Chapter 9: First Met

664 136 5
                                    

Chapter 9: First Met

Pagkabanggit ko palang sa pangalan ni Shaye ay agad siyang napalingon sa puwesto ko. Parehong nanlaki ang mata naming dalawa nang makita ang isa't isa. Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit ngunit labag ang sarili ko sa gusto kong mangyari. Hindi ko inaasahang makikita ko si Shaye sa akademyang ito.

Napansin kong napahinto siya sa ginagawa niya at bahagyang itinago ang dalawang kamay sa likuran.

Bago ko pa magalaw ang mga paa ko patungo sana sa kaniya ay unti-unti akong nakaramdam ng pang-hihilo at pag-iiba ng katawan gaya ng naramdaman ko noong nawalan ako ng malay.

Nakatingin lamang sa akin si Shaye habang ako rin ay nakatingin sa kaniyang umiiba-ibang kulay na mga mata. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong Shaye sa oras na mga ito. Bakit siya nandito? Don't tell me she's one of the supernaturals? But how?

Pilit kong ginagalaw ang mga paa ko para sana malapitan siya ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makagalaw. Para bang nangyari iyong nasa panaginip ko kaninang hindi nakakagalaw at kahit magsalita ay hindi pwede. Hindi ko rin alam kung ano na ang mga ginagawa ng mga nilalang na nasa kwartong 'to. Para bang na h-hypnotismo ako sa mga titig ni Shaye. Hindi maaari.

Hindi talaga ako makapagsalita at kahit makarinig ay hindi. Nag-uusap sila ni Sir Drich at Shaye pero hindi ko pa rin naririnig ang pinag-usapan nilang dalawa. Hindi ko makuha ang tamang sagot kung bakit nagiging ganito ako sa unang araw ko palang sa akademyang 'to. Para bang ang daming mga bagay na kailangan kong alamin sa paaralang ito.

Hindi ko na talaga alam ang aking gagawin. Para akong nakakulong sa isang madilim na lugar na kahit ni isa ay walang tinig na maririnig, na parang ako lang ang nag e-exist sa karoroonan ko ngayon. Madilim na mundo. At hindi ko gusto ang ideyang iyon. Nakakatakot.

Napalingon ulit sa akin si Shaye. Unti-unti siyang lumalapit sa karoroonan ko at sa oras ng paglapit niya ay may sinabi siya. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ang mga galaw ng labi niya na sinabing, "patawad". Gulong-gulo ako kung bakit niya sinabi ang katagang iyon.

Ngunit nalaman ko agad kung bakit nang hawakan niya ang balikat ko bago ako binalot ng kadiliman.

~*~

"Arissa! Arissa! Gumising ka! Arisaaaaa!"

Naalimpungatan ako nang may gumigising sa akin gamit ang pamilyar na boses at nagsasalita na sobrang maingay sa bandang tainga ko. Napabangon ako ng dahan-dahan at napahawak na rin sa ulo ko dahil sa tinding hilo pa rin nito.

Anong nangyari? Pilit kong inalala ang pangyayari ngunit hindi ko talaga maalala kung anong nangyari, basta ang alam ko lang ay ang pagpasok ko sa academy at ang pag tour sa akin ni Sir Drich. Iyon lang at wala ng iba pa.

Naalala ko tuloy ang araw na nasa attic ako at nawalan din ako ng malay dahil sa ginawa ng mga hunters sa akin. Tapos pagkagising ko ay blanko ang aking utak at walang pumapasok na mga scenario na dapat kong maalala at malaman. Paano?

Napa-iling ako saka inilibot ko ang paningin sa paligid kung nasaan ako ngayon. Parang nasa isa akong malaking kwarto. Naka-upo ako ngayon sa isang king size na kama at sa tabi naman nito ay king size din na kama. Bali, dalawang kama ang nandito sa silid kung nasaan ako.

Tumayo ako at hanggang ngayon, nanghihina pa rin ang katawan ko. Paano nga ba ako nakapunta rito? Pilit kong inalala ang nangyari ngunit kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maalala. Wala. Sumasakit lang ang ulo ko kapag pilit ko pang aalahanin ang mga bagay na hindi naman pumapasok. Ugh.

The Supernatural's Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon