Part 5

728 15 0
                                    


 


Ugghhh... Umaga na pala. Gusto ko pang matulog.

"Hmmmnnnn.... Morning baby..." at sumiksik ito sa leeg ko. Hmnnn... Ang bango naman nito.. Takte!

Napalunok nalang ako. Teka... Oh my.... Asan ako? Shet.... Sino nga to?.... Aahhhhh...

Kaya napaupo nalang ako. Shocks! Wala akong damit!

"Jovs..." biglang nag-alala ito. "Jovs okey lang.... Nangyari na to..." at pinigilan akong tumayo.

Nakita ko na sya.... Pero... "Oo...." at tumayo parin ako at itinapis ko ang kumot. Palinga linga ako... Asan... Asan... Kumaripas na ko papuntang bathroom.

"Jovs... Jovs..." katok nito sa labas.

Gulat ko na ang bumungad sa akin ay mga pictures na nakadikit sa salamin. Pictures ng mga tao... At me nakasulat na pangalan...

"Rachel.. O chel... Love ko..." isa isa kong binasa. "Jaz... Si panganay ... Pat... Si bunso... Pictures naming dalawa?... Aba... MVP ako?"

"Jovs... Jovs... " katok parin nito kaya pinagbuksan ko nalang. "Baby... Saglit lang yan... Maaalala mo rin mamya...." kumbinsi nito. So ibig sabihin.... Ilang beses ng ngyari to?... Na nagigising ako na walang ala-ala.... Ganon? Araw-araw....

"Maligo ka nalang muna... Bago tayo magbreakfast..."

Nakita ko na nga sya... Hindi ko nga lang maalala... Loko... E wala nga kong maalala ehh...

Inakay nya na ko sa shower pagkaalis nya ng kumot na ginawa kong tapis. Putcha... Parang sanay na sanay syang hubaran ako....

"Jovs... Paliliguan na kita..." sabi nito at inalis na rin ang suot nyang nightie. At sinamahan ako sa shower.

Napalunok nalang ako ng makita kong ang super sexy nyang katawan. Hayup naman sa puti ito...

"Eh... Teka.... So madalas mangyari to?" gulong gulo parin ako dahil ba sa hindi ako makaalala? O dahil naiilang ako at pareho kaming nakahubad sa shower. Nakupo!

Ngumiti ito. "Oo... Madalas..." nakuryente ako ng bigla nya akong hinalikan sa labi.

Napaatras ako at napahawak ako sa pader. "Bakit mo ginawa yun?....Talaga bang ikaw at ako?" sabay turo sa picture na nakadikit sa salamin.

Natigilan ito. Bakas ang lungkot sa mga mata nya. Hindi na sya umimik at binuksan nalang ang shower...


-----

"Eto pala bag mo..." abot nito sa kin matapos kong makapagbihis. "Sumunod ka nalang sa labas para makapagbreakfast na.Aasikasuhin ko lang yung dalawa at papasok na sa school." at lumabas na ito ng kwarto.

Napaupo nalang ako sa kama. WTF**** kalma ka lang. Binuksan ko nalang ang bag at nahagilap ko ang isang notebook.

Diary? Diary nino? Diary ko???? Shet.... Nakasulat ang date at time at kung sino at ano ang naalala ko sa araw na yon. Matindi na ba talaga ang sakit ko at kelangan kong balikan lahat ito para makaalala ako.

June 7... Naalala ko paboritong ice cream na double dutch ni Pat at binili ko sa convenience store....

June 8... Si Jaz... Ang nagpaalala sa kin nun na mahal ko si chel... Bago sya pumunta ng Germany...

June 10... Nakausap ko si chris at naalala kong naging karibal ko sya sa puso ni Chel. At ako pa ang naging tulay nya noon.

June 13... Sa san juan arena... Hinalikan ko si Chel... Dahil naalala ko yung break up sex namin sa CR.

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now