Chel's povMatagal kong pinagmasdan si Jovs na natutulog katabi ang dalawang bata. Sobrang namiss kasi nila ang isa't isa.... Namiss rin kita Jovs... Ayaw ko na munang mag-isip.. Ang mahalaga, nakabalik ka na. At yung kasama mo? Haist... Chel... Erase... Erase...
Kaya lumabas na ako ng kwarto.
"O... Si Jovs... Di na ba lalabas..." tanong ni Aly na nakaupo sa me kusina.
"Nakatulog na... Napagod sa byahe..." sabi ko at naupo ako sa harapan nya.
"Okey ka naman?"
"Oo naman... "
"Mukhang hindi eh.."
"Ano ka ba?" alma ko. "Okey lang ako... At gagawin ko lahat... Kasi mahal ko sya... Kasi mahal ko sya... Kasi mahal ko sya!"
"Paulet ulet talaga?" natawa ito. "Kumbinsihin ba ang sarili."
"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya...." matamlay kong sabi. "kahit hindi sya sumipot noon..."
"Ate... Alam mo naman kung bakit di ba... "
Tumango nalang ako. "Kahit masakit... Kasi nga mahal ko sya... Kasi mahal ko sya... Kasi..kasi..." at di ko na napigilang maluha.
"Ate naman... " alo nito. "Wag mo nalang isipin... Parang movie lang... Di ba..."
"Oo .... Parang movie nga lang... sobrang pait... Sobrang sakit... Lahat na siguro ng sobra... Nasa akin na. Biruin mo kasama ko na ulit si Jovs..... Pero na sa akin ba ang puso nya?...."
"Ate... Pupusta ako... 100% sayo ang puso ni Jovs."
-----
"Chel, hahatid ko na mga bata..." sigaw ni Jovs mula sa sala kaya lumabas na ako ng kwarto.
"Sige... O Jaz... Yung baon mong sandwich... " bilin ko.
"Okey na ate..." sagot ni yaya habang inaayos ang bag ng dalawa.
"Teka... Bakit parang lukot naman palda ni Pat..." pansin ko.
"Chel... Okey lang yan... Likot kasi.." sagot ni Jovs at hinawakan na si Pat.
Kaya hinalikan ko na ang dalawa. At hinatid sila sa pintuan.
"Nga pala... Baka gabihin ako ng uwi... Me lakad pa kasi kami ni...ni Steph.."
"Ah... Jovs..." habol ko dito.
"Sige alis na kami..." biglang iwas nito at naglakad patungong elevator.
Ganito nalang ba lagi...
------
"Jovs... " tawag ko dito na nakaupo sa sala at nanonood ng Tv. "Gabi na... Matulog na tayo..."
"Chel... Hindi ko kasi maintindihan..." mahinang sabi nito.
"Ang alin?"
"Kung bakit ako narito.... Sabi mo... Kasi mahal kita..." naguguluhang sabi nito.
Natawa nalang ako. "Oo... Kasi mahal mo ko at mahal kita..."
"Pano nangyari yon?"
Parang sinaksak naman ako sa narinig ko. Gusto ko sanang magwala... Magsisigaw... At kung bakit ako pa? Ako pa talaga!
"Hahaha..." biglang tawa nito. "Joke lang... Syempre naaalala ko na... Araw araw natin pinapractice yon di ba."
Napatingin nalang ako. Bakit masama magbiro ang tadhana?
"Tulog na tayo!" agad tumayo ito at umakbay sa kin. Hindi ko tuloy malaman kung acting lang ito o talagang nakakaalala na sya.
Mariin kong sinara ang pintuan.
"Jovs... Magsabi ka nga... Naaalala mo na ba?" hinarap ko sya.
"Naaalala ko kung minahal nga kita?" napailing nalang ito. "Siguro?"
Napakapit nalang ako sa noo ko. "Hayaan mo na... Matulog na tayo..."
Nauna syang humiga sa kama. At nakatalikod ito.
"Goodnight jovs..." sabi ko ng makahiga narin ako.
"Maganda ka parin chel..." lingon nito.
"Hah?"
"Camera ka ba?"
"Jovs!"
"Kasi you always make me smile..."
"Haha... Corny mo ha!" natawa nalang ako.
"Naalala ko na..." bigla itong humarap sa kin. "Nagamit ko na yang pick up line nayan sayo... Di ba?"
Napangiti nalang ako. "Wag ka na masyadong mag-isip... Wag mong pilitin ang sarili mo... Sige na... Matulog ka na..."
"Chel... Gusto kong maalala... Gusto kitang maalala... "
"Jovs...." dama ko ang hirap sa kalooban nito.
"Chel..."
"Shhhhh..." lapat ko ng daliri ko sa bibig nya. "Sabi ko diba... Wag mo na munang pilitin... Kahit anong mangyari... Kasi mahal kita... Mahal kita.. Mahal na mahal..."
Dahan dahan nitong nilapit ang labi nya sa labi ko. Dama ko ang init sa halik nya kaya agad akong tumugon at hinawakan ang pisngi nya.
"Hmmmnnn... Jovs... " diin ko sa labi nya at pareho kaming sabik na sabik kaya agad akong pumatong sa kanya..
"Ch-chel... Teka..." pigil nito.
"Ba-bakit?"
Napahawak nalang ito sa ulo nya. "Sorry.... Sorry..."
"Jovs..." kaya umupo ako at niyakap nalang sya. "Okey lang.... "
"Sorry..."

YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........