Prologue:
Sa mundong ginagalawan nila, umiiral ang mga nilalang na malayo sa pagiging ordinaryong tao. Mga nilalang na siyang hindi mo agad nakikita't pinaniniwalaan at ang mga nilalang na mayroong malakasang kapangyarihan na kahit isang ordinaryong tao ay hindi makakagawa ng mga kapangyarihang tulad na mayroon sila.
Maraming ordinaryong tao ang hindi sang-ayon sa pag-iral ng mga ito sa mundo na kanilang tinitirahan. Hindi nila gusto ang mga ito dahil ang alam nila, masasamang tao ang mga nilalang na ito at pinapatay ang kapwa nila ordinaryong tao.
Para sa kanila, ang mga nilalang na ito ay isang banta o yamba kaya kapag may mahanap o makita silang ganitong klaseng nilalang ay papatayin nila ito nang walang awa lalo na ang mga tinatawag nila na... Hunters.
Sila ang grupong pumapatay at humuhuli ng mga nilalang na kung tawagin ay Supernaturals. Itinuring ng mga hunters na napakalaking kalaban nila ang mga Supernaturals dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang grupo sa ilang taon na mga lumilipas.
Mahirap man paniwalaan na sa mala kapangyarihang mayroon ng mga Supernaturals, nagawa pa ring talunin at minsan nang patayin ng mga Hunters ang iba't ibang nilalang na Supernaturals.
Tinaguriang pinakamakapangyarihan
ang mga Supernaturals.. noon, kaya walang sinumang kalaban ang makakatalo sa mga nilalang na ito lalo na sa mga napabilang sa grupong pinili't biniyayaan ng makapangyarihang kapangyarihan.Pero ang tanong, sa taong lumilipas at lilipas pa, wala nga ba? Wala nga bang makakatalo sa kanila?
_______________
Ilang taon ang lumipas nang magkaroon na naman ng isang labanan pagitan sa dalawang grupong matagal nang magka-away.
Natapos ang labanan nang maraming napatay sa bawat grupo. Ngunit ang kapansin-pansin ng lahat na saksi sa labanang ito ay ang isang taong duguan at nanghihinang nakahandusay sa lupa.
Pilit siyang tumayo ngunit hindi siya makagalaw dahil namimilipit siya sa sakit sa kaniyang buong katawan.
Palapit nang palapit naman sa karoroonan ng taong ito ang isang dalagang isa sa importanteng tao sa kaniyang buhay. Nanghihina rin ang dalaga habang nakatingin sa katawang nakahandusay sa lupa. Umiinit ang sulok ng mga mata niya sa hindi malamang dahilan. Nanginginig at kulang nalang ay babagsak din siya sa lupa.
Lumuhod siya dito at agad nagtama ang dalawang mata ng bawat isa. Dahan-dahang iginalaw ng taong nakahandusay ang kaniyang kamay patungo sa mukha ng dalaga. Agad napapikit ang dalaga at tumulo ang luha nito dahil sa halo-halong naramdaman.
"S-sobrang laki na ng pinagbago mo. G-gusto kong humingi ng tawad dahil ngayon ko lang nalaman ang lahat. Sana mapatawad mo ako bago ako mawala sa mundong ito. M-mahal na mahal kita, a---"
Hindi na natapos ang kaniyang sasabihin nang mawalan siya ng malay. Napaiyak ng lubusan ang dalaga sa pagkawala ng isang taong sobrang laki ng halaga at pinaka importanteng tao sa buhay niya.
Sobrang laki ng kaniyang naitulong sa buong kaharian. Ngunit kahit gano'n, mananatili pa rin ang kaniyang mga mabuting nagawa sa mga puso ng bawat isa hanggang sa kaniyang huling hininga.
---------------
×--------
BINABASA MO ANG
The Supernatural's Curse
FantasyShe's just an ordinary girl who's living peacefully with her parents. But not until she was sent in an academy. An extraordinary academy for Supernaturals. Her parents sent her in the Breariths Academy to avenge her brother's certain death. Her brot...