Maagang umalis si Jovs kanina. Di man lang ako sinamahan sa doctor. Ganun na ba talaga sya? Alam kong hirap syang tanggapin ang tatlong sunod sunod naming pagkatalo. Dahil ayaw lang nyang ipakita na pinanghihinaan na sya ng loob. Kaso, di man lang ako binigyan ng kahit konting pansin sa kalagayan ko ngayon."Chel... I'm sorry but you really need to take some time off. Hindi ka pwedeng maglaro this week.." bungad ng doctor na umupo sa harapan ko.
"Pero doc..." alma ko.
"Chel... This is serious...you have a partial plantar tear on your left heel. You need to rest."
"Chel... Tama si doc. Pass ka muna for this coming sunday game. Kesa lumala pa yan." sabi ng PT namin na si Ate alysa.
"Ano pa bang magagawa ko..." buntong hininga ko.
-------
"Mommy... So you mean we won't be going to the arena this sunday?" usisa ni Jaz habang hinihimas nito ang paa ko.
"Well baby... Will still go to support mama Jovs." sagot ko.
"But mommy... Wawa man si Mama." singit ni Pat.
"Bakit naman wawa si mama... Di ba dapat ako ang wawa kasi injured ako?"
"Of course you are wawa din mommy... But you know mama Jovs can't stand alone without you inside the game."
Aba... Grabe na tong mag-isip mga bata ngayon.
"Bakit naman? Magaling naman si Mama di ba?"
"Yes mommy..." sabat ni Jaz. "But it's different when the two of you gets to play.. Can't you see... Mama is not okey..."
"Yes i know baby... Don't worry... I'll be near her to cheer her..."
"Mommy...." lapit ni Pat kaya kinandong ko na ito. "Mama jovs... She cried when she hugged me kanina... She said to me to make sure to take care of you while she's out. "
"Oh... Don't worry baby... I'll talk to mama later okey. She'll be fine."
"Mommy... Sana... Magchampion parin kayo." sabi ni Jaz.
Napangiti nalang ako. "Sana nga baby... Sana nga..."
------
Naabutan ko si Jovs na ngtatanggal ng sapatos pagkalabas ko ng banyo.
"Andito ka na pala..." sabi ko na iika ikang maglakad palapit sa kanya.
Napatingin lang sya sa kin. Di man lang ako inalalayan kaya umupo nalang ako sa tabi nya. Patuloy lang sya sa ginagawa nya.
"Jovs... Okey ka lang?"
"Oo naman..." matipid na sagot nito at biglang tumayo kaya hinawakan ko ang kamay nito.
"Jovs... Upo ka nga muna..." pilit ko at umupo ulit ito. "Wala ka man lang ba sasabihin? Hindi mo man lang ba itatanong check up ko kanina.."
"Nabasa ko na sa twitter..."
"Ganun... Pero Jovs... Parang di ka naman concern? Sinisisi mo ba ako kung bakit tayo natalo kahapon?"
"Chel hindi..."
"E bakit parang balewala sayo... Kahapon sobrang init ng ulo mo kahit sa game... Alam kong gusto mong manalo... Pero ang ngyayari kasi... Masyado ka ng nakafocus na makabawi... Di mo na inienjoy ang game..."
"Hindi na nga ako umaasa... Wala na... Tanggapin na natin na talo na tayo... Mas bata sila... Mas magaling..."
"Jovs... "
"Ang hirap lang kasi... Gusto kong gawin lahat pero feeling ko ako nalang mag-isa... Tapos yan... Wala ka pa sa loob!"
"Jovs..." kaya agad ko tong niyakap. "Kaya pa natin... Magtiwala ka lang... Magtiwala karin sa mga teammates natin... Halata na kasi sayo na frustrated ka na... "
"Nakakapagod n kasi... Biruin mong tatlong sunod sunod... "
"Jovs... Kilala kita... Isa kang sundalong hindi sumusuko... Laban lang..."
"Isang milagro ang kelangan ng team natin para manalo... At malabong mgyari yon."
"Jovs..." hinawakan ko ang mukha nya. "Basta ako... Magtitiwala ako... Magtitiwala ako sa kakayahan mo... Magtitiwala ako sa buong team... At alam kong hindi ka bibitiw... Andito lang ako... "
"Chel... Chel..." at napayakap na ito ng mahigpit.
-------
*** Tiwala lang! Kaya pa yan team RC Cola Army!
YOU ARE READING
Just a dream (Book 7)
Fiksi Penggemarwhen I hear you say I love you the second time around...........