Chel's povNagmadali na akong umuwi matapos naming talunin ang Petron. Di na ako sumama kina Jovs para manood sa SVL. Dahil me kelangan akong gawin. Sasamantalahin ko na habang wala pa si Jovs.
Nagmadali na akong kunin ang maleta at makapag-empake na. Sinabihan ko narin si Yaya na ayusin narin ang gamit nung dalawa at kelangan naming makaalis ngayong gabi. Umalma man si Tita belle ng malaman nya ang plano ko, hinayaan narin nya ako.
Beep.... Beep...
Di ko naman cellphone yun.
Beep... Beep...
Teka nga..mukang galing ang tunog dito sa isang bag ni Jovs.
"Takte... Yung relo lang pala.. Nakaalarm." sabi ko. Pero bakit me notebook dito si Jovs.
Dahan dahan ko itong binuksa at binasa. Omg... Bigla naman akong nghina sa nabasa ko. Sinusulat pala ni Jovs ang mga naaalala nya sa araw araw. Hindi ko akalain na gagawin nya ito dahil sabi nya, gusto na nyang di maalala ang nakaraan. Pero... Bakit parang nag-iba na simula last week ang sinusulat nya. Binasa ko ang sinulat ni Jovs.. Kahapon lang ito..
'Ganito ba talaga tumibok ang puso? Kahit hindi mo naaalala kung pano naging kayo, kusa paring tumitibok ang puso mo sa kanya? Pero hindi ko alam kung papaano ko ipaparamdam na tuluyan na nga akong nahulog. Hindi ko alam kung pano tutumbasan ang dating pag-ibig nila... Sa dating katauhan ni Jovs. Alam kong mas pipiliin nyang makapiling ang dating Jovs kasi patuloy nyang pinipilit na nakakaalala na ako. Kahit ako, hindi ko narin maintindihan kung ano ba dapat kong maalala. Ano nga ba?
Kahapon nagsabi sya na hihiwalayan nya ako. Alam kong gagawin nya yun kahit anong pigil pa ang gawin ko. Hahayaan ko nalang ba sya? Pero alam kong pagod na sya sa pag-unawa sa kin. Pano naman ang dalawa kong anghel, tuluyan naring malalayo sa kin.
Sabi ng mga teammates ko, parang first time ko daw umibig dahil ibang Jovs ang nakikita nila. Oo... Parang ngayon ko nga lang naramdaman ang ganito. Pero bakit ganon? Bakit parang me kirot kasi dama kong kinukumpara nila ako sa dating Jovs? Halos lahat napapansin ang pagkakaiba namin lalo na sa pakikitungo ko ke Chel. Ni hindi ko nga alam kung pano sya suyuin? Tama ba ginagawa ko pag nagagalit sya sa kin? Ano nga ba ang dating ako? Pwede bang ako nalang kung ano ako ngayon? Bakit ko kelangang mabuhay sa dating anino ni Jovs?'
Ramdam ko ang luha na pumatak sa pisngi ko. Hindi ko akalain na ganito na katindi ang nararamdaman ni Jovs.
Kreekkk....
Bumukas ang pinto sa kwarto kaya agad kong binalik ang notebook sa bag. Dali dali ko ring pinunasan ang mga mata ko.
"Jo-jovs... Ikaw pala..."
"Tinawagan kasi ako ni Tita... Sabi nya.. Aalis daw kayo ng mga bata.."
"Ha... A eh..." napayuko nalang ako at di ko magawang tumingin sa kanya at siguradong magagalit sya at pipigilan ako. "Oo... "
"Tama ka nga... Siguro... Maghiwalay na tayo... Kung yan ang gusto mo..." mahina nyang sabi. "Mag-papaalam lang ako sa dalawa..." sabay talikod nito at lumabas ng kwarto.
YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fanfictionwhen I hear you say I love you the second time around...........