Part 14

620 10 2
                                    


 


"Sigurado ka bang hindi uuwi sa bahay nyo?" usisa ni Aby.

"Hay naku... Paulit ulit ka... Hindi nga... Gusto ko munang di makita ang mokang na yon."

"Eh pano yung dalawa? Matitiis mo bang di makita yon??"

"Isang gabi lang naman... Uuwi din ako ng maaga bukas..."

"Lam mo... Baka naman kasi di pangalan yun ng babae... Teka... Me charo na word e... Bisaya ata..."

"Ilonga si Jovs, hindi bisaya..."

"E malay mo... Parang narinig ko na yan...charo...charo... Parang charo means clear..."

"Huwat?... At yun sasabihin nya ha... Habang nagse-sex kami!"

"Ooopppsss... Hahaha... Malay mo... Parang klaro lang ba.." tawa nito.

"Hindi kaya.... Di ba nabangit mo si Charo... Ng ateneo... Hindi kaya sya yung naabutan mo na kausap ni Jovs sa BVR?"

"Hindi ko nga nakita diba... Pero teka... Yung boses.... Shocks... Parang boses nga ni Charo yun!"

"Hay Jovelyn... Parang sinasaksak mo na naman ako..."napahawak nalang ako sa ulo ko.

"Chel... Baka hindi naman..."

"Anong hindi pa ba charo dun! Shet!"sigaw ko."Bakit nya mababanggit ang pangalang yun kung....kung walang ngyari sa kanila!"

"Sis... Huminahon ka..."

Krinngggg... Kringg....

"Si Jovs ang tumatawag..." abot nito sa phone ko.

"Hayaan mo syang manigas! Makikipaghiwalay na talaga ako..."

"Sis...."

Krinnng... Kringgg..

"Sis...si tita belle na naman..."

"Haiz... Akin na nga..." kuha ko sa phone.

"Yes po tita... Ano? Si Jovs me inuwing baby?"gulat ko. "Sige po... Uuwi na po ako..."

---------------
Inabutan ko sa sala sina Jovs at ang dalawang bubwit na tuwang tuwang nilalaro yung baby.

"Jovs...."Tawag ko dito." Kaninong baby yan?"

"Mommy... I'm an ate na!" tili ni Pat.

"What?" napalakas ng boses ko.

"Lets call him Bronson..." sabat ni Jazz

"No... BUmmy!" sabi ni Pat.

Kaloka to. Hindi maaari to.

"Jovs... Akin na muna yang baby... Kelangan nyong mag-usap ni Chel.." singit ni tita belle.

"Halika nga..." hatak ko dito papuntang garden. "What are you thinking? Are you out of your mind? Hindi natin pinag-usapan to Jovs! Ibalik mo na yang batang yan kung saan man galing yan!"

"Teka... Makinig ka nga muna... Ito kelangan natin Chel... Para manumbalik kung anuman yung sa atin... Baka isang baby ang solusyon.... "

"Jovs... Pagod na pagod na ko sayo... Hihiwalayan na kita!"banta ko.

"Chel naman..." pigil nito sa braso ko."O sige isosoli ko na.... Chel..."

"Ngayon mismo..." diin ko.

"Oo.... Ipapahatid ko nalang ke Yaya..."

Bakit ba ngyayari ang mga bagay bagay na ito?!?!!!!

Tinalikuran ko na sya at agad akong pumasok ng kwarto. Ilang saglit lang.

"Ihahatid na ni yaya... Sila nung driver... "sabi nito ng makapasok sa kwarto. "Chel... Sorry na..."

Umupo nalang ako sa sofa. Di ko na kayang pigilan ang luha ko. "Jovs ayaw ko na...."

"Chel... Di ko naman itutuloy yun... Natuwa lang naman akong dalhin yung baby dito..."paliwanag nito.

"Hindi lang naman yun...."

"Dahil ba hindi parin ako nakakaalala...yun ba?"

"Bukas.... Babalik muna kami sa condo ng mga bata... Kami lang muna..."

Napaluhod na ito sa harapan ko."At ako? Pano ako?"

"Jovs.... Siguro we need some space.. Parang nasasakal na ko sa sitwasyon natin... Hindi na ko makahinga...Hindi ko na alam kung ano iisipin ko... Gusto ko munang lumayo..."

Nakayuko lang ito at di umiimik.

"Saka nalang siguro natin ayusin... Wag lang ngayon..." hikbi ko.

"Sige.... Pwede kang umalis..." mahinahong sabi nito. "Pero ikaw lang..."

"Jovs...isasama kong mga anak ko!"

"Hindi.... Di ba napapagod ka na... Sa akin sila..." at biglang tumayo ito.

"Shit!" tumayo ako sabay hampas sa kanya. "Dadalhin ko mga anak ko."patuloy lang ako sa paghampas sa kanya hangang pilit nya akong niyakap.

"Shhhhh.... Chel..." bulong nito at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Walanghiya ka Jovs! Sa kin mga anak ko..." hangang sa manghina na ako at napayakap narin sa kanya. "Palayain mo na ako Jovs..." tuluyan na akong napaiyak.

"Shhhh..." alo nito. "Tahan na... Kukuha lang ako ng gatas ha." sabi nito at pinaupo ako sa sofa.

"Heto...." sabi nito ng makabalik at me dalang gatas. "Inumin mo na to para makatulog ka na."

Sinunod ko nalang sya. Agad syang umakbay sa kin kaya isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat nya. Naiinis ako pero pag ganitong nilalambing na ako ni Jovs, kusa akong tumitiklop.

"Gusto mo bang mag hot bath? Iready ko yung bath tub?"

"Wag na.... Gusto ko ng pumikit..."

"Halika na..." inalalayan akong tumayo at inakay papunta sa kama. "Matulog ka na..." sabi nito at inalis ang rubbershoes ko.

Agad narin akong humiga... Sobrang pagod lang ang tangi kong nararamdaman. Napagod naring tumibok ang puso ko.....Sana.... Sana bisitahin naman ako ng isang magandang panaginip....


 

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now