at hinawakan ang kamay ni Tita belle. "Pero kayo... Okey naman ba kayo? E yung laro nya? Nagbago rin ba?"

"Magaling parin po sya...yun po naman ang hindi nagbago.."sabi ko."Okey naman po pagsasama namin... " kahit halos magdugo puso ko sa tuwing maiisip kong ayaw ng alalahanin ni Jovs na mahal nya ako.

-----

"Nakaready na ba gamit mo?" sabi nito ng maabutan akong nagtotoothbrush sa banyo.

"Ready na.. Alis tayo ng 10am.. Me practice muna bago pumunta sa Arena."

Pansin ko dito parang kanina pang di mapakali at kung ano ano lang ang tinatanong.

"Jovs..." lapit ko dito at hinawakan kamay nya. "Okey ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?"

"Ha... Wala..."

"Jovs... Di ba sabi ko naman... Sabihin mo lang sa kin at makikinig ako.."

Napayuko ito na napapailing. "Nagising ako...kanina...tapos naalala kong pinaasa pala kita..." naiiyak ito.

"Jovs..." at hinawakan ko ang mukha nito. "Hindi mo ko pinaasa... "

"Hindi....dalawang beses na kong hindi tumupad sa usapan... Yung huli...sinadya ko... Sinadya kong hindi dumating sa kasal natin..." hikbi nito.

"Jovs... Ano bang sinasabi mo? Naaksidente ka non... Nabanga ang sasakyan mo non.. "

"Hinde... Bago pa ngyari yon!" napaluhod na ito. "Kasalanan ko... Dahil... Dahil gusto ko sana...kahit minsan lang....maramdaman ko na maging malaya...yung feeling na i was invincible..."

"Jovs ano bang sinasabi mo..." napaluhod narin ako.

"Nagdrive ako ng nakainom... At sa...sa sobrang bilis.... Hindi ko napansin yung truck... Pi-pilit kong umiwas...pero huli na...  Tapos naalala kita.... "

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now