Part 24

603 17 3
                                    


 


"Thanks aly... Buti naman nakabalik ka na mula sa volleyball camp mo." bati ko rito ng makaupo sa kotse.

"Hay... Kulang pa nga ko sa pahinga... Tsss... Ikaw talaga... So bakit ka ba napasugod?"

"Gusto...gusto ko ng harapin ang nakaraan..."

"Ha?" naguluhan itong nakatingin sa kin.. "Ahhh... Oo nga... Me memory loss ka pa nga pala..."

"To naman... Nakalimot ka narin?"

"So hangang ngayon di mo pa lahat naaalala?"

"Ganun na nga... Paunti unti... Kaso habang tumatagal di narin ako mapakali... Alam kong ikaw lang makakatulong sa kin... Ano ba talaga ang real score namin ni Charo bago maganap ang aksidente.."

"Di ba nasabi ko na yan sayo..."

"Oo... Pero ngayon... Gusto ko mismong marinig ke....ke Charo..."

"Jovs sigurado ka? Alam ba ni ate chel to?"

"Syempre hindi! Magagalit yun!"

"Hay Jovs... At dinamay mo pa talaga ako! Alam mo bang tumawag sya ng sobrang aga kanina para lang tanungin ako sa necklace na binigay daw ni kiefy?"

"Tumawag sya?" napakamot nalang ako. Si chel pa? Haist di nun titigilan hangat di nya makuha ang sagot.

"Oo... E wala naman akong iniwang necklace sayo!"

"Haist! Naloko na... Yun yung dati siguro... Ewan ko kung para ke Charo yun... My love kasi nakalagay... E Babe or baby tawag ko ke chel..."

"Hay jovs... Ayaw ko ng maipit sa inyo... Hindi ako sasama sayo..." alma nito at aakma ng lalabas ng kotse.

"Teka...teka..." hawak ko sa braso nya. "Aly... Sige sasabihin natin ke chel ito... Okey..."

"Sigurado ka..."

"Oo... Tatawagan ko... " kaya kinuha ko ang phone ko... Nagkunyari akong tinatawagan si Chel.

"Babe.... Oo... Dito ako kina Aly... Ha? Hinde... Gusto ko kasi... Makausap si Charo... Oo wag ka ng magalit... Aayusin ko na nga... Sige... Baby... Oo... Bye.." kunyari ko.

"Teka... Bakit binaba mo agad?" taka ni Aly. "Hindi mo muna pinakiusap sa kin."

"Okey na yun..." ngiti ko nalang at sinimulan kong paandarin ang kotse.

----

"Buti nalang at walang lakad si ate charo. Dyan ka nya hihintayin sa park..." sabi ni Aly.

"Teka... Sasama ka di ba?"

"Hindi no! Kayo lang... Kaya mo yan!" kumbinsi nito.

"Aly... E wala nga kong maalala di ba?" kinabahan ako bigla.

"Sus... Maaalala mo rin yan... O ... Nagtext na si ate... Nakababa na sya at nasa park na..."

"Ha..." kaya lumabas nalang ako. Tama bang gagawin ko? Ano bang sasabihin ko sa kanya? Binasa ko lang yung mga text messages sa phone ko bago ang aksidente. Mukhang ako nga ang inlove sa kanya... Pero sweet naman din sya sa mga text nya... Haist Jovs! Bakit mo nagawang mainlove sa iba???

Natanaw ko na syang nakaupo sa bench sa likuran ng malaking puno. Di ko mawari kung anong gagawin...

"Jovs?" tanaw nito ng palapit na ako. Agad itong tumayo para mayakap ako. "Jovs.... Matagal kong hinintay to..."

Nanatili lang akong nakatayo.

"Kamusta ka na?" halata sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. "Hindi ko magawang makalapit sayo dahil alam kong hindi tama... Pero Jovs... Masaya ako at pumunta karin dito..."

"Uhmmm.... Pwedeng umupo na muna tayo..." pigil ko sa paghawak nya sa braso ko. Bakit ganito? Sobra syang nag-aalala? Ano nga bang meron kami?

"Nakakaalala ka na? Kaya ka nagpakita sa kin? Tama ba?"

Napayuko nalang ako na napapailing. "Hindi... Hindi ko parin maalala... Hindi ko parin maalala kung anong meron tayo..."

"Jovs..." at humawak ito sa kamay ko.

"Andito ako para linawin lang ang lahat... Ano bang meron tayo?"

"Jovs... We are so inlove..."

"Were siguro... Past tense... "

"Jovs noo... Nung huli tayong magkita... Sa MOA... Nag aaway tayo kasi pinili mo paring magpakasal... Kaya nagalit ako... Pinagtatabuyan na kita... Pero nagpupumilit kang babalikan mo ako... Sabi mo kakausapin mo lang si chel para di ito masaktan..." kwento nito.

"Hindi totoo yan..." nanginginig na ko sa mga naririnig ko. "Hindi ko magagawang lokohin si chel..."

"Jovs.... Hindi mo pa tuluyang maaalala pero... Pag naalala mo na... Iiwan mo rin si chel... At tayo ang magsasama... Dahil ako ang mahal mo noon... At ngayon..."

"Hinde! Si chel lang ang mahal ko!" napatayo na ako sa pinagpipilitan nya.

"Jovs... Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako at madali to para sa kin?" napatayo narin ito. "Isang araw pumunta ka sa bahay... Me regalo ka sa kin... Isang necklace... At me nakasukat ng my love... Hindi ko tinangap yun kasi ayaw mo parin iwan si Chel.... Lagi mo lang sinasabi na gagawin mo rin yun...at ang dahilan mo... Iniingatan mo lang ang dalawa nyong anak... "

Napapailing nalang ako... Hindi ko na kayang marinig pa to. "Tama na! Tama na! Kahit anong mangyari... Di ko iiwan si Chel!... Kung ano man ngyari noon... Hindi na ako ang dating Jovs! Kaya wag ka ng umasa... Tigilan mo narin ang pagtext... Dahil di na kita babalikan... Sorry kung pinaasa ka ng dating Jovs... Pero di na sya babalik... Hinding hindi na..."


 

Just a dream (Book 7)Where stories live. Discover now