Part 17

623 10 1
                                    


 


Chel's pov

Isang gabing nakakapagod na naman at buti nalang nanalo parin kami laban sa Foton. Ang pagkakaiba na nga lang ngayon, hindi na kami sabay umuwi ni Jovs.

"Te tina... Sabay ako.. Sa quarters ako matulog..." rinig kong sabi ni Jovs matapos kong makapagbihis.

"Ha?" biglang napatingin sa kin si ate tina. "A ok..."

Minabuti ko nalang na di umimik at lumabas na si Jovs.

"Chel...." boses ni ate tina sa likuran ko. "Me problema ba kayo ni Jovs?"

"Ah... Eh ate... Umuwi muna kasi ako sa condo kasama mga bata..."

"Ayaw ko sanang makialam kasi di naman naapektohan performance nyong dalawa... Pero... Alam nating pareho na hindi pa tuluyang magaling si Jovs..."

"Okey na ako ate..." biglang sulpot ni Jovs. "Kung ayaw nyo ako sa barracks matulog... Pwede naman akong umuwi nalang sa bahay..."

"Jovs hindi sa ganon... Mas mabuti kasi...."

"Naiintindihan ko..." di na pinatapos ni Jovs si ate tina. "Okey na... Salamat..." biglang lumabas nalang ito ng locker room.

"Jovs..." habol ko dito. "Sandali..." kapit ko sa braso nito.

"Chel... Okey lang..." giit nito. "Hindi mo ako obligasyon... Uuwi na ko kina papa..."

Nanikip naman dibdib ko. Kaya niyakap ko nalang ito ng mahigpit. "Please... Sa condo ka na umuwi..."

"Chel..."

"Hinahanap ka naman ng dalawa... Sabi ko sa kanila na kasama kitang uuwi ngayon..."

"Hindi yan totoo... Hindi mo kelangang isakripisyo ang sarili mo..."

"Jovs... Please..." hawak ko sa mukha nya. "Hindi ako napipilitan... Gusto kong sa condo ka umuwi."

Napabuntong hininga nalang ito. "Ikaw bahala..."


------

Matapos kong makapagbihis, naabutan ko si Jovs na mahimbing ng natutulog sa kama. Kaya kinumutan ko nalang ito at nahiga narin sa tabi nya. Sinulyapan ko ang maamong mukha ni Jovs, bakit ba ako ang bumibitiw ngayon? Ako dapat ang mas nakakaunawa sayo.

Kaya agad akong yumakap sa kanya.

"Hmmm..." napadilat ito. "Baby..." at niyakap rin ako. "Sorry ha... Patawarin mo sana ako..." at napapikit nalang ito dahil sobrang antok na.

------

Kahit lingo, hindi parin tapos ang trabaho. Me photoshoot naman. Kaya si Jovs muna ang naiwan sa dalawa at nagday-off din ang dalawang yaya. Buti rin at supportive sila tita belle at nagawang ipasyal sila sa mall ngayon.

"Te chel..." bati ng pamilyar na boses.

"Aly?... Uy congrats... Nakabalik na pala kayo... " sabay yakap sa kanya. "Nu ginagawa mo dito."

"Kaw talaga, syempre magkasama tayo sa ads.." ngiti nito.

"Ay sori naman... " natawa nalang ako.

"Ate... Teka.. Si Jovs nga pala... Okey na sya?"

"Ah... Oo naman..."

"Sure? E di ba nakipaghiwalay ka sa kanya..."

"Ah... Pano mo nalaman? Pero hindi ko rin natiis at kasama ko na ngayon sa condo..."

"Tumawag kasi sya sakin kahapon ng umaga... Umiiyak nga..."

"Ha... Umiiyak?"

"Oo... Ate... Kasi pinaghihinalaan mo daw sya... Yung ke Charo..."

"So alam mo rin?.. So totoo ba na naging sila?"

Napakamot nalang ito sa ulo. "A... Eh... Ate wala namang ganon... Hinde... " paligoy ligoy nito.

"Diretsahin mo na nga ako... Naging sila ba? At naaalala na ba ito ni Jovs kaya tinanong nya sayo?"

"Hindi nga nya naaalala pa... Kaya nya tinanong sa kin..." paliwanag nito. "Walang naganap kasi... Di naman sya gusto ni ate charo..."

"Anong ibig mong sabihin? Si Jovs ang me gusto sa kanya?"

"A...eh... Ate kasi... Nagsimula lang naman yun sa biro... Pero hindi nga naging sila! Yun lang yon... Kaya wag ka na sanang mabahala pa..."

"Aly, kung hindi naging sila... Bakit sila nag-aaway sa parking lot ng MOA? Bakit nila kinakailangan mgkita at mag-usap dun?"

"A...alam mo yun?" gulat nito.

"Tingnan mo... So ikaw alam mo rin yun!... Aly... Alam kong mas malapit ka ke Jovs at sya ang kakampihan mo... Pero pinipilit kong buuin ang pagsasama namin... Kaso nasasaktan ako na me ginawa na namang kalokohan si Jovs bago kami ikasal noon... "

"Ate... Does it matter now? Hindi nga maalala ni Jovs... Ate she needs you... "

"Sinasabi mo bang mas mabuti dahil hindi nga makaalala si Jovs! Ano ba? Aly... Please... "

"Ate...kasi.... Oo mas mabuti nga ring di maalala ni Jovs ang nangyari... " napapailing ito. "Dahil.... Dahil baka....baka... "

"Aly...." pilit ko.

"Ate... Sa totoo lang... Sana di ko nalang din to nalaman... Kasi ayaw kong magsinungaling sayo... Maniwala ka... Nagalit at inaway ko rin si Jovs..."

"Ano nga kasi..."

"Kung yung ibang mga ex nya... Si Wensh, Cha at Steph... Wala talagang gusto si Jovs sa kanila... As in... Naipit lang sya... Parang napikot... Pero maniwala ka... Walang ngyari sa kanila ni ate charo... Kaya kong patunayan yon... Pero ke ate charo kasi... "

Halos di na ko makahinga sa mga sasabihin pa ni Aly.

"Ke ate charo kasi... Sya mismo... Si Jovs.... Nainlove sa kanya..."

Halos pinagbagsakan ako ng langit at lupa, sinamahan pa ng kulog at kidlat sa hapdi ng nalaman ko. Buong akala ko... Ako lang .... Ako lang ang mahal ni Jovs at hinding hindi na sya iibig sa iba.

"Sinabi ba nya yon?" ayaw ko paring maniwala."Habulin si Jovs... Hindi sya magkakagusto sa iba..."

Tumango ito. "Nakita ko sila mismo... Inaaway sya ni ate charo dahil... Dahil ayaw syang tigilan ni Jovs... Nagmamakaawa si Jovs sa kanya...  Kaya ako na nga mismo ang lumapit ke Jovs at inaway ko sya... Dahil sabi ko... Ikakasal ka sa araw na to bakit nya ginagawa yon... Hindi ko sya maintindihan nung time nayon.. Pero binalewala nya ako... Sabi nya wag daw akong makialam... Kaya nilayasan ko sila... At di nga ako sumunod sa kasal nyo sana... Hangang sa nabalitaan ko nalang na naaksidente sya... "

Napaupo nalang ako at napahawak sa ulo. Ang sakit pala ng ganito na malaman mong me iba ng tinitibok ang puso nya...

"Ate chel... Alam ko mahirap... Kaya nanahimik nalang din ako... Oo... Dahil mas inisip ko si Jovs dahil sa kalagayan nya ngayon... At kung malaman mo man... Sigurado akong iiwan mo sya... Sorry ate... "

Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Ayaw ko na... Tama na... Ngayon ko na napagtagpi tagpi ang mga pira pirasong naaalala ni Jovs. Inamin nyang sinadya nyang di sumipot sa kasal... Dahil sa me napupusuan na pala syang iba...

"Ate... Hindi naman ibig sabihin non, hindi ka mahal ni Jovs... Ikaw ang mahal nya... Sa katauhan nya ngayon..."

"At pag nakaalala na sya... Ako parin ba ang mamahalin nya?"


 

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now