Part 10

742 15 1
                                    

San Juan Arena

315pm....

"Oh... Warm up dance muna!" aya ni Jesse habang nasa dug out kami.

"Si Jovs...asan..." pansin ni tin.

"Tawagin ko lang.." sabi ko at pumasok ako sa me dressing room. Naabutan ko nga si Jovs na nakaupo sa bench at malayo ang iniisip.

"Jovs...." lapit ko dito at umupo ako sa harapan nya."Okey ka lang ba?"

"Ah?" gulat nito ng biglang sulpot ko."O...oo..."

"Jovs...kalimutan mo nalang muna yung naalala mo okey." sabi ko. Kahit hirap man tanggapin ang pag-amin nya kanina. Kelangan ko paring maging matatag.

"Kasi...hin-hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa ginawa ko sayo chel...."

"Shhhh...." hawak ko sa mukha nya." It doesn't matter.... What matters now is that you are here with me..." kahit halos mapiga ang puso ko pagkasabi ko non.

"Ang gago ko lang kasi..."

"Jovs...." at siniil ko sya ng halik. "I love you... At hindi magbabago yon." at inilapat ko ulit ang labi ko sa labi nya.

"Oppsss...hopia..mani..pop..Sorry..." napaatras si Jesse na papasok sana.

"Okey lang..." at napangiti nalang ako.

"Warm up dance na kasi..."

"Ay oo nga pala!" tawa ko at hinila ko na si Jovs.

------

Isang oras at kalahati lang, tapos namin ang game in straight sets. Wala na nga talaga akong masabi ke Jovs. Kala ko maapektuhan ang laro nya sa naalala nya kanina.. Pero minadali pa nitong tapusin ang game. At pareho pa kaming MVPs.

"Iba na talaga gonzaquis! Umaarangkada na naman!" tuwa ni tin ng matapos kaming interviehin.

"Dapat lang kasi... Ehemm... Me ganap na!" tukso ni royce at pareho pa kaming inakbayan nito.

"Hopia kayong mga bitter dyan na walang lovelife!" tawa ni ate tina.

"Hahaha...te chel...gaano karaming hopia pinakain mo ke Jovs!" biro ni Jesse.

"Tse... Magsitigil nga kayo!" tawa ko rin.

"Uy me dinner daw!" sigaw ni tin.

"Yes! Busog na naman!" sigaw ng karamihan kaya nagmadali ng magsipagbihis.

"Sis!" bati ni Abby ng pumasok sa locker room. "Congrats!"

"Uy nanood ka pala..." yakap ko dito at nauna ng maligo si Jovs at ang iba naman ay nakaligo na at inaayos nalang bag nila.

"Syempre naman...pinanood ko lang ang matinding makakalaban namin.."

"Gurl dito nga tayo sa me loob.." aya ko dito at sa me shower room sya umupo. "Namiss kita."

"Miss you more sistah..."

"O... Ikaw na..." ngiti ni Jovs ng makalabas sa shower.

"Hoy jovs... Walastik ka talaga kanina...Di ka man lang pinagpawisan."

"Di naman..." ngiti nito at pumasok na muna ako ng shower.

"Di daw... You're back in your A game... Superb!... I'm sure makakasama ka sa FIVb..."

"Well... Sana..."

"Anong sana?" labas ko sa shower na nakatapis. "Kasama ka talaga babe..."

"Jovs.... Tapos ka na ba? Tawag ka ni Coach... Ate chel... Sunod kayo sa dinner?"sulpot ni Jesse.

"Oo..." ngiti ko. Nagmadali na rin si Jovs.

"Kita nalang tayo dun... Si Gen Trias siguro yun..." lapit nito at hinalikan ako sa pisngi. At nagmadali ng lumabas.

"Sure babe...."

"Ayy... So you two are okey na talaga! That's good!" pansin ni Aby.

Umupo nalang ako sa tabi ni Aby habang inaayos ang shoes ko. "Siguro..."

"Gurl..." at dalawang kamay hinawakan balikat ko para makaharap sa kanya. "Wait.... Don't tell me... Bakit malungkot parin mga mata mo?"

"Sis... Honestly... Hindi ko alam... I'm happy na okey na si Jovs... Pero hindi ko lang maintindihan na everytime na me naaalala sya... Parang ewan... Parang natatakot akong malaman pa..."

"Gurl... Bakit ano ba naman ba naalala nya?"

"Kanina... Naalala nya yung aksidente... Sinadya daw nyang di sumipot kasi... Kasi gusto daw nya maging malaya nung time na yun.. Nagdrive sya ng lasing..." napapailing nalang ako. "Anong ibig sabihin nun? Napressure ba sya sa kasal namin... Eh in the first place...sya naman nag-aya... "

"Gurl... Baka naman di ganon ang ibig nyang sabihin dun... I didn't see her na nakainom that time.. Remember sabay sana kami di ba... After nung BVR exhibition nung umaga...kaso si Steph me dala palang car kasi kelangan daw nyang umuwi ng maaga the next day.." kwento nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Uhmmm..." biglang natigilan ito. "Chel... I guess we don't need to talk about this na... Besides, Okey na si Jovs..."

"No... I need to know! Nahihirapan ako... Hindi ko alam kung bibitaw ba ako.. I miss the old Jovs... I miss her so much... " nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"But sis..." alo ni Abby.

"Ibang iba si Jovs... Sa tingin nyo... Yes she's doing great... Pero asawa ko sya... She's not the person I used to love... Lagi syang me reserves... Parang nag aalangan lagi sa mga kilos nya... So please tell me... "

"Okey... But hindi ko lang sure kung ano rin kasi nangyari... 2nd game kasi sina Jovs nun versus Charo ang micek.. At dahil me dalang car nga si Steph. Convoy nalang kami.. After ng game ni Jovs.. Para nga maaga pa bago pa sa oras ng kasal nyo sa gabi. Steph and I were waiting at the parking lot... Sa car ni Steph... Tapos ng game ni Jovs kaya nauna na kami. I tried to call Jovs.. Kaso out of reach phone nya.."

"Tapos..."

"Naglakad lakad ako sa me parking at baka makita ko car ni Jovs..." at natigilan ito. "Chel..."

"Tell me what happened next..."

"I heard Jovs voice... Kaya lumapit ako sa me Van.. Andun sila sa kabila... Tinted yung van so hindi ko makita kung sino yung kausap nya... Natigilan lang ako... Dahil parang nag-aaway sila..."

"A-anong pinag-aawayan nila?" agad kong tanong.

"Hindi kasi clear... But it was something na ngyari... Nagmumura yung girl na kausap nya... Parang sabi nya pinaasa?"patuloy nito. "Humakbang ako ulit kaso napansin na ako ni Jovs..."

"So nakita mo yung girl?"

"Hinde... Biglang tumakbo ng palapit ako.. Pero yung boses nya familiar... Yung tono... Kasi..."

"So hindi mo man lang napansin yung kulay ng hair..ng damit..."

"Sis... Ke Jovs ako napatingin kasi...kaya di ko napansin yung gurl... Gulat na gulat kasi si Jovs... Parang guilty pero syempre hindi siguro ganon..." bawi nito.

"Teka... Me babae si Jovs bago kami ikakasal sana?" napataas boses ko.

Kreeekkkk....

Me tao... Pareho kaming natigilan ni Aby.

"Chel" boses ni Jovs. "Sabi ko na nga ba andito pa kayo... Tara na... Hinihintay na nila tayo..."Lapit nito at hinila kamay ko.



 


 

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now